MY LIFE

42 4 7
                                        

Hello everyone! Ako nga pala si Ann. Lumaki ako sa isang mahirap na pamilya. Ang aking ama ay isang karpentero at ang aking ina naman ay isang housewife. Nakatira kami noon sa tinatawag naming "USA" o United Skwater Area na malapit lang sa pantalan. Sa tapat ng bahay namin, may matatagpuang maduming ilog.

Lima kaming magkakapatid at ako ang bunso. Sa aming lima, ang pangatlo ang hindi nakapag-aral. Ang panganay naman ay hanggang elementarya lang ang natapos, ang pangalawa ay nakapagtapos ng kolehiyo, at ang pang-apat naman ay high school graduate. Sa ngayon, ako ay kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo sa kursong Education para maging isang guro. At ito ang kwento ng buhay ko.

Fast Forward...

(Highschool days)

Mama: "Ann, bumangon ka na! Tanghali na!"
Ann: "Ahhh! Inay naman, ang ingay!"
Mama: "May pasok ka, 'di ba? Bangon na!"
Ann: "Opo, inay. Heto na, babangon na ang prinsesa."
Mama: "Bilis-bilisan mo at maliligo ka pa!"

Bumangon na si Ann at dali-daling pumunta sa banyo.

Mama: (Kumatok sa pinto) "Bilisan mo riyan, Ann! Nandiyan na ang sundo mo!"
Ann: "Inay naman, kakapasok ko lang sa banyo, eh!"

Pagkalipas ng ilang minuto, natapos na siyang maligo at agad na pumunta sa sala para kumain.

Mama: "Ann, anong kurso ang kukunin mo pagkatapos mo ng High School?"
Ann: "Kahit ano na po, Nay."
Mama: "Magseryoso ka nga! At tandaan mo, huwag kang magbo-boyfriend. Pag-aaral muna ang atupagin."
Ann: "Opo, inay."

Pagkatapos kumain, tumayo na siya at kinuha ang kanyang bag.

Ann: "Mano po, inay. Nandiyan na po si Kuya."
Mama: "Sige, mag-iingat ka."

(Ann's POV)

Nakasakay na ako sa motor ni Kuya. Another year, another set of challenges. Sa wakas, nakarating din nang ligtas ang Disney Princess niyo sa school!

Sa unang apak ko pa lang sa gate ng paaralan... "Wait, I smell something." Napatingin ako sa ibaba.

"Eww! Ano 'to? Tae?!" Kinuha ko ang sapatos ko at inamoy. "Tae nga! Legit na tae!"

Pilit kong tinatanggal ang dumi habang naglalakad sa hallway. Dahil masyado akong busy sa paglilinis ng sapatos, hindi ko na napansin ang dinadaanan ko hanggang sa may biglang bumangga sa akin.

"Ay, jusko po!" Napasigaw ako dahil nadapa ako. Agad akong bumangon. "Huy! Kung sino ka mang tao ka, mag-ingat ka naman!"

Nagkatitigan kami. "Excuse me, I'm very sorry po. Hindi ko talaga sinasadya," sabi nung maginoong lalaki na nakabangga sa akin.

"No, it's okay! I'm fine... can you be mine?" bulong ko sa sarili ko habang tumatalikod para kiligin. "Ah, okay lang," sabi ko na lang sa kanya.

Umalis na siya agad pagkatapos mag-sorry. "By the way—" Haharap na sana ako para magpakilala pero wala na siya. "Walanghiya, sayang, pogi pa naman! Argh! What a day!"

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa Classroom A. Pagpasok ko pa lang, tumahimik ang lahat.

"Wow, ang ganda!" sabi nung kaklase kong nasa harapan.
"Anong pangalan mo, Miss?" tanong naman nung katabi niya.
"Ako pala si—"
"I don't care who you are," sabi nung isa. "Siya ang tinutukoy ko." Itinuro niya pala yung babaeng nasa likuran ko.

"Ay, sorry!" Sa sobrang hiya, dali-dali akong pumunta sa likuran para humanap ng upuan. Pero dahil sa pagmamadali, hindi ko inaasahang madadapa na naman ako.

BOOM! "Aray ko po!" sigaw ko. Lahat sila ay nakatingin na sa akin.

"Shit, nakakahiya talaga," sabi ko sa sarili ko. Bumangon ako at dahan-dahang umupo. "Naku naman, bakit ganito ang unang araw ko?"

My LifeStories to obsess over. Discover now