C H A P T E R 41

83 1 0
                                    

Liam James POV

Unknown calling...

'Yan ang bumungad sa akin na nakaupo sa balkonahe ng kwarto ko habang umiinom ng kape. Nandito ako ngayon sa hotel na pagmamay-ari ko rin, maraming business ang pamilya ko at isa na ang Grayson's Hotel, ako muna mismo ang namamahala dito dahil wala pa yung magaling kong kapatid.

Kapag nakita ko 'yun... Ipapadala ko sya sa north Korea, tsk.

"What it is, Jerome?"

"Good news, sir Grayson. Nalaman ko po na nandito sa Pilipinas si sir Kel at may kasama itong babae. Send ko na lang po yung pictures."

Oh? Ang magaling kong kapatid ay nandito na pala but I hope yung tinutukoy na babae ay walang iba kundi ang aking wifey.

Napatingin ako sa cellphone nang tumunog ito. New message from him. Nangingilid ang luha ko at napangiti sa sobrang saya.

D*mn I miss her so much!

"Okay, thanks Jerome. Dadagdagan ko ang sweldo mo this month."

"T-thank you, sir. You're welcome po, bye." Then the call ended.

Muling tiningnan ang picture nya sa cellphone ko at sinave ko ito sa gallery ko na may pangalan na 'My Wifey' na folder. Exclusive lang ito sa aking wifey, lahat ng pictures ay nandito kahit mga stolen shots ay nandito dito din.

"She so beautiful. My wifey is so beautiful and I swear na makukuha kita at tayo naman ang susunod na ikakasal... I love you so m-much, w-wifey ko." Napalunok ba lamang ako nang mag-crack ang boses ko dahil sa emosyon na nararamdaman ko ngayon.

Hinalikan ko ang picture nya. Kahit simple lang ang suot nya ay ganda pa rin nya. May nagbago man sa itsura at iyon ay lalo syang gumanda pero para sa akin, hindi magbabago na mahal na ko sya at lalo ko pa syang mamahalin kaya naman sa oras na ito kapag nakita ko sya ay kukunin ko sya at hindi ko na muli pakakawalan, because...

SHE'S MINE.

Mga ilang minuto pa akong tumambay dito kaya naisipan ko munang maggala, nasa school pa ang anak ko which is si Althea Grayson. She's my now legally daughter and soon ay magiging ina na nya si Justine na soon to be Mrs. Grayson ko.

Shete kinikilig ako haha, ang corny ko talaga hayss.

Day-off ko ngayon sa mga trabaho ko. Titingnan ko muna yung buong hotel, pagkaligo ko ay lumabas na ako at sinara ang pinto, ni-lock ko rin ito.

"Nakakainis! Nasaan na naman ang lalaking 'yun, tsk. Ang hilig maggala!" Rinig kong sabi isang pamilyar na boses ng babae na nagpatibok na naman ng mabilis ng puso ko.

Walang alinlangan kong nilingon kung saan nanggaling ang boses pero nawala ito sa paningin ko.

Sh*t! Alam ko na sya iyon! Hindi ako nagkakamali!

"Where are you now, my wifey? Please magpakita ka na, namimiss na kita sobra." Naiiyak kong sabi sa sarili habang lumilingon lingon sa paligid para hanapin sya.

Hindi ako baliw para ma-hallucinations dahil puso ko mismo ang nakaramdam.

Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Sinasabi ng puso ko na nandito sya pero ang isip ko ay kabaligtaran.

Napatigil ako sa paglalakad na hindi ko na pala namamalayan na nandito na ako sa tabing dagat. Malapit lang ang hotel ko dito at ganun din ang airport.

May isang babae akong natanaw mula sa malayo na nakatayo ito habang nakatanaw sa papalubog na araw. Nakasuot ito ng puting bestida habang nililipad ng hangin ang brownish nitong may kaiklian na buhok na aabot habang balikat. Nakatagilid ito mula sa sa akin pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang ngumiti ito.

Nang dahil sa ngiting iyon, ang ngiti na matagal ko ng hinahanap hanap lalo na ang babaeng nagmamay-ari ng maganda at matamis kailanman ay hindi ako nagsasawa na pagmasdan ito.

The one and my only love... My wifey, My Justine Mae Usui Grayson.

Mabilis ako tumakbo papunta sa kanya at niyakap ito mula sa likod na naramdaman ko naman na nanigas sya sa kanyang kinatatayuan ngunit hindi ko ito pinansin sa halip ay niyakap ko sya ng mahigpit na para bang ayaw ko na syang mawala sa akin.

Nilagay ko ang mukha ko sa leeg nito at pasimpleng inamoy. Hmmm... My favorite scent. Sweet aroma coming from her.

God's knew na sobra kong namiss ang babaeng ito. Thank you God!

"I missed you so d*mn much, my wife." Bulong ko sa kanya habang nakabaon pa rin sa leeg nya ang mukha ko. Kasabay ng pagkasabi ko ay pagtulo muli ng mga luha ko.

It's been 5 years. That 5 years is so long para mawala muli ang minamahal ko, kahit maraming magandang babae ang lumalapit at napapakilala sa akin ay ni-isa ay hindi ko pinakitaan ng interes dahil sa wifey ko pa rin ako babagsak at sa kanya lang din ako magkakainteres.

"M-mister... A-anong ginagawa mo? I don't know you." Utal-utal niyang tanong na napakunot ng bahagya ang noo ko.

Kaya kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at pinaharap sya sa akin na ngayon na may pagtataka sa kanyang mukha.

"It's me your boyfriend, wifey. I'm Liam James Grayson and you are Justine Mae Usui. You don't know that na kinuha ka sa akin ng kapatid ko noong 5 years ago in the restaurant? He kidnapped you from me and your family for 5 years." Malungkot kong saad habang nakatitig sa mga mata nya na nakakunot na ang noo.

Nagulat na lang ako nang bigla nya akong tinulak.

"I really don't know of what are you talking about! I'm not Justine, my name is Jazrel and Lesther Kel Grayson is my boyfriend and we're couples for the 5 years! Hindi ikaw ang boyfriend ko kundi ang kapatid mo! Mali ang mga sinasabi mo mis-" Hindi ko tinapos ang mga sinasabi nya at niyakap ko sya ng mahigpit kahit nagpupumiglas sya.

Hindi ko kayang marinig ang mga masasakit nyang salita! Ang sakit sobra! Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay umiiyak na ako sa balikat nya. Nararamdaman ko naman ang pagkalma nya.

"H-hindi totoo ang l-lahat ng sinasabi mo, wifey ko. Kinuha ka nya sa akin, ilang araw lang noong s-sinagot mo ako. Sobrang saya ko pa no'n d-dahil sa wakas na sa akin na ang m-minamahal kong babae..."

Tila nanigas ako nang maramdaman ang marahan nyang paghimas sa likod ko.

"Pero ngayon na nandito ka na ay hindi na kita pakakawalan pa muli. Hindi ko hahayaang mahiwalay sa akin, ilang na tayong maghiwalay pero ngayon ay hindi ko na hahayaan na mangyari ulit iyon... Mahal ko." Sincere kong sabi at pinunasan ang mga luha ko.

Humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tinignan sya sa mga mata ng diretso. Kung sabihin sa kanya kung gaano sya na-miss at kung gaano ko sya kamahal.

This is now and forever.

Nakatingin lamang sya sa akin na para ako isang weird dahil kahit sino ay magiging ganito ang reaksyon dahil sa bigla ka na lang yayakapin ng kung sino na lalo't hindi mo ito kilala. Pero kahit ganun pa man ay bahala na! Basta magawa ko lang ang goal ko... At iyon ay ang mapasa akin sya muli...

Ang babaeng mahal ko.

"You are not Jazrel or any other name but you are my Justine Mae Usui who will be my Mrs. Grayson. My wifey and my everything." Malambing kong sabi at nakangiti sa kanya ng matamis.

Napatingin ako bigla sa mapula nyang labi at napalunok.

Matagal ko ng gustong gawin ito dahil sa sobrang pagka-miss ko sa kanya ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na halikan sya.

Halik na may pangungulila at pagmamahal.







To be continued...

04/24/2023

© 2023 SweetQueen_24

Book 2: I Love You Sir! 👑Kde žijí příběhy. Začni objevovat