CHAPTER 2

1 0 0
                                    

"Okay class,introduce ko muna ang sarili ko.I am Christine Briones but just call me Ma'am Tine and I will be your adviser for this school year." Panimula ni Ma'am Tine at sinulat pa ang pangalan niya sa white board.

Ilang na ilang naman ako sa katabi ko,pano ba naman kanina pang pasulyap-sulyap sa gawi ko simula nang makaupo ako sa tabing upuan niya! Hindi ko na kinakaya ang pagka-ilang at sinita na siya.

"Ano bang problema,Mr.Villegas? Kanina ka pa pasulyap-sulyap sa gawi ko,nakakailang." Painis tono kong saad para tumigil na siya.Nagulat naman siya sa pagsita ko at bahagya pang nanlaki ang mga mata.

"I'm sorry kung nailang kita.I just can't believe na magkaklase tayo this school year.Parang kakakita lang din kasi natin last week." Turan niya at binigyan ako nang hilaw na ngiti.Natakot ko siguro siya which is hindi ko naman sadya.Nailang lang talaga ako.Tumango nalang rin ako kahit na hindi ko ma-gets ang pinupunto niya.

Siya rin ang unang umiwas at tumingin nalang kay Ma'am Tine na busy sa pagdi-discuss patungkol sa mga rules and guidelines dito sa school.Kahit na alam ko na ang mga 'yon ay nakinig pa rin ako.

"Alright,since nakapagpakilala na ako sa inyo earlier.It's your turn." Pagsabi ni Ma'am Tine na ikinabahala ko.Ito na nga ba ang sinasabi ko,hays wala talaga akong takas sa introduce yourself na 'to.Tumayo na ang isa naming kaklase at lumakad pauna,siya ang unang magpapakilala dahil siya ang nasa pinakaunang upuan sa harap.Nasa bandang likuran pa ang upuan ko kaya matatagalan pa ang turn ko,pero heto ako't maiihi na sa kaba.

Napansin naman ng katabi ko ang katahimikan ko,ni wala rin akong kibo sa kina-uupuan ko."Hey,okay ka lang?" Pagtanong niya.Hindi naman ako naka-imik at nanatiling nakayuko ang ulo ko habang ang mga kamay ko ay nakapatong sa mga hita ko.Nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga bago nag-angat ng tingin sa kaniya.Worry was visible in his eyes,his brown eyes were asking me if I'm okay.Nahimigan niya siguro ang kaba ko.

"It's okay, you're okay.Wag kang kabahan,mabilis lang 'yon,matatapos din." Saad pa niya.Thankful naman ako sa comforting words niya pero I know myself,kahit ano pang pagcomfort mo sakin,walang magagawa ang salita mo pag usapang kaba na.Babawasan ko na talaga ang pag-inom ko ng kape! Jusko! Nang turn ko na,tumayo ako at medyo nanginginig pa ang mga binti ko.Hindi na ako sumulyap sa katabi ko at sa matang mga nakamasid sa akin sa apat na sulok ng silid at basta nalang diretso nagtungo sa unahan.

"Uhm.. Good morning,everyone.My name is Imogen Eriana Morales.I am 16 years old.My birthday is on the 8th of August.A Leo.I love baking,cooking,reading,watching movies and listening to music and so on.I live with my lola.That's all thank you." Pag-introduce ko sa sarili hindi kona maintindihan kung ano ano pang sinabi ko sa sobrang kaba.Nagpasalamat naman si Ma'am Tine at pinaupo ako.Habang pabalik sa upuan ay nakita ko pang ngumiti yung lalaking katabi ko at nag-thumbs up sa akin bago tuluyang tumayo dahil turn niya naman.

"Good morning,everyone.My name is Blake Liam Villegas.I'm 16,born on May 03.I love sports,music,and my guitar.I was born here in Batangas but I live and grew up in Manila.Thank you." Pakilala n'ya. Parang hindi s'ya yung nagcomfort sakin kani-kanina lang.Ang seryoso kasi ng mukha niya habang nagpapakilala.Parang ayaw niya sa tao,eh.Ang intimidating ng dating niya.Kung hindi siguro niya ako kinausap kanina at ngumiti sakin,aakalain kong masungit siya.Hindi rin naman siya seryoso at gano'ng intimidating ang dating nung unang kita naming dalawa.Hay! Ayoko nang mag-isip! Bakit ko ba 'yon tuong iniisip! Napairap naman ako sa kawalan.

Tumunog ang bell hudyat na oras na ng recess."Okay,you may now take your break.For those who will buy at the canteen,line outside." Ani ni Ma'am Tine.Nagsilabasan naman ang mga kaklase ko upang bumili.Ako? Eto,nagbaon ng sariling tinapay,ang mahal ba naman kasi ng mga bilihin sa canteen.Grabe ang presyohan,nakakalula! Kaya minsan lang din ako magbibili do'n,pag natrip-an lang.

Nagtaka naman ako nang walang kibo ang katabi ko at prente paring nakaupo sa silya niya.

"Hindi ka ba magrerecess?" Tanong ko.Napatingin naman siya sa akin at umiling.

"I don't know where is the canteen here and it's kinda awkward to buy alone." Turan niya at napakamot pa sa gilid ng ulo niya.Sabagay may point naman siya.Ganan rin ako dati,eh.Hanggang ngayon pala.Pansin ko ring umi-english english siya anak may-kaya siguro 'to kaya gano'n or baka naman nag-eenglish lang siya kasi required dito sa school.I shrugged off the thought.

"Why? Hindi mo ba nalibot ang school no'ng enrollan?"

"Nope.Hindi ako nakasama noong nag-enroll,si mama lang ang nag-asikaso.Nagmamadali rin kasi siya no'ng araw na 'yon kaya hindi na ako nakasama.She had an emergency meeting at work that time." Napatango-tango naman ako.

Kinuha ko naman sa bag ang isa ko pang tinapay.Dalawa kasi ang dala ko,back-up 'yong isa incase magutom ulit ako.

"Oh ito,kainin mo." Abot ko ng Hansel sa kaniya.Napababa ang tingin n'ya sa kamay ko.

"Huh? Are you sure?" He asked.Tumango naman ako.

"Yep,kain kana." I answered back.Kinuha niya naman at nagpasalamat.Aba,dapat lang na tanggapin niya,noh! Siya na nga itong binigyan,eh.Chour!


Nang dumating ang lunch time ay sabay na rin kaming kumain dahil kami lang magkakilala sa room.Wala rin naman akong friends dito at siya rin daw.Halos lahat din kasi ay may kaniya-kaniya nang barkada.Hindi rin kami gano'ng nahihiya sa isa't-isa siguro ay dahil na rin nagkakilala na kami bago pa ang pasukan at nagbiruan pa nga sa daan.

Sumapit ang hapon at uwian na.Wala namang ginawa dahil first day pa lang kaya chill chill pa.Inayos namin ang mga lamesa at upuan bago tumayo nang tuwid ayon sa utos ni Ma'am Tine.

"You may line outside at the corridor first.Girls line outside,followed by boys." Ani ni Ma'am Tine habang nag-aayos ng gamit niya.Lalabas na sana ako nang may pumigil sa bag ko.Lumingon naman ako sa likod at nakitang si Liam pala ang may hawak sa bag ko.Tiningnan ko naman siya nang may pagtatanong sa mukha at medyo tinaas ko pa ang kilay ko.


"Can you wait for me? Sabay na sana tayong umuwi?" Patanong niyang saad.Tanging tango lang ang ginawa ko.Ngumiti naman siya at lumabas na ako pagkatapos.Nasa corridor na kami at nakalinya nang maayos.Nasa right side kaming girls habang nasa left side naman ang mga boys.Nagsalita naman si Ma'am sa unahan at naglead ng prayer bago tuluyang magsi-uwian.Gano'n talaga dito sa Holy Cross Academy.Kapag talaga Catholic School ka nag-aaral strict tapos dasal here and there.Hindi na bago.

"See you,my dear Zephaniah." Saad ni Ma'am

"See you,Ma'am Tine." Paalam namin pabalik.Ngumiti naman si Ma'am.

"Everybody say..."

"Giving God All The Glory." Huling saad namin at bumaba na.Magkahiwalay ang stairs ng girls and boys kaya sinabi ko na lang kay Liam na sa baba ko nalang siya hihintayin.

Nang makababa sa ground floor ay sakto namang nakababa na rin ang boys at nakatutok ang mata ko sa lalaking naglalakad palalapit sa akin.Nang makarating sa harap ko ay niyaya ko pa siyang igagala ko siya dito sa campus para naman hindi siya maligaw incase.Tuwang-tuwa pa nga siya nang binanggit ko iyon at nakailang ulit pa kung seryoso ba raw ako at nakailang ulit rin ako ng pagsagot ng oo hanggang sa hindi kona kinaya ang kakulitan niya at medyo nainis na ako.Saka lang siya tumigil nang makitang naiirita na ako sa pinaggagagawa niya.Tinawanan lang ako ng timang.Nakakairita kasi,paulit-ulit,sinabi na ngang oo.Parang sirang plaka.First day na first day iniinis ako.Kagigil! Sarap niya sakalin sa true lang.


Pagkatapos ko siyang igala ay sabay na rin kaming umuwi.Kung pwede lang iwanan ko na 'to at umuwi na ako ng akin,ginawa ko na,eh.Kaso baka umatungal 'to,kawawa naman.Tsk.

Walking Through The Path Of LoveWhere stories live. Discover now