C H A P T E R 11

158 2 0
                                    

Justine Mae's POV

Woah! Kinakabahan ako! Pero buti na lang nakapag practice ako sa condo ko kagabi. Syempre ang naging hurado ko ay walang iba kundi ang aking hubby hehe.

Halos hindi ako gaano makapakinig sa history class ko dahil sa actual na gagawin namin mamaya nasa locker ang aking ingredients.

"Okay class dismissed!"

Agad akong tumayo at inayos ang aking gamit. Habang nag-aayos ay narinig ko ang mahinang tawa ng katabi which is si Trevor.

"Grabe! Excited ka yata?"

Napabusangot ako sa sinabi. Anong excited?!

"Oh, bakit naging ganyan ang mukha mo kung excited ka. Ang bilis mo tumayo ng marinig mo lang yung salitang 'dismissed'." Nagtataka nyang saad.

"Ano ka ba? Hindi ako excited. Kinabahan nga ako eh." Tanggi ko.

"Chill ka lang. Ako nga chillax lang eh." Proud nyang saad.

Natawa ako. "Sana all chillax." Pabiro kong sabi.

Natawa naman sya at ginulo ang buhok ngunit tinampal ko ito at sumimangot. "Hey! Not my hair."

"Sana all caring sa hair~." Parang bakla nyang saad na may pahawi pa ng buhok kahit wala naman.

"Hahahaha siraulo." Humalakhak kong sabi.

"Iyan, edi mas maganda kung ganyan ka lang. Kung kabado ka, mas lalaki ang chance na hindi ka makapasa sa actual natin ngayon kaya chilled lang, huh?"

"Oo na po, prof." Biro ko.

Sabay kaming lumabas ng room at pumunta sa locker. Magkahiwalay ang locker ng boys at girls kaya naghiwalay muna kami ng daan.

Kinuha ko sa pocket ng bag ko ang susi ng locker at binuksan ang locker. Habang nag-aayos ng kaunting kalat sa locker ay narinig ko ang ilang tsismis ng ilang babae sa na malapit sa gawi at kusang napangiti sa narinig na umiling-iling.

"Alam nyo ba girls? Na magiging hurado daw sa actual ng culinary department si Dean este ang napakagwapo nating Dean, kyaah! My gosh!"

"Oo nga girl, ang swerte naman nila."

"Pwede daw manood ng actual nila dahil gaganapin sa gymnasium. Napadaan kasi kanina sa gymnasium na inaayos ng ilang staff yung mga gagamitin ng mga culinary students."

"I'm so excited!"

"Tara na mga besh! Mauna na tayo doon bago tayo maagawan ng seat."

"Let's go girls!"

Napahinga ako ng malalim sa narinig. Agad kong kinuha ang paper bag na naglalaman ng ingredients ko at ang aming magiging uniform sa actual tsaka ko ni-lock ang locker.

Nagsimula na akong maghanap ng banyo na para makapagbihis. Nang may mahanap akong bakanteng cubicle ay agad akong pumasok, may mga studyante na gaya ko ng course ang nag-aayos. After kong makapagbihis ng uniform ay lumabas na ako ng cubicle at humarap sa salamin. Inilagay ko sa aking bag ang daily uniform namin at kinuha ang aking pouch na naglalaman ng hygiene kit ko.

Naghilamos muna ako at pinatuyo ito ng panyo ko. Nag-baby powder lang ako para fresh tingnan at mabango at the same time tsaka naglagay ng lip balm. Next is my hair, sinuklay ko ito ng mabuti tsaka ginawa into the bun at tinaliaan. Nilagyan ko ito ng hair net para hindi na muli magulo at hindi maging istorbo habang nagluluto.

Pagkatapos kong mag-ayos ay pumunta muli ako sa locker para ilagay ang aking gamit para paperbag, susi ng locker, at panyo na lang ang dala ko. Papunta na ako sa gymnasium, hindi ko pa suot ang pang culinary na sumbrero dahil doon ko na ito isusuot.

Book 2: I Love You Sir! 👑Место, где живут истории. Откройте их для себя