Napahikbi ako lalo. “N–niloko niya ako, pa. Hindi ako sapat para sa kaniya. Hindi niya ako mahal,” pagsusumbong ko na parang bata sa kaniya.

Niyakap niya ako ulit at hinaplos ang buhok ko. “Shh, nandito si papa. Si papa na ulit mag-aalaga sa ‘yo. Iniwan ka man ng lahat, nandito si papa. Si papa lang palagi.”

Naramdaman ko ang pagmamahal ng isang ama. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa niya para sa akin.

“Buntis ako, pa,” bulong ko sa kaniya.

Humigpit ang yakap niya. “Aalagaan natin ang baby mo.”

Naging maayos ang lahat kahit papaano. Lumipat kami ng bahay pero same city nasa ibang parte lang. Malayo kung saan kami nakatira noon. Humanap kami ng isang psychiatrist para matingnan ako. Gumaan ang pakiramdam ko nang nag-under ako sa counseling.

Sa bahay lang ako at hindi lumalabas. Inaalagaan ko ang sarili ko para sa anak ko. Kumakain na ako nang maayos at naging masiglahin kahit papaano. Alam nina papa ang nangyari dahil si Josef na ang nagsabi sa kanila.

Talagang pinagmalaki pa niya, ah.

Dumadalaw rin minsan sina Drake at Clarrisse sa akin minsan. Kinakamusta nila ako. Kaya babayaran ko ang utang na loob ko sa kanila dahil inalagaan nila ako sa loob ng apat na buwan.

Nasabi sa akin ni Drake na nakikita niya raw ako dati sa JRU dahil schoolmate raw kami. Kasama ko raw kasi lagi ‘yong bff ng kaibigan ng boyfriend ng tropa niya.

Maliit pala talaga ang mundo. Pero hindi raw nila ipagsasabi ang nangyari sa akin na ipinagpasalamat ko.

Nasa kwarto ako ngayon at nakaupo sa kama. Hinihimas ko ang tiyan ko para antukin ako. “I love you so much, my Nikko. Nandito lang si mama.”

Isa’t kalahating taon matapos kong manganak ay lumipat kami sa bagong biniling bahay ni papa para sa akin. Sabi niya kung ayaw kong tanggapin ay hulog-hulugan ko na lang. Kasi hiyang-hiya na talaga ako.

At the age of 28, I’m moving forward...

***

Present...

Magsasalita sana ako nang bumukas ang pintuan, pero bago pa ako makalingon ay nakaramdam ako ng kaba dahil sa narinig kong salita.

“Ma—ma! Pey!” sabi ng anak ko.

Napatingin ako roon sa pintuan at nakita ko si Drake na nag-aalangang nakatingin sa akin. Dahil siya ang nagbukas ng pintuan at pumasok ang anak ko.

Pilit akong ngumiti sa kanila. “Pasensya na, Mrs. Kei,” sabi ko. Tumingin ako sa dalawa. “Pasensya na.”

Ngumiti sa akin sina Mrs. Kei at si Peter. Samantalang si Josef ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa bata. Mukhang nagtataka.

Kinarga ko si Nikko at kaagad naman niyang ipinapakita sa akin ang laruan n’ya.

“Dinala mo pala ang anak mo ngayon. Wala siyang bantay?” tanong ni Mrs. Kei. Halos manlaki ang mata ni Josef na nakatingin sa batang bitbit ko.

Tumingin ako kay Mrs. Kei. “Unti lang naman gagawin ko ngayon, Mrs. Kei magrereport lang ako for other projects.”

“Okay. Isama mo na siya sa meeting if it’s okay...” Tumingin siya kina Peter at Josef. “With you guys?” aniya.

Ngumiti si Peter. “Sure na sure, Mrs. Kei.”

Tumingin kaming lahat kay Josef na nakatitig lang kay Nikko. Siniko siya ni Peter kaya nabalik siya sa katinuan.

To End the Anguish (Career Series 2) | ✓Where stories live. Discover now