Chapter 61: White Lady

Magsimula sa umpisa
                                    

"Alam mo, Rico, ang daming nangyayari ngayon na si Clark lang ang makakasagot. We can't do anything about it. Kailangan talaga nating hintayin na bumalik ang alaala ni Clark."

Paulit-ulit nilang sinasabi ang tungkol sa mga file na ako ang may hawak. Tapos kailangan daw 'yon ng mama ni Rico.

Pero wala akong alam. Kahit anong isip ko, hindi ko talaga sila naiintindihan.

"Umiinit na. Ibalik n'yo na si Clark sa kuwarto," utos ni Leopold.

Naubos lang ang pag-uusap namin sa mga bagay na hindi ko natatandaan. Pagbalik namin sa hospital room ko, isa-isa na rin silang nagpaalam.

"I hope you're not joking us, Clark. Sobrang believable nito for a joke." Marahan akong niyakap ni Patrick saka tinapik nang mahina ang balikat ko. "I'm so thankful na sobrang ganda ng quality ng airbag. Pagaling ka agad, dude."

"Salamat. Mag-ingat ka rin pauwi, Patrick."

Bigla siyang sumimangot sa akin bago lumayo. Hindi ko alam kung bakit.

Pag-alis niya ng yakap sa akin, sumunod naman si William.

"Ang weird mo talaga ngayon, tsong. But it's okay. Love ka pa rin ng barkada." Niyakap niya rin ako at tinapik-tapik sa balikat.

"Salamat, William. Mag-ingat ka rin pauwi sa inyo."

Pilit na pilit ang ngiti niya nang humiwalay sa akin. "May work pa 'ko sa gym, but thanks."

Lumapit si Leopold, nakahalukipkip lang siya sa tapos tinataasan ako ng kilay.

"Alam mo, gusto kong dagdagan 'yan," sabi niya at itinuro ang ulo ko. "Hindi ka kahit kailan mapagsabihan. Mas madali pang pagsabihan si Luan sa 'yo."

"Leopold," sita ni Ronie kaya nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Siguraduhin mo lang na gagaling ka kundi pababalikin kita rito sa ospital."

Kanina pa siya naiinis sa akin. Pero best friend ko nga siya noong kinder, e. Bakit nagagalit siya ngayon sa akin?

Pagtalikod niya, lumapit na si Calvin na kanina pa may inirereklamo sa lahat. Lumapit siya sa akin at harap-harapan akong binulungan.

"Bilisan mong gumaling kasi hinahanap ka na ng mama ni Shin. Kapag nalaman n'ong gising ka na, talagang warzone ang mangyayari dito sa ospital."

Hindi ko kilala si Shin o ang mama niya. Hindi ko na alam kung ano pa ang mga dapat nilang sabihin sa akin.

Pag-alis nila, naiwan sina Ronie at Sabrina sa loob.

Ang seryoso pa rin ng tingin niya sa akin gaya ng tingin niya noong una ko siyang makita rito sa kuwarto ko.

"Hihintayin ka naming gumaling. If Mum visits you, inform me."

"Busy ang mama mo."

"She's not, trust me."

Napatingin ako sa kamay ko na hinawakan niya. May higpit doon pero hindi masakit. Para siyang natatakot pero walang makapitan. Ganoon ang pakiramdam.

"You shouldn't have done that."

"Ha?" Nalito naman ako.

"I'll visit you tomorrow."

Binitiwan na rin niya ako saka siya umalis.

Wala na akong naintindihan sa kanila.

Pag-alis ni Ronie, tiningnan ko agad si Sabrina kung magpapaalam na rin ba siya. Ilang araw ko na kasi siyang kasama. Hindi ko man lang alam na siya pala si Sabrina.

ABS #4: CLARK MENDOZATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon