PROLOGUE

11 0 0
                                    

Malandi 'Yan ang tawag nila kay Sena, kesyo hindi raw siya makakatapos ng pag aaral. Hindi raw makakatulong sa mga magulang at mabubuntis din agad kahit bata pa.

"Nay, sabi ko sa inyo lilipat na tayo sa subdivision" Saad ni Sena sa ina na nagluluto.

Naka-upo s'ya sa upuang kahoy habang nakatingin sa nakatalikod na bulto ng kaniyang ina.

"Hay nako anak, sabi ko naman sa iyo ayaw kong lumipat. Marami tayong memories dito anak" Saad naman nito.

"Ayaw ko dito ma, ang daming chismosa omg... at 'yong mga kapitbahay nating walang magawa sa buhay? 'Di ba sila 'yung pula ng pula sa akin noon? na mabubuntis daw ako" Mahabang litanya ko habang nakapangalumbaba sa mesa.

"Nako anak, nanahimik na 'yong mga 'yon HAHAHA sa totoo n'yan gusto ka na nilang mag asawa e" Natatawang saad ng kan'yang ina.

Maayos naman ang bahay nila dito, hind naman iskwater ang lugar, pero mas gusto n'ya na nakatira ang mga magulang n'ya sa subdivision at least doon secured ang kaligtasan ng mga ito but her parents didn't want to live in the subdivision, sabi ng mga ito ay nandito na raw ang buhay nila at mga ala-ala dito na aw sila nagka-anak dito na rin daw sila mamamatay.

Ang OA lang pero totoo nga 'yon. Maraming memorya ang lugar na ito.

"Nako nay, malabo pa 'yan tama na lang muna ako sa pa-landi landi" Tumawa s'ya at siniringan naman siya ng ina.

"Joke lang nay, ayaw ko pa talagang mag asawa...oo alam ko na gusto n'yo nang magka-apo pero wala akong makitang worthy e" Saad ko pa at nangamot ng kilay.

"Jusko kang bata ka, bente-nuebe ka na ay aa ika'y kumilos kilos na patanda na kami ng tatay mo" Saad pa nito habang hinahainan s'ya ng pagkain.

"Kikilos na nga nay, hahanap na ng sperm donator tutal kaya ko namang bumuhay ng anak" Wala sa sarili niyang saad at nagulat naman s'ya ng hampasin s'ya ng ina sa braso.

"Aray!" Inda n'ya sa hinampas nito.

"Anong sperm donator na bata ka?! Nauuta ka na ga at magpapadonate ka lang ng tamod?" Sermon nito na ikinatawa n'ya.

"Nay naman, nasa harapan tayo ng pagkain" Saway n'ya sa ina.

"Jusko sinabi mo ngang sperm sinaway ba kita?" Itinaas ng ina ang isang kilay.

"Nay, sperm ang sabi ko nga... pero english naman nay, hindi naman tagalog ang laswa naman ng tamod grabe. Dapat "sperm" para tunog sosyal" Saad n'ya at inempahasize pa ang salita.

Hinampas s'ya ng ina sa balikat at umiling na umupo sa upuan.

"Nako kang bata ka andami mong alam" Saad nito.

"Nasaan nga pala ulit sina Joros at si tatay?" Tanong ni Sena sa ina habang ngumunguya

"Nagdedeliver ng mga bangko at lamesa sa bagong buyer" Saad naman ng ina.

Actually mayroon silang maliit na negosyo dito sa lugar nila at kung saan saan na rin ito nakaka abot, maunlad na naman ang buhay nila let's say na hindi na sila isang kahig isang tuka katulad noon.

Hindi na sila sa tungkuan nagluluto, hindi na mano-mano ang paglalaba nila, hindi na sila umiogib ng tubig, iba iba na ang mga palaman nila sa bahay na hindi tulad noon na tuwing bagong taon lamang sila nakakabili ng mga palaman, palagi na ring bukas ang refrigerator nilang binubuksan lamang nila tuwing bagong taon noon.

Sabihin na nating nag iba na nga, at masaya sa pakiramdam ang bagay na 'yon magaan. May second floor na rin ang bahay nila na tagpi-tagpi lang noon. Nabilhan na n'ya ng isang owner at isang mini truck ang kan'yang ama na matagal na nitong pangarap at higit sa lahat buo pa silang pamilya. Napaka sarap sa pakiramdam na maabot mo ang pangarap mo na nan'dyan at buhay pa ang mga magulang mo.

Pinatapos kasi s'ya ng mga ito ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Engineering, at napakasaya ng mga ito nang makapag-tapos s'ya dahil ipinangutang lamang ng mga ito ang pinang tustos sa pag aaral n'ya. At ngayon nabawi na ang lahat ng mga hirap, pagod at pagsisikap.

"Anong oras uwi nila nay?" She asked, balak n'yang magpalipas ng gabi dito sa bahay nila dahil medyo matagal na rin s'yang di nakakadalaw dito.

"O iyan na pala sila e" Saad ng ina n'ya nang makitang papasok ang mag ama.

"Ate? Gagi ate!" Saad ni Joros at dali-daling lumapit kay Sena at yumakap.

"Na miss rin kita pangit, ang baho mo maligo ka nga" She said habang yakap ito.

Napalayo naman ang kapatid at inamoy ang sarili at tila nahihiyang napabaling ng tingin sa kan'ya.

"Maliligo muna ako nanay!" Tatakbong saad nito at umakyat sa hagdan.

"Maligo ka na nga, may mga dala ako para sa'yo" Sena said na ikina-excite naman ng kapatid. Joros is 19 years old already pero parang bata pa rin ito, clingy at makulit but he has a matured side too, kaya n'yang mag desisyon ng s'ya lang at ang mga desisyon naman ay tama, he's an consistent honor student on his school, kasali nga s'ya sa dean's lister e.

"Tatay" Saad n'ya at yumakap sa ama.

"Sena, anak" Saad nito at niyakap s'ya ngunit humiwalay din ito kaagad "Nako mabaho na rin ako, kakagaling lang namin ng kapatid mo sa pagdedeliver e ligo muna ako bababa ako pagkatapos"

"Nako tay hindi naman, sige po ligo muna kayo" Saad ni Sena at natawa sa ama.

"Uta ka talagang bata ka, pinaglololoko mo ako e" Saad nito at umakyat na sa hagdanan pagkatapos.

Hindi na tumuloy sa pagkain si Sena gusto n'yang makasabay ang mga ito sa hapag kaya't hinintay n'ya ang mga ito.

"Kumusta ang trabaho anak?" Her father asked while chewing.

"Ayos naman po tay, mapro-promote na" Saad n'ya at ngumiti.

"Wow ate good job" Saad naman ni Joros.

"Balita ko mataas grades mo ah, tsk tsk mana ka talaga saakin" She said.

"Oo ate, mana talaga pati nga sa mga naghahabol e mana rin ako sa'yo lakas ng karisma ko sa school e" pagyayabang nito.

"Napakayabang naman" Saad ni Sena.

"Musta nga pala love life mo ate? Balita ko walang naghahabol sa'yo ngayon? Expired na ba charisma mo?" Pang uupat ni Joros sa kapatid.

"Tama ka na Joros, alam mo ang mga magaganda hindi nag jojowa yan!" She said while chuckling.

Natawa naman ang mga magulang nila sa asaran.

"Jusko, sabihin mo ate wala ka na talaga. Expired ka na"  Tumawa ito.

"Edi hamunin mo ako, bigyan kita ng pamangkin d'yan e" She said and laugh

At oo nga, ayaw na n'yang magsalita ng tapos dahil baka magkatotoo. Pero ano? Ginawa n'ya, nagsalita s'ya ng hindi n'ya pinag iisipan. Nangyari ang di inaasahan.

**********************
@VENCOLDASICE

The MischiefWhere stories live. Discover now