Kabanata 3

2 2 1
                                    

Kahit anong gawin niya ay hantungan niya ay pakasalan si Eros Demitri. Isang buwan noong iniwan niya sa altar si Eros Demitri. Matagal naging usap-usapan ang mga naganap sa kasal nila kaya pinahupa muna nila ang eskandalo na ginawa ni Mary Evangeline sa ginawa niyang pag-iwan sa ero kay Eros Demitri.

At sa isang buwan na nakalipas ay ngayon magaganap ang kasal nilang dalawa ni Eros Demitri. Kaya maiwasan sa kahihiyan ay naging pribadong kasal muna ang ginawang pagpapakasal sa kanila. Pamilya at importanteng tao lang ang nakadalo sa kanilang kasal.

Kahit ayaