Inayos ko muna ang mga pagkain sa tray ko bago umalis.

"I heard that some guys from Olive Hill harassed you? totoo ba?"

Nabigla ako sa tinanong niya at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya.

Para sa isang gwapong lalaking 'gaya niya, hindi bagay sa kanya maging chismoso!

"No. Kung saan mo man narinig yan ay nagkakamali ka."Nacucurious na ako sa kanya dahil sa pa ganyan niya. And for the first time since the past days na tinitingnan lang niya ako, he actually talked to me! Mabilis akong nagbayad para makaalis na doon.

Nilapag ko ang dalang tray at umupo na para makakain. hindi pa sila nagsisimula, hinintay nila ako?

Nakakahiya naman dahil natagalan pa ako don..

"Grabe naman yan, diet ka ba?"

"Huh? Marami na naman 'to ah?" Nagtatakang sagot ko kay Aya. Tsaka mas kaunti pa nga 'yong kay Ena.

"Marami na kasi akong kain pag nasa bahay dahil palagi ring masarap ang niluluto ng mommy ni Ena. kaya dito, dapat tama lang ang kinakain ko." Iyon na lang ang sinagot ko.

"Ganon ba yon? sige, yan din ang gagawin ko baka sakaling maging kasing ganda mo rin ako hahaha!"

"Naku wag ka nang umasa! Hindi ganda ang makukuha mo d'yan kundi sakit! mawawala ka sa tamang pag iisip 'pag hindi ka nag takaw! Ikaw pa?!" Pagkontra agad ni Jane sa kaibigan.

"Aya? Ang pagkain ay napupunta sa tiyan, ha? Hindi sa ulo at lalong hindi sa mukha." Si Ena naman ang nang- asar dito.

Kanina ko pa napapansin ang panay na pang aasar nila dito na hindi don naman nagpapatalo sa asaran kaya aliw na aliw ako habang kumakain.

Ang maganda sa kanila ay hindi sila nagkakapikunan at hindi naabot below the belt ang mga asaran nila sa isa't- isa. Nagpapagandahan sila kahit pare- pareho naman silang magaganda.

"Atleast kahit anong takaw ko e hindi pa rin ako tumataba! Sino naman kaya sating dalawa ang kinailangan pang mag fasting ng isang buong linggo para lang kumasya sa dress nya noong prom, ha? ako ba?!" Humalakhak si Aya. May mga napapatingin na rin samin pero mukhang wala naman silang pakialam.

"Hoy! Anong isang buong linggo nag fasting? dalawang araw lang yon! tsaka at least sinayaw ako ng crush ko nun e ikaw? ni hindi ka man lang pinansin ni Justin!"

"Hala sige isigaw mo! wala pang nakakarinig oh, ipagsigawan mo pa! bwesit ka!"

"Ay parang hindi naman kalat sa buong campus ang kalokahan mo dun no? kahit parents ko nga alam e!"

"Paano nga namang hindi kakalat e ikaw ang kaibigan ko na talagang maaasahan kong magtago ng sekreto diba?!"

"Sus mag-aaway nalang ba kayo? Kain kaya muna tayo? tsaka wag nga kayong magpapaniwala dyan sa pinsan ko, ang takaw niyan pag nasa bahay! nag iinarte lang yan dito!"

Tawa lang kami nang tawa at panay asaran parin sila. Nakikisali rin ito paminsan pero nakikitawa lang. Parang kahit kakikilala ko palang sa kanila ay naging magaan na agad ang loob ko sa kanila. Kumakain pa rin kami habang nag uusap at naroon parin ang asaran at tawanan, ngumingiti at tumatawa rin ako kahit pa na sa gilid ng mata ko ay nakikita ko ang tingin ni Kai sa banda namin. at malakas ang kutob ko na sakin na naman siya nakatingin.

"T, malakas talaga ang feeling ko na ikaw na ang next target ni Kairous. Kung makatitig sayo oh." Ani'ng pinsan ko, natatawa. "Gosh. wag ka talagang magpapadala sa mga pagtingin tingin niya. You know heart breaks cringe the hell out of me!"

Napabaling ako sa dalawa, hinihintay ang magiging reaksyon nila sa sinabi ng pinsan ko. Napapansin din kaya nila?

"Don't look at us, girl. Hindi rin kami marunong."

He's In TroubleWhere stories live. Discover now