Nilingon ko siya. "Tulad mo kaka-practice ko lang din. Pero mas madali lang talaga ako matuto kaysa sa 'yo. Ulyanin ka kasi kahit ang bata mo pa." Pabirong sabi ko.

Hindi siya napikon at natawa lang. "Ouch, grabe ka naman sa 'kin..." tumigil siya sa pagtawa at nakangiti siya sa 'kin ngayon. "Pero seryoso, talagang bago ka palang nag practice ng guitar?" Tanong niya at tumango lang ako bagay na mas nagpanganga sa kanya at humanga pa lalo. "Really, kailan pa...? Interested siyang nagtanong.

"Mula nong gabing isinauli mo sa akin ang uniform at sinabing hindi ka nakapag-practice, ay ginusto ko na mag gitara. Dahil baka pag natulongan kita mapatawad mo na ako. Nong nalaman kong naging coach mo na pala si Sky ay nalungkot ako. Pero pinagpatuloy ko pa rin ang pag-practice dahil kung sakaling wala si Sky ay maaari mo 'kong lapitan. Nagpursigi ako, minsan nga inaabot ng madaling araw sa kaka-practice. Umaasa ako na maging worth it lahat ng pagod at puyat. Mangyayari lang 'yon kapag ako na maging coach mo." Tugon ko sa kanya sa mga nangyari.


Nagbakas ang lungkot sa mukha niya at halos hindi niya ako kayang tignan. "Sana pala dati naging mabuti ako sa 'yo, dahil wala ka naman pala masamang intensyon." Dahan-dahan niya ako nilingon. "Parang matagal na kaibigan ang turi mo sa 'kin, kahit kakilala lang natin. Sorry talaga." Naging mahinahon ang tuno ng boses niya.

Bigla akong nakaramdam ng kaba sa sinabi niya dahil totoo naman talagang matagal na kaming may connection sa isa't isa. Pero ngayon ay parang hindi na ako ready na malaman niya ang masakit na nakaraan.

Natigilan ako sa kaka-overthink nang magsalita siya. "Anong mga ginawa mo? Bakit ang bilis-bilis mo naman natuto, samantalang hirap na hirap ako..." napakamot siya sa ulo.

"Oo hindi madali, pero kapag determinado ka matuto sa isang bagay, hindi ka mapapagod. Kahit hindi mo pa natagumpayan pero may progress kang nagawa, walang dahilan para sumuko ka." Dahan-dahan akong ngumiti. "Huwag kang mag-alala, nandito na ako. Ibabahagi ko sa 'yo ang lahat ng alam ko. Magkasama nating lakbayin ang mundo ng musika. Ang tanong, papayag ka ba?" Tanong ko habang nakipagtitigan sa kanya.


Nagtataka ako sa pagbuntong hininga niya at parang may lungkot sa mukha niya, pero laking gulat ko nang bigla nalang siya sumigaw. "Yes...syemp namannn!!" Naging abot tenga ang ngiti niya halatang tuwang-tuwa siya.

Napakunot-noo ako. "Syemp?" Tanong at tinawanan lang niya ako. "Syempre...sus parang hindi ka naman millianial..." sobrang cute niya tumawa ngayon kaya tinitignan ko lang ang mukha niya. "Sa 'yo ko lang kasi 'yan narinig. Pero I promise na gagaling ka agad, kasi syemp ako ang magaling mong coach..." nakangiting sagot ko.

Laking gulat ko nang bigla niya ako niyakap, hindi ko 'to inasahan mula sa kanya lalo na hindi naman siya hugger na tao. Pero mas nangingibabaw pa rin sa akin ngayon ang tuwa, dahil sa pangalawang pagkakataon ay niyakap niya ako, ganito kahigpit na yakap niya ang lagi kong hinahanap.

Dahan-dahan na niya ako binitawan at alam kong nahihiya siya pero dinaan nalang niya sa tawa. "P-Pasensya na, nacared away lang ako sa tuwa..." sabi niya at nagawa na niya ako tignan ngayon. "Tsaka mag kaibigan na tayo ngayon kaya pwede na tayo magyakapan. Napatawad na kita, magkapatawaran na tayo..." ngumiti siya.


"Bago kita tuturoan bukas, gusto kong gawin mo muna ngayon ang pinangako mo." Tinitigan ko ng matagal ang kanyang mapupulang labi.

Napakunot noo siya. "A-Ano 'yon? Mukhang wala naman akong pinangako sa 'yo ah..." pagtataka niya at parang kabado pa siya.

"So nakalimutan mo na nga." Ngumiti ako. "You've promise to me na hahalikan mo ako once mapatawad mo ako. And you just said right now na napatawad mo na ako. So come on, where's my kiss?" Kumindat ako sa kanya.

Make You Mine Season 1 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now