C H A P T E R 44

124 2 0
                                    

Justine Mae's POV

"Choose and buy whatever you want, wifey at ako na ang magbabayad." Utos nya with proud  effects pa!

Habang ako ay nakatulala na pinagmamasdan ang buong paligid na puro magaganda at mamahalin na mga damit ang nakapaligid sa amin bonus na lang yung mamahalin ang presyo. Sa ganda at lawak ba naman ng boutique na ito ay malamang ay mahal rin ang mga tinda.

Yellow and black lang naman ang theme ng kasal today, mala-sun flower lang ganern. Pero kailangan na namin bilisan dahil mamayang 3 pm ang simula, garden wedding na maraming flowers ang kasalan na magaganap.

Napatingin ako sa isang dress na yellow na nasa dulong bahagi na mukhang bihira lang puntahan. Black suit or tuxedo sa mga lalaki at yellow naman sa mga babae, ganun daw eh.

Dali-dali akong lumapit sa nasabing dress at sinuri ito na hindi pinansin ang presensya ng kasama ko dahil sa pagbusy ko dito sa dress na yellow. Simple but elegant tsaka mukhang babagay sa akin hehe.

"Ito na lang." Saad ko habang nakaturo sa dress na napili ko tsaka lumingon sa kasama ko na ikinagulat ko dahil nakatitig lang naman po sya sa akin.

"Sure, anything else?" Nakangiti nyang tanong.

Umiling lamang ako, hindi ko naman hilig mag-shopping tsaka mag-gaganito lang naman ako kapag kailangan.

"Miss, we buy this at tsaka rin yung nasa harapan na tuxedo na black... Pakibilisan na lang po at may pupuntahan pa kami ng ASAWA ko." Madiin nyang sambit sa word na 'asawa' habang nakatingin ng masama sa... mga lalaki?! Nakatingin pala sa akin na hindi ko naman alam.

Kaya napakunot ang noo ko. Anyare?

Namula pa mga sila nang makita nang makita na nakatingin ako sa kanila. Narinig ko ang pag-ubo ng kasama ko. Huh?

"You okay?" Takang baling ko sa kanya na ikinasimangot nya lamang.

"I'm fine, just..." Lumapit sa akin at niyakap bigla ako na ikinagulat at ikinasinghap ng mga nakakita sa amin dito sa boutique. Ang iba naman rinig ko ang munti nilang tili.

"I only have your full attention, not on other men because... I'm jealous, my wife." Bulong nya tsaka hinalikan ang noo ko.

Na ikinainit ng mukha ko at hindi na lamang nagsalita.

Matapos ang shopping namin ay may pupuntahan daw kami na ikatutuwa ko daw. Kaya nga kahit kinukulit ko sya kanina pa kung saan kami pupunta, ang sabi lamang na basta daw kaya heto tahimik na lamang ako at hintayin na makarating kami sa sinasabi nya.

Nabalik na lamang ako sa realidad nang biglang huminto ang kotse namin. Pinasadahan ng paningin ko ang paligid at mukhang nasa isang subdivision kami ngayon at nakatapat sa kulay teal na gate.

"We're here, wifey... Sa mansion ko ikaw mag-stay pagkatapos ng kasal mamaya."

Lumingon ako sa kanya nang magsalita sya na nakatingin pala sya akin. Ngunit na ikinapula ko bigla ng mukha ko nang maalala ang ginawa nya kanina sa mall kaya mabilis akong yumuko para hindi nya mapansin at napahawak ng bahagya sa mukha para sana mawala na ang pagkapula at ang init ng pisngi ko.

"P-paano pala yung mga damit ko?" Takang tanong ko at tumunghay sa kanya na nakangiti na nakatitig sa aki tila enjoy na enjoy sa kanyang nakikita.

Nakita nya yata ang pagpula ng mukha ko?

"Nandoon na sa mansion kaya no choice ka na sumama sa akin mamaya, wifey ko. Tsaka may ipapakilala ako sa'yo, sigurado ako na namimiss ka na nya." Nakangiti nyang saad.

"Sino?"

He chuckled. "It's a secret. You'll know her later." Then he kissed my left cheek at lumabas na ng kotse at pinagbuksan nya ako ng pinto.

"Thanks." Pagpapasalamat ko. Ngumiti lamang sya akin.

"I love you too." Sabay kindat nya.

Di ba dapat "you're welcome" 'yun? 

