Naglalakad na ako pero ng muli akong lumingon sa kanila ay nagkaroon na ng espasyo doon at agad na nanlaki ang mata ko ng makita si Karl! Ang babaeng kawawang nakaupo doon at pinagkakaisahan ng tatlong babae ay walang iba kundi ang kaibigan ko! Naglakad ako ng mabilis palapit sa kanila at hindi na pinansin ang mga taong nakakakita sakin.

"Karl!" tawag ko sa kaibigan ko at lumapit sa kanya. "Goodness, what happened to you?!"

Nag- aalalang tanong ko at pumantay pa sa pagkakaupo niya. hindi siya sumagot at mas humagolgol lang sa pag- iyak. Matalim ang tingin na lumingon ako sa tatlong babaeng nakatayo sa harap na nanonood lang sa amin. Ang dalawa ay mukhang nagulat sa pagsulpot ko habang iyong nasa gitna naman ay tinaasan lang ako ng kilay.

"What?" Matigas na usal ng babae sa gitna. Umayos ako ng tayo at pinantayan ang mataray niyang mukha. Ni- head to toe niya pa talaga ako- ABA?

Mula samin ay rinig ko ang malakas na bulong- bulongan ng mga estudyanting nanonood sa amin. hindi pa sila na kontento at may mga napapatigil pa talaga sa paglalakad para makinood lang sa'min.

"Marga, I-I think I know her.... She's that Vernieza. Serena's cousin, remember?" Nag aalangan pang pakilala sakin ng kasama niya pero hindi ko siya pinansin at nanatili lang ang tingin sa tinawag niyang Marga. Finally, mukhang it ring her a bell na rin.

"Oh, so it's you.." Tiningnan pa muli ako nito mula ulo hanggang paa. "You know what? I've seen you in billboards, magazines, headlines and even on social media countless of times, but now that you're in front of me... I say that you're nothing special. Just another rotten brat at mukhang pakialamera rin pala?" Tumingin pa siya kay Karl bago sarkastikong natawa paharap sakin.

Napatingin din ako sa nakaupo pa ring si Karl bago nagsalita. "Not much, but she's a friend e." Napaka sarkastikong sabi ko na parang ang bobo niya. "And guess what? someone once told me that I am so beautiful that I only get ugly in the eyes of someone insecure. May mata ka naman.. so I'm sure you know exactly what's so special about me, right?" tumawa ako bago sinalubong ang matalim niyang tingin.

This is quite entertaining..

"Don't be so full of yourself, Vernieza. You are not the princess that you think you are. You may think that your life is in full bliss now.." lumapit pa siya sakin habang matalim parin ang tingin "But I can always make it a living hell. So next time, think before choosing your battle." Tumingin pa muna ito kay Karl bago naunang umalis at sumunod din naman agad ang dalawang kasama niya.

Tumagilid ang aking ulo at seryosong sinusundan sila ng tingin. Habang tinitingnan ko siya kanina, nalaman ko kung bakit siya pamilyar sakin.

She's the one that Serena and I were talking about just earlier. Margaux Wong. Maganda siya.. she also looks sexy in that mini dress. Maputi, singkit na mata, traight and black hair.. I think she's Chinese although I think she's far from just being a brat.

But the question is.. how is she related to Creyon Wong?

Well, so much for getting away from trouble. You really couldn't even take your own advice, Tiara. Tsk tsk

Pumantay ako sa pagkakaupo ni Karl at tinaas ang mukha niya. Puno ng luha ang mukha niya kaya pinunasan ko ito gamit ang sariling kamay. Looking at her now, she looks very vulnerable. Isang araw lang akong nawala pero ganito na ang nangyari sa kanya..

Unti- unti na ring nagsisialisan ang mga nakikiusyusong estudyante pero may roon paring mga hindi pa rin nakuntento at nanatiling lang na nanonood.

"I'm sorry. Hindi ko alam na ganito na nangyayari sayo habang wala ako.." Sabi ko at senenyasan siyang tumayo pero tumingin lang siya sakin atsaka umiling. "W-wala kang kasalanan. Nabangga ko kasi siya k-kanina habang naglalakad ako kaya kasalanan ko talaga.. pero hindi ko naman sinasadya." umiiyak na aniya. Naaawa akong tumingin sa kanya at hindi mapigilang hindi manikip ang dibdib ko. Hindi ako makapaniwalang may mga taong kayang mang- api sa mga kagaya ni Karl na walang kalaban- laban.

He's In TroubleOnde histórias criam vida. Descubra agora