PROLOGUE

8 1 0
                                    

"Imo,nak,gising na."

Naalimpungatan ako sa pagtawag ni Inay sa akin at naramdaman ko rin ang mahinang pagtapik n'ya sa pisngi ko.

"Hmmnn.. Inay,linggo po ngayon ang aga pa po." tugon ko naman.

"Oo nga't linggo ngayon,Imo.Kaya nga't bumangon kana riyan ng tayo ay makauwi ng maaga sa pamimili ng mga gamit na gagamitin mo sa pasukan."

Dali-dali ko namang minulat ang aking mga mata sa narinig.Shaks! Oo nga pala pasukan na next week.Isang linggo na lang at pasukan na ulit.Sana naman this school year magkaroon na ako ng friend kahit isa lang! Ang boring ng buhay ko eh,kaya siguro nakakatamad pumasok.

Habang nagpapawala ng antok bago tuluyang bumangon ay may naamoy naman akong mabango.Napangiti nalang ako dahil alam kong hayin na sa lamesa,si Inay talaga.Kahit sabihin kong tutulong ako sa paghahayin sa mesa tuwing umaga lagi naman s'yang tumatanggi kesyo ayos lang daw at ako naman ang naghahayin at nagluluto kapag tanghalian.Ewan ko ba d'yan kay Inay.

Si Inay Floren or Flor for shortcut,s'ya ang tumatayong nanay at tatay ko sa buhay.Lola ko siya sa side ni mama pero labindalawang taong gulang pa lamang ako ay pumanaw si mama sa sakit na cancer habang ang tatay ko naman ay hindi ko nakilala simula't sapol noong pinanganak ako.Ewan ko ba sa tatay ko na 'yan at hindi man lang kami nagmeet and greet 'di ba naman pinanagutan si nanay eh,nako talaga!

Pagkabangon ay agad kong inayos ang aking kama at dumiretso ako sa maliit na banyo dito sa loob ng aking kwarto upang magsipilyo,hilamos at magbihis.

Pagkalabas ko naman ay agad na bumungad sa'kin si Inay na naghahayin parin ang bango talaga ng luto ni Inay at masarap pa.Napansin naman n'ya ang pagdating ko at binigyan ako ng ngiti.

"Upo kana,apo at tayo nang mag-almusal." Usal n'ya na agad ko naman tinanguan at ginawaran din siya ng isang ngiti bago tuluyang naupo.

Nang matapos namin mag-almusal ay nagdiretso narin kami sa palengke dahil doon kami mamimili ng mga gamit ko.Hindi namin afford ang magshopping shopping sa mall dahil maliit lang ang budget namin at saka ayos narin dahil mas marami kaming mabibili sa palengke dahil mas mura ang presyohan doon.Marami rami naman kaming nabili kagaya nalang ng sampong notebook,lapis,eraser,mga ballpen short and long bondpaper,mismong papel at kung ano ano pang mga gamit pang school.Hindi kona iisa-isahin dahil alam n'yo na 'yon common sense rin kasi minsan parang mga ewan kayo eh,chour!

Pagka-uwi naman namin ay pumasok na muna ako sa kwarto upang ilagay ang pinamili namin.Mamaya o bukas kona lang siguro iyon aayusin may isang linggo pa naman ako para mag-ayos noon.Sa ngayon ay sasamahan ko muna si Inay magtinda ng paninda n'yang mga gulay sa palengke dahil linggo ngayon at wala rin naman akong gagawin dito sa bahay.Hindi narin naman nakaangal si Inay dahil alam n'yang magpupumilit akong sumama.Huh,s'yempre ako na 'to e,aangal pa ba si Inay.Joke!


Mahina ang kita ngayong araw kaya kakarampot lang ang benta namin.Pero ayos narin at least diba may nabenta parin kami! Nang makauwi ay sinabi ko na lang kay Inay na magpahinga muna s'ya at alam kong madali narin s'yang mapagod dahil narin siguro sa edad n'ya.

Naisipan kong lutuin ang paborito namin ni nanay at iyon ay ang Sinigang.Sinigang here and there and everywhere! Basta sinigang talaga 11/10! Habang masayang nagpeprepare ako ng mga sangkap para sa pagluluto ay may parang kulang sa mga sangkap.Jusko! Ang sinigang mix! 'Yun pa talaga ang naforgot ko bilhin ay naman! Napasapo nalang ako sa noo ko sa kaboangan ko sa layf.

"Inay,bili lang po ako ng sinigang mix d'yan sa tindahan.Nakaligtaan po pala natin 'yun Inay.Pano na'yan,Inay pareho na tayong ulyanin nako!" Napatawa naman siya sa turan ko.

"Ikaw talagang bata ka kung ano anong sinasabi mo.Oh,siya at bumili kana lang d'yan sa malapit na tindahan.Mag-iingat ka,huh baka matisod ang maganda kong apo sayang ang beauty." Ako naman ang natawa sa tugon n'ya same vibes talaga kami ni Inay,parehas kaming baliw pero mas baliw ako sa kaniya hindi ako magpapadaig,noh! Emz.

Habang naglalakad patungo sa malapit na tindahan ay may narinig akong may tumatawag sa likuran ko.

"Miss!"
"Miss!"

Napabaling naman ako sa tumatawag at tiningnan ko siya ng may pagtatanong sa mga mata.

"Ako po ba?" Tanong ko naman.

"Oo,ikaw nga." sagot nito na may kasama pang pagtango.

"You."

"Huh?" Tanong n'ya.

"You,sabi ko."

"Anong You?" Tanong n'ya pa uli takang taka na.

"Eh,sabi mo kasi "Miss" kaya sabi ko naman "You". Pagsabi ko pa.

Mula sa nagtataka n'yang mukha ay napaltan iyon ng mahinang tawa.

"Ahh,hindi,ano kasi itatanong ko sana kung sa'yo ba itong bracelet na 'to.Mukhang nahulog mo ata."

Napatawa narin ako.Kaya pala,akala ko naman kasi kung ano na.Nakita ko ang hawak n'yang bracelet ko na kulay itim na binili ko lang naman sa bayan sa halagang bente pesos.Tinitrip ko lang pati s'ya nung sinabi ko yung "You" kasi natutuwa ako mantrip pag sa mga random strangers eh,kasi alam kong malabo na na makita ko ulit sila kaya okay lang sakin na mantrip.Hindi kasi ako nahihiya pag ganoon kasi hindi naman din nila ako kilala kaya safe.Napatawa naman ako sa isip ko.Hay,ewan ko ba bat ganto ako,tanungin ko nga si nanay pag nagkita kami.


"Ahh,oo,akin nga." Sabi ko at lumapit naman ako sa lalaking mukhang kaedaran ko lang din at inabot ang bracelet kong nalaglag pala.Ibinulsa ko kasi 'yon kanina kasi baka mabasa nung naghugas ako ng paglulutuan ng sinigang.

"Salamat dito." Huling pasabi ko pa nang may ngiti sa labi.

"Welcome." sabi niya rin nang nakangiti.

Ako ang unang tumalikod dahil kailangan ko pang bumili ng sinigang mix at paniguradong nagugutom narin si Inay.


Pagbalik ko naman pauwi ay nadaanan ko pabalik ang daan kung saan kami nagka-usap noong lalaki.Napailing at napatawa nalang ako sa interaksyon na nangyari kani-kanina lamang.

Walking Through The Path Of LoveWhere stories live. Discover now