Napailing na lamang ako sa aking isip. Pinindot nya ang doorbell ng gate. Mga ilang sandali ay bumukas ito at bumungad sa amin ang isang may katandaan na babae pero maganda pa rin.

Naol

Gulat na makita nya ako na may nangingilid na mga luha. Hindi ko inaasahan na niyakap nya ako habang umiiyak.

"Anak ko! Masaya ako na nandito ka na ulit. Miss na miss ka namin ng mga kuya at ng papa mo."

Biglang nanikip ang dibdib ko at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, niyakap ko sya ng pabalik.

"Mama..." Umiiyak kong banggit. "Na-miss ko din po kayo."

Kahit hindi pa bumabalik ang ala-ala ko ay alam ko at ramdam ko na sya ang mama ko. Bakit naman hindi? Eh kamukha ko sya.

Ilang minuto kaming nakayakap tsaka humiwalay. Hinawakan nya ang kamay ko na tila ayaw nya itong bitawan at tinitigan ang mukha ko.

"Mas lalo kang gumanda, sweetie..." Nilingon nya ang kasama ko na nanonood pala sa amin habang nakangiti. "Sorry kung nagalit kami sa iyo, Liam."

"Okay lang po ummm...."

"Tawagin mo na lang akong mama. Total ikaw naman ang magiging asawa ng unica hija ko hehehe." Sabay hagikgik nya, kinikilig ang mama ko haha.

Lumawak naman ang ngiti ni James. Ayos 'tong lalaki 'to hays.

"Opo, mama." Masayang nyang sabi.

Nakiki-mama chos!

Dito na kami kumain ng tanghalian matapos namin kumain ay nagpaalam naman kami dahil maghahanda na kami para sa kasal mamaya. Dumeretso na naman kami sa mansion ni James.

Naks! Yayamanin.

Ang ganda at ang laki ba naman. Magkano kaya kapag binenta ang mansyon na ito? Balak kong bilhin chos! Kahit na may sarili akong restaurant at lumalaki na ang kita ko doon ay kailangan ko pa rin ihulog sa bank account ang tubo ko hays.

Thrifty lang ang peg ko.

Naibalik ako sa wisyo nang marinig ko syang tumawa. Kaya napalingon ako sa kanya na tumatawa pa rin na nakatingin sa akin, nasa tapat na sya ng entrance ng bahay este ng mansyon.

Edi wow!

Nakanganga na pala ako kaya agad kong itinikom ang bibig ko at idinaan ko na lamang sa pag-irap ko sa kanya ang kahihiyan ko. Napanguso na lamang sya na ikinataas ng kilay ko na syang ikinahaba pa ng nguso nya.

Lumapit ako sa kanya at inaabangan na buksan ang pinto ng mansyon nya. Kapal naman ng mukha kung ako mismo ang magbubukas besides hindi ko ito mansyon.

Tinignan ko at sinenyasan na buksan na. Nakakahiya lang talaga hehe.

"You ready?"

Tumango naman ako bilang pagtugon. Dahan-dahan nyang binuksan ang pinto.

"Welcome to our mansyon, wifey?" Hanggang sa tuluyan nang nagbukas ang pinto at bumungad sa amin ang mala-paraiso char! Masyado naman akong exaggerated hays.

Pero wait what? Our? Anong ibig sabihin nya doon?

Taka akong bumaling sa kanya ng tingin.

"What do you mean na sa atin ang mansyon na ito, eh sa'yo lang talaga ako tsaka wala naman akong natatandaan na may mansyon ako I mean tayong dalawa, huh?"

He just chuckled for what I said. Anong nakakatawa, aber? Kulang yata sa aruga?

Tinaasan ko lamang sya ng kilay. Napatikhim na lamang sya at ngumiti sa akin tsaka marahan nyang hinawakan ang kamay ko.

"I bought this mansyon 2 years ago for ours habang hinahanap kita na baka sakaling mahanap kita at pagkasal na tayo ay dito na tayo titira at bubuo ng pamilya at ganun din na magkasama tayo ng habang buhay, wifey ko. Kaya tara na sa loob dahil baka naiinip na yung isa haha. She is so excited to see you again." Sabay marahan nya akong hinila papasok ng mansyon.







To be continued...

05/23/2023

© 2023 SweetQueen_24

Book 2: I Love You Sir! 👑Where stories live. Discover now