FIRST ARROW

114 8 0
                                    

κεφάλαιο ένα

Chapter 1: Krisha's Arrow

Krisha's Point of View

I sighed while staring at the leaderboard. Good job, Krisha! Dulo ka pa rin. Cupid ba talaga ako? Deserve ko ba talagang maging cupid? Lagi na lang akong walang ambag.

“Congrats, Krish! Second to the last, huh? Improving!” Grachelle said with a mocking tone and even laughed a bit. Bumuntonghininga na lang ako at yumuko. Nanatili ako sa gano'ng posisyon hanggang sa marinig ko ang footsteps niyang papalayo.

I don't want to mess with the most valuable cupid.

Inangat ko uli ang ulo ko para tignan ang list. Hindi ko matanggap na sa hinaba-haba ng list, nasa dulo pa rin ako. Ito na ang pang-pito na list mula nang magsimula ako bilang isang kupido.

Each cupid has a hundred days to make two people fall in love. Pero sa dami ng list na nagdaan, siguro mabibilang lang sa dalawang kamay ko ang mga nagawa kong couple per season. Tapos sa leaderboard ngayon dalawa lang ang naging successful.

It's much better than the results last month, I guess?

Umangat ang tingin ko sa pinaka-taas. Grachelle managed to match fifty-two people successfully. Twenty-six couples? What kind of sorcery is that. Pero consistent na gano'n ang results ng kanya every time naglalabas ng leaderboard. Minsan nga thirty couples pa.

I just sighed and decided to walk away. Walang magandang maidudulot kung tititigan ko pa ang leaderboard. While walking, I noticed the big statue of Cupid. That indicates that I'm currently at the center, our lobby.

Naupo ako sa bench na nasa harapan ng statue. Nasa likod ko ang napakalaking painting ni Cupid at ni Psyche. Tinitigan ko ang bow and arrow ni Cupid. That's the only thing that we, the cupids doesn't have.

Kung mayroon ba 'kong bow and arrow ay mas mapapadali ang tungkulin ko?

The problem is that we are given a task wherein we have to do things manually. We're like writers who build the perfect love story. Pero ang amin ay totoo, kaya medyo delikado.

May mga incident na ang ilang cupid ay nagkakamali ng galaw. Kaya imbis na mas tumatag ang connection ng isang lalaki at isang babae ay nagfe-fade lang.

But there are also scenarios where a man and a woman are enemies but through time, they are eventually turning into lovers. That is Kraft's specialty. He is the naughtiest cupid in our society.

His room is in front of my room pero hindi kami close. Gusto ko nga sana siyang maging ka-close kasi sa lahat ng cupid, siya ang pinaka hinahangaan ko at isa pa, siya lang ang ka-edad ko.

Delikado ang ginagawa ni Kraft. Imbis na gumawa siya ng paraan para maging close ang dalawang tao, pinag-aaway niya ang mga ito. Ilang beses na siyang pinagalitan ni Voluptas pero hindi siya nakikinig, tinatawanan niya pa ito.

“Ang lalim naman ng iniisip mo.”

Agad akong napatayo at nag-bow nang marinig ang boses ni Voluptas. She just smiled towards me and tapped the bench. I sat beside her. Nakayuko lang ako kasi kinakabahan ako sa kanya.

The fact that she is the child of Cupid and Psyche is enough reason to brought shivers to my spine.

“Sobrang lalim ng iniisip mo.”

Inangat ko ang tingin ko. Diretso lang ang tingin ni Voluptas sa statue nila Cupid at Psyche. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang tumingin sa mga mata ko. Yumuko agad ako dahil nahihiya ako sa kanya.

Stupid CupidWhere stories live. Discover now