"Sure, let me see." Tugon ng binata na lubos naman nilang ikinatuwa.

Bigla kong naagaw ang kamay ko ng tumayo si Rissa at Lexie sa likod namin ni Carlo.

"Sino gumawa nito?" Tanong nito na ang parte ko pala ang tinutukoy.

Kinalabit naman ako ni Lexie, cueing me to answer.

"Ako, bakit?" Masungit kong tanong sabay palihim na kinurot ang hita niya.

Mali ba? Sinunod ko naman lahat ng tinuro niya e.

"Itong part na 'to, wag na natin 'tong galawin since tama na 'to. Yung ibang part, medyo ayusin lang natin." Sagot nito habang sinisimulang e-edit ang ibang parts ng case study. Tapos bumaling saakin. "If you don't mind, sino nagturo sayo sa paggawa ng case study?"

Pasimple na lang ako umismid, buti na lang di ako umirap.

"Just.. a friend." Simple kong sagot.

"I guess magaling siya since you learned so well." Tango nito.

Mayabang.

"Hindi. Sakto lang." Iling ko naman, pilit ibinababa ang paunti-unti niya na namang pagbuhat ng sariling bangko.

Seryoso na ito at inayos ang case study habang mini-mention isa-isa ang mga do's and don'ts, pati na ang mga key points and important details.

"Thank you so much, kuya Carl!" Hyper na sabi ni Lexie pagkalabas namin sa library.

"Sa uulitin po." Biro naman ni Rissa.

"Huuuy! Inabuso.." Tawa naman ni Ron.

"Yeah, no worries. Goodluck sa case presentation niyo." Ngiti nito at saka tumingin sa watch niya. "I have to go. Sa kabilang building pa ang klase ko e."

"Thank you again, Kuya Carl." Saad ni Sia.

"Welcome. Study well, guys." Paalam nito.

Sinalubong ko ang nagpapa-alam nitong tingin na tinugunan ko naman ng isang tango.

Napailing na lang ako. Tingnan mo nga naman. Parang kailan lang, dahil dito muntik pa kaming maghiwalay. Tapos ngayon, parang naging expert na nga kami't nakakapaglandian pa nga.

sweet little secrets.

____________________________________________


"Musta duty?" Bungad nito sakin pagkalapit ko sa pinag-parking-an niya.

Hindi ko siya pinansin, dire-diretso lang ako para yumakap sa kanya. Finally. This is what I'm longing for, mula pa kanina.

He encircles his arm over my shoulder and comfortingly tap my shoulder blade, while his other hand is holding my helmet.

"Ano nangyari?" Malambing nitong tanong.

"My patient died." Sumbong ko.

My heart really aches for her.

"Sorry to hear that." He said, comforting me.

"Ang unfair ng mundo sa kanya. Ang bata pa niya. Napakabait at masayahin." I sighed. "Kaya ayoko na-a-assign sa pedia e."

"Atleast hindi na siya mahihirapan. Hindi na din siya masasaktan sa chemotherapy. She's free now." He smiled, but I can't smile back.

Dopamine RushWhere stories live. Discover now