"Hindi ako titigil hanggat hindi tayo magkaayos. Ayaw kong matulog tayong may samaan ng loob." Sumunod siya sa 'kin hanggang sa kwarto ko.


Nakatayo lang siya sa gilid ng pintoan at tila naghahanap pa ng tyempo para kausapin ako. Kinuha ko naman ang gitara ko at agad na umupo sa kama. Nagpatugtog ako ng gitara at kung ano-anong chords ang ginagawa ko para lang mag-iingay sa loob ng kwarto.

Rinig kong napabuntong hininga siya. "Tian, I'm sorry kung hindi ko nasabi sa 'yo ang tungkol sa King and Queen of Hearts." Mahinahon siyang humingi ng sorry.

Nang marinig ko 'yon ay dahan-dahan akong natigil sa pag-gitara dahil napakarami kong gusto sabihin sa kanya tungkol do'n. "Bakit kasi hindi mo pa sinabi sa 'kin nong una pa lang? Sa kanila Art ko pa nalaman." Gusto ko magalit pero parang nag-iiba ang pakiramdam ko, ni-hindi ko siya kayang tignan at nakayuko lang ako.

"May balak naman talaga akong sabihin sa 'yo, pero ayaw ko lang kasing isipin mo pa 'yon. Mas gusto kong magfocus ka lang sa pagpractice mo ng guitar. Isa pa kailangan mo ang tulong ko, kaya hindi ko na sinabi sa 'yo para kung kailangan mo ako alam mong darating ako." Pagpaliwanag niya.

Natigilan ako sa mga sinabi niya, parang nakaramdam ako ng sakit, at the same time parang kinakain ako ng guilty dahil masyadong mataas ang pride ko. Tama nga ang sinabi ni Art, naging priority ako ni Haku, mas inuuna pa niya ako kaysa sa sarili niya.


Dahan-dahan ko siyang nilingon. "Ayon na nga ang problema eh...walang ibang dapat sisihin dito kundi ako. Naging selfish ako, hindi ko man lang naisip na may mga kailangan ka din gawin. Mula umaga hanggang gabi, inilaan mo na ang buo mong oras sa akin, nakalimutan mo na ang sarili mo..." hindi ko napigilan maging emotional pero hanggat maaari ay pinipilit ko ang sarili na huwag masyadong lumuha.

Dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin at umupo sa tabi ko, dahan-dahan niya hinawakan ngayon ang mga kamay ko. "Huwag mong sisihin ang sarili mo dahil wala kang nagawang mali. That thing na hindi ko pagsipot sa practice namin, pag-alis kong hindi nagpapaalam, lahat ng 'yon ginusto ko 'yon, decision ko 'yon. Dahil mas mahalaga ka sa akin. Matagal kong hinintay ang pagkakataon na maging guitar coach mo ako, kaya mas pipiliin kitang makasama kaysa sa kanila." Habang sinasabi niya 'yon ay tinitigan niya ako ng mabuti na halos hindi niya inaalis sa 'kin ang kanyang tingin.

Pinipilit kong iwasan siya ng tingin dahil nakakaramdam pa rin ako ng hiya para sa sarili ko. "Bakit ang dali-dali lang sa 'yong sabihin na okay lang 'yon, samantalang ako nagagalit na ako sa sarili ko dahil sobra na kitang nadisturbo..." naghahalo na ang inis at lungkot ko.


Biglang ginawa niya ang hindi ko inasahan, dahan-dahan niyang ipinatong ang kamay niya sa ulo ko. "Gaya ng pagtiwala ko sa 'yo, magtiwala ka din sa 'kin. May mga experience na ako sa pagent do'n palang sa Los Angeles, kaya madali lang 'to para sa 'kin." Mahinahon niyang sabi habang ginugulo niya ang mga buhok ko, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay unti-unting bumubuti ang pakiramdam ko sa tuwing ginagawa niya sa 'kin ang head pats.

Nilingon ko siya at dahan-dahan akong ngumiti. "Sabi mo 'yan ah...galingan mo dahil manunuod ako..." napapangiti na nga ako na parang ilang minuto lang niya hawak ang ulo ko ay okay na ako.

Hindi ko alam kung love language ba niya ang head pats, nakakaramdam kasi ako ng genuine care at pagmamahal niya tuwing ginagawa niya ito.

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now