Chapter 42: Your beliefs, Your principles

Start from the beginning
                                    

"Shit! Paano mo nakuha yan?! Nasa locker ko lang yan!" Naguguluhang sambit ni Jojo.

Inilapag ni Tatang ang kahon sa sahig at kinuha ang isang galon ng gas at pati narin ang isang lighter.

"Hoy sandali! Gas ba yan?! Wag mong sasaktan ang mga baby ko!" Lalong nagpumiglas si Jojo nang sinimulan itong ibuhos ni Tatang sa loob ng kahon.

"Ang mga bagay nato, kanser ito sa isipan niyong mga kabataan. Kanser sa lipunan ang kalaswaan." Walang emosyon nitong giit saka pinaandar ang lighter dahilan para muling magsisigaw si Jojo.

"Anong kanser?! Wag kang magmalinis! Walang tao kung walang sex! Malaswa lang yan kung bibigyan mo ng malisya! It's a genre! Pare-pareho lang yan ng romance shit at horror! Bobo ka kaya di mo maintindihan! Napakakitid ng utak mo! Bobo ka!" Tuluyang nagwala si Jojo dahil sa matinding galit at takot, "Pinag-ipunan ko silang lahat! Parang-awa mo na! Ilang beses akong nagpagutom para sa mga yan! Andami kong sinakripisyo maawa ka naman! Pinaghirapan ko sila!" Pagmamakaawa ni Jojo ngunit wala na siyang nagawa pa nang tuluyang inilaglag ni Tatang ang lighter sa loob ng kahon.


Napasigaw na lamang si Jojo nang makita ang tuluyang pagsiklab ng kanyang mga koleksyong napakatagal niyang pinag-ipunan.


"Hijo, masusunog ka ng impyerno dahil sa kalaswaan. Makakagawa ka ng napakaraming kasalanan kung araw-araw mo tong papanoorin, binabago nila ang isipan mo hanggang sa hindi mo na makontrol ang sarili mong pagkagutom. Yang mga rapist at pedophile? Dito sila nagsisimula." Giit ni Tatang habang pinagmamasdan ang pagkasunog ng mga ito.


"Ba't hindi niyo ako maintindihan?! Porn enthusiast ako at hindi manyak! Mahirap ba yung intindihin?! Yang mga mahihilig sa horror, mamamatay tao rin ba sila?! Yang mga mahilig sa romance, may mga syota ba silang lahat?! Putangina mo! Ikaw na mabait! Ikaw na matino! Ako na ang masama! Ako na ang manyak! Ako na ang demonyo! Masaya ka na?!" Pagwawala lalo ng nagngingitngit ng si Jojo.


"Hindi ako masaya. Naubusan ng pasensya, oo." Walang emosyong sambit ni Tatang at bigla na lamang lumapit sa isang makina na nasa likuran lamang ni Jojo.


"Ano na namang gagawin mo?!" Sigaw ni Jojo at kasabay nito ang muling pagbuhos ng luha niya, "Papatayin mo na ba ako ngayon?!" Sumisigaw man sa galit, hindi na mapigilan pa ni Jojo ang mga luha dulot ng takot sa kamatayan.


"I'll make you a better person." Mahinang sambit ni Tatang at dali-daling ikinabit ang mga makakapal at lumang kable sa noo ni Jojo. Walang ano-ano'y bigla niyang pinaandar ang makina dahilan para umalingawngaw ang makapanindig balahibong palahaw ni Jojo na ngayo'y nangingisay na dahil sa sakit at boltahe ng kuryenteng dumadaloy sa katawan niya.


Makaraan ang isang minuto ay tuluyang pinatay ni Tatang ang makina dahilan para lumupaypay ang katawan ng nanginginig paring si Jojo. Mistulang nanigas na ang panga nito sa sobrang sakit na naramdaman, at ang ugat sa kanyang leeg ay lalong bumakas na tila ba ano mang oras ay puputok na. Pulang-pula ang mga mata niyang lumuluha.

Makaraan ang ilang sandali, tuluyang umagos ang napakaraming dugo mula sa ilong niya at kasabay nito ang muli niyang pagtangis.


"Isinakripisyo ni Hesus ang sarili niya para sa ating lahat. Namatay at nagdusa si Hesus upang tubusin ang lahat ng mga kasalanan natin pero heto kayong mga kabataan at namumuhay na hindi isinasapuso ang sakrispisyong ginawa niya." Giit ni Tatang.


"S-sino ka ba talaga?" Nauutal na sambit ni Jojo.

"Sabihin nalang nating isa akong propeta para sa mga kabataang naliligaw ng landas..." Wika ni Tatang.


Kahit hinang-hina pa at namimilipit parin sa sobrang sakit, pilit na umiling-iling si Jojo, "H-hipokrito ka! Kasalanan din 'tong pinaggagawa mo!" Muling napasigaw si Jojo sa labis na sakit, paulit-ulit siyang napapaubo at suka ng dugo kaya ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at paulit-ulit na huminga ng malalim sa pag-asang maiibsan ang panginginig at sakit na nararamdaman.


Kinuha ni Tatang ang isang bimpo mula sa bulsa niya ngunit bago pa man niya ito mailagay sa bibig ni Jojo ay muli itong nagsalita, "Ephesians chapter 5, verse 11!" Muli itong napaubo ng dugo pero pilit parin itong nagsalita, "Do not take part in the unfruitful works of darkness! Instead expose them! Itong ginagawa mong pagpapahirap samin?! Kasalanan to! Ulol!"


Nanlaki ang mga mata ni Tatang at hindi ito nakapagsalita.


Ngumisi si Jojo nang makita ang reaksyon nito, "Ano baliw? Gulat ka no? Hindi lang ikaw ang maalam sa bibliya." Hinang-hina man, nagawa pa nitong mang-asar, "Oo nga't parati kang may bitbit na bibliya, sabihin na nating memorya mo ang mga salita ng diyos, ang tanong ginagawa mo ba?" Tumawa si Jojo kasabay ng pag-agos ng luha mula sa mga mata niya, "Magaling ka lang sa salita, magaling ka lang magbait-baitan pero ang totoo hipokrito ka! Pare-pareho tayong mahahaba ang sungay! Magsama-sama tayo sa impyerno!" Tila ba wala sa sariling sigaw ni Jojo kaya naman dali-daling pinaandar ni Tatang ang makina dahilan para muling mangisay at magsisigaw si Jojo.


Makaraan ang ilang sandali ay muling pinatay ni Tatang ang makina.


Padami ng padami ang naisusukang dugo ni Jojo at patindi ng patindi ang pawis na bumabagsak mula sa mukha niya pero sa kabila nito'y muli siyang napangisi kay Tatang, "Matthew Chapter 7, Verse 15! Beware of false prophets which come to you in sheep's clothing, but inwardly they are ferocious wolves!"


Bumakas ang matinding galit sa mga mata ni Tatang, upang matahimik si Jojo ay dali-dali niyang nilakasan ang boltahe ng kuryente at pinaandar uli ang makinang nagpapahirap kay Jojo.




END OF CHAPTER 42.

Note: 

Sorry if hindi na ako active both twitter and facebook :( I'm juggling three different lives kaya hirap akong masabay-sabay lahat but no worries guys! As long as I can entertain and make le serialreaders happy though my works, I shall never stop writing (tho I kinda suck at it lolx and mabagal updates) If u osum peeps need me, I shall be here lurking upon the creepy orangey walls of wattpad trying to come up with ways to spread happiness! Nawa'y mapatawads niyo ako kung may hindi ako nare-replyan minsan, I'll do my best to catch up on 'em.

Again, thank you sa inyong lahat! I shall do my best!

Spreading happiness and feels through writing is new my advocacy and goal in life! Chos! Nabatukan kasi ako ni Tatangski, sorry na. hahaha. Okay nabaliw na naman ako :(((


T H A N K Y O U <3333


Nagmamahal,

Nanang <3


THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3


Never Cry MurderWhere stories live. Discover now