"Narinig ko 'yon. Kung pag-uusapan niyo ako make sure na wala ako sa harapan niyo." Inis kong sabi at natigil naman sila sa pagtawa. Nilingon ko si Tian at nakita ko siyang napatakip sa bibig at parang nagpipigil tumawa habang nakatingin sa 'kin.

"What?" Sinalubongan ko siya ng kilay. "Mag focus ka dyan." Seryosong tugon ko at nagpatuloy naman siya sa pagpractice habang pinapanuod siya nila Art at Sky.

Ilang sandali pa ay napaangat siya ng tingin at lumingon sa paligid. Nagtataka na ako nang tumatagal na ang pagtitig niya sa malayo at halos matulala na siya habang parang maglalaway na.


Labis na ako nagtaka kaya lumingon na ako sa kung saan siya nakatingin at nakita kong isang magandang babae pala itong kanina pa niya tinitignan. Papalapit sa amin ang babae kaya nakita ko din kung gaano ito kaganda, it has a perfectly tan skin, may magandang pangangatawan, hanggang leeg ang silky niyang mga buhok, at higit sa lahat ay maamo ang mukha niya lalo na ang itim niyang mga mata na parang nagniningning.

Wala akong masabi kundi maganda siya. Siya 'yong definition ng dalagang Filipina na simple lang ang dating, walang kahit anong bakas ng make up sa mukha. Kaya siguro nagkaganito si Tian dahil nabighani sa kanya. Habang palapit nang palapit ang babae ay lalo itong gumaganda habang nakangiti. Nagsalubong ang mga kilay ko habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Tian.

Napabuntong hininga nalang ako. "Damn it..." nagpipigil lang ako pero gusto ko na magwala dahil sa titigan nilang dalawa habang pangiti-ngiti pa.

Pagkarating ng babae sa harapan namin ay lumapit ito kay Sky "Sky, my favorite cousin..." nakangiting pagbati nito, nagulat ako nang malamang pinsan pala siya ni Sky. Agad naman siyang hinarap ni Sky na nagulat. "Rifah, ikaw pala..." agad silang nag-akbayan na parang mag tropa lang.

Nalaman ko na ang pangalan ng babae at hindi ako sigurado kong alam na ba ito ni Tian, eh mukhang hindi nga niya narinig ang usapan ng dalawa dahil parang lumilipad na sa ibang mundo ang isip niya habang nakatitig sa babae, kanina pa siya tulala dito.

"Na-miss kita insan..." sabi ng babaeng nagngangalang Rifah. "Araw-araw naman tayong nagkikita dito sa campus ah..." parang natawang sagot ni Sky. "Absent ka kasi kahapon, mabilis kaya kita ma-miss..." pagkatapos nila mag-usap ay kay Art naman lumapit si Rifah at agad silang nagyakapan halatang close friends sila.


Matapos nila magyakapan ay sa amin na sila nakatingin ngayon, kaya nilingon ko si Tian at dahan-dahan na isinara ang bibig niyang nakanganga. "Guys I want you to meet my cousin, Rifah Cardino. She's also a grade 11 student here on HA and she's taking HUMMS strand." Pinakilala sa amin ni Sky si Rifah.

Seryoso lang akong nakatingin sa kanila, pero natigilan ako nang magsalita si Tian. "Mukha kang dyosa...pwede bang akin ka nalang...?" Tulala siyang nagsalita habang nakangiti pa rin kay Rifah

Lalo akong nainis sa nangyayaring ito kaya tinakpan ko na ang bibig ni Tian. "Pasensya na, gutom lang siya kaya kung ano-ano nasabi niya..." tugon ko para hindi maniwala si Rifah sa nasabi ni Tian, dahil kapag nagkataon kawawa ako.

Nakalahad ang kamay ni Sky sa amin ni Tian. "Rifah, mukhang hindi ko na kailangan i-pakilala sila sa 'yo, dahil sigurado naman akong kilala mo na sila...sobrang sikat kaya ng mga friends kong ito..." nakangiting wika ni Sky.

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt