C H A P T E R 22

110 1 0
                                    

Justine Mae's POV

Pagkatapos kong uminom ng gamot na ibinigay ni hubby ay nagpaalam na ako sa kanya at humingi ng excuse letter para sa mga teachers ko.

"Trevor!" Tawag pansin ko kay Trevor na kakalabas pa lang ng room. Hindi kami magkaklase ni Trevor sa dalawang subject kaya inabangan ko na lang sya dito sa hallway malapit sa pinto kahit na giniginaw at ang bigat ng pakiramdam ko.

Lumingon sya sa akin at agad na lumapit. Pagkalapit ay nag-alala nya akong tinignan at sinuri mula ulo hanggang paa.

"Saan ka ba nagpunta kanina? Sabi mo magbabanyo ka lang, ang tagal mo yata sa cr kaya akala ko baka nilamon ka ng inidoro." Pabiro ngunit may pag-aalala nyang sabi.

I chuckled. Sira talaga ang lalaking 'to. "Hindi ah, sumama kasi ang pakiramdam ko bigla kaya nagpunta ako sa clinic." Pagsisinungaling ko.

Ayaw kong sabihin nasa Dean's office ako dumiretso kanina tapos ikwento sa kanya ang nangyari. Baka saan pa mapunta ang usapan eh.

Napatahimik sya ng ilang segundo bago tumango. Mukhang na-convince ko naman sya. Nag-isip pa talaga.

"Okay na ba ngayon?..." Tsaka nya hinipo ang noo ko at narinig ko ang mura at tiningnan ako ng may pag-aalala.

"You're so hot but in literally. Let's go at ihahatid kita sa inyo." Hinawakan nya ang wrist ko at maglalakad na sana kami nang pinigilan ko sya.

"Pero wait... Tutuloy pa ba tayo sa cafe na sinasabi mo? Diba may sasabihin ka pa sa akin."

Nilingon nya ako pero walang emosyon nya akong tinitignan sa mga mata. "No, you are in ill now so you must rest in a days. Ako na ang bahala sa mga professors natin, akin na 'yang hawak mong excuse letter yata."

"Oo, excuse letter ko ito. Ibibigay ko sana sa iyo kanina kaso nagkaklase pa kayo, nakakahiyang mag-istorbo hehe." Inabot ko sa kanya ang excuse letter na may pirma ni hubby as approvement.

"Thank you in advance, pakiabot na lang hehe." Dagdag ko.

Napailing na lamang sya at ngumiti ng tipid. "Next time ko na lang sasabihin ang dapat sana sasabihin ko sa'yo pero sa ngayon magpahinga ka na lang muna dahil iyon ang mas importante." 

"Okay." Tipid kong tugon.

Inalalayan nya akong maglakad hanggang sa makapunta kami sa parking lot para ihatid nya.

Habang nasa sasakyan ay nag-text ako kay hubby na kasama ko si Trevor at ihahatid ako pag-uwi para hindi sya mag-alala pa dahil alam kong may mga trabaho pa na kailangan nyang tapusin. Ayaw ko rin na maging sagabal kahit hindi pa kami.

"Who's your texting." Tanong bigla nya.

"Kuya ko lang." Pagsisinungaling ko.

Haist! Patawad Trevor huhuhu.

"Uh, okay?"

Hindi ko na pinansin ang tugon nya at tumingin na lamang sa labas kahit ramdam ko ang bahagyang paglingon nya sa gawi ko.

Tinuro ko sa kanya kung saan ako nakatira. Doon muna ako kila mama ngayon dahil walang mag-aasikaso sa akin sa condo lalo't may sakit ako. Palihim akong napabuntong hininga.

Bumaba na ako ng kotse at nilingon sya na nasa loob ng kotse pa rin. "Gusto mo dito ka na lang kumain?"

Umiling at ngumiti na lamang sya. "Hindi na, salamat na lang. May family dinner rin kasi kami, darating yung lolo ko na nasa probinsya." Saad nya.

"Ah okay, pakamusta mo na lang ako sa pamilya mo."

"Sa susunod isasama kita sa amin kasi interesado sa'yo si mom haha."

Book 2: I Love You Sir! 👑Where stories live. Discover now