P2

8.1K 155 3
                                    


The Billionaire's Bride
( pa add nalang :)

**********************************

Sinu ba kasi yun?!

napuno ng sigawan at palakpakan ang buong covered court

samantalang sa dulo ay hirap na hirap na sa kakatingkayad si Maria para silipin ang sasagot sa tanong niyang SINO

"ehem" pagubo pa nito sa harapan at otomatikong naging tahimik ang paligid

"Ang pangalan ko po ay Mariano Montecarlo" panimula nito

malinaw na malinaw na narinig ni Maria ang banggit sa sarili nitong pangalan

Montecarlo?Montecarlo! mayaman ang nga Montecarlo! sigaw ng kaniyang isipan

Matutulungan na kami,may pag-asa ,May pag-asa pa! sana mamigay sila ng pera!

dagdag pa niya sa isip

ipinagdikit niya ang kaniyang palad,yumuko at nagdasal na sanay matulungan sila ng nagpapakilala

"Oho,naandito ako upang tumulong sa inyo...gaya ng sabi ni kapitan"

nasundan iyon ng mga "WHOOOO!!!!" sigaw ng mga residente sa INAAKALANG PAG-ASA

"ngunit! may kapalit!" dagdag nito at sinabayan pa ng ngiting nakakaloko

agad napadilat ng mga mata si Maria at naguluhan.

'Anong kapalit?bakit may kapalit?Tulong nga yun bakit may kapalit?' isip isip niya

muling natahimik ang buong court at hinihintay ang susunod na sasabihin ng Montecarlo

"tutulong kami,Tutulungan niyo rin kami .,, ipaliliwanag ko,..nagpaplano ng malaking proyekto ang Montecarlo Inc. at ang proyektong iyon ay isa sa mga MM "

nasundan ng malalim na paghinga ang mga residente at nanlumo sa narinig maging si Maria

'Tarantado kayo' isip isip ni Maria,Nanggagalaiti siya sa galit!

dalawang beses na silang nailipat ng relokasyon ng mga Montecarlo dahil nga sa mga proyekto nila at MM.MM... Montecarlo Malls. oo,pinatatayong mga malls at sila na naman ang mawawalan ng tirahan.Sa IKATLONG beses!

"Paaalisin niyo po ba ulit kami?" tanong ng isang bata at agad naman tinakpan ng nanay niya ang bibig nito

''Jusko,wag naman sana" bulong na banggit ni Naynay Lita at napatakip pa ng bibig

bulong-bulungan ang nangingibabaw na ingay sa loob ng court samantalang si Mariano Montecarlo ay tumatango-tango lamang

"ano po bang balak niyo saamin?"
tanong ng mga residente

"Ehem" ubo pa muli nito
"tama ang bata ,Hinihiling naming lisanin niyo ang-----"

nainis si maria at dinuro ang lalaki sa entablado at sumigaw ng

"Kayong mga Montecarlo! ano ba talagang plano niyo sa'amin?! hindi kami nga hayop na pwede niyong ilipat bahay nalang basta basta! " tila nangibabaw ang alingawngaw ng boses niya .Galit na galit sya. Anong karapatan nilang gawin sa'amin iyon? tao rin kame!

muling sinundan ng bulungan at ingay,Ang ilan ay sumang-ayon sa kaniya ang ilan ay tahimik lang nanaghihintay sa mga susunod na pangyayari

"Sa tingin niyo ba papayag kami sa gusto niyo? nanakaw ang buong kita ko ngayong araw at nasunugan pa kami,Ngayon kukunin ninyo pati ang bahay namin?!" galit niyang saad

"ngunit may salapi kaming ibibigay" sagot ni Mariano

lalong nanggalaiti si Maria at muling sumigaw

"Hindi namin kailangan ng pera niyo!"

kanina hiniling ko,ngayon hindi na!

"trabaho ang kailangan namin hindi pera" madiin kong sabi habang nakikipagtitigan sa kaniya

sinalo niya ang mga titig ko at kitang kita ko kung paano nawala ang mga ngiti niya sa labi

"let's see"

nagsimula ng magkagulo ang lahat nang tumakas ang mariano na iyon,ngayon. aalis-alis siya? tss. bakla!

"Ate ate ang tapang mo! kaya idol kita e!" sabi ni Monique,nginitian ko siya at sumagot ng

"Ako pa!"

lumapit kami kay naynay na nakabusangot na ang mukha

patay

"kaya pala iniiwas mo ang usapan kapag tungkol sa kita,Pasaway kang bata ka!"

"Naynay naman ehh!!"

*****


The Billionaire's AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon