Chapter 23

6K 152 3
                                    

Lorelei POV

“Dy! Dy!” paulit-ulit na sambit ng anak ko sa may hita ni Josef.

Hindi ko alam pero wala akong maramdaman na kahit ano. Nasasaktan pa rin ako.

“Come here, baby. Bibigyan kita ng milk mo,” sabi ko sa bata.

Dede kasi ang hinihingi niya. Inilabas ko ang bottled milk niya mula sa bag ko at ibinigay sa kaniya. Tumayo ako at kinarga siya.

Saktong dumating na rin si Peter kaya ngumiti ako sa kaniya. “We should set another schedule. Sa ngayon, irerecommend ko na lang kayo sa iba,” pinal kong sabi.

“Halah? Bakit?” tanong ni Peter.

“Marami pala akong naka-line up this month, and mostly big projects ang mga iyon. Sorry,” sabi ko sa kanila. “Kailangan ko nang mauna.”

Binitbit ko na ang bag ko at iniwan sila. Bumalik ako sa taas at napabuntong-hininga. Nasalubong ko kaagad sina Drake at Clarrisse.

“Okay ka lang?” tanong kaagad ni Clarrisse. “Bigla kasi niyang sinundan si Drake, e. Hindi ko nahawakan. Sorry talaga,” aniya.

Ngumiti ako sa kaniya. “Ayos lang. Wala namang problema sa akin ‘yon.”

Wala naman talaga akong naramdaman nang makita ko siya kung hindi ang galit lang. Buti na lang at tahimik na lang na naglalaro si Nikko sa may gilid at natapos ko ang mga dapat kong tapusin.

Napalunok ako nang makita kung sino ang pumasok sa department namin. Dire-diretso siyang pumasok sa opisina ni Mrs. Kei. Mabuti na lang at nasa dulong cubicle ako kaya hindi na niya mapapansin iyan.

Pinatay ko na ang PC at nag-unat saglit. Alas-siete na ng gabi at uwian na rin namin. Isasabay ako nina Clarrisse at Drake pauwi. They often dropping me at home. Ikinakatuwa ko naman dahil hindi kami nakikipagsiksikan sa jeep.

Hanapan ko na nga ng tatay si Nikko na may kotse.

“Baby, come here,” aya ko sa anak ko naglalaro sa gilid ng cubicle ko.

Kaagad siyang lumapit sa akin at nilagyan siya ng pulbos sa likuran. Hinalikan ko ang kaniyang pisngi. “Ayan mabango na ang baby ko.”

He giggles. Kinarga ko siya at kinikiliti ang kaniyang leeg gamit ang aking ilong. Tawa naman siya nang tawa at rinig na rinig sa buong department namin.

Napatigil lang ako nang bumukas ang glass door ng opisina ni Mrs. Kei at lumabas doon si Josef. Kaagad na umikot ang kaniyang paningin na parang may hinahanap.

Nang magtagpo ang tingin naming dalawa ay nakikita ko ang ekspresyon niya kapag nasasaktan siya. Tumingin siya kay Nikko at parang gustong-gusto niyang lapitan pero hindi niya magawa.

Tumingin ako kay Nikko. “Halika na, anak. Uuwi na tayo,” sabi ko.

“Uwe! Uwe!” paulit-ulit niyang sambit at niyakap ako.

Simula no’ng araw na nakita ako ulit ni Josef ay hindi na niya kami tinantanan. Kapag papasok kami ay nasa lobby siya, kapag breaktime ay nasa cafeteria siya at kapag uwian ay lagi siyang nag-aabang sa labas ng building namin. Sa loob ng isang linggo laging siyang ganiyan.

“Lori,” pagtawag sa akin ni Josef.

Napahinto ako sa paglalakad habang karga si Nikko. Dahan-dahan akong tumingin kay Josef.

“May kailangan ka?” seryoso kong tanong.

“Si Nikk—”

“Hi,” bati ng anak ko sa kaniya.

To End the Anguish (Career Series 2) | ✓Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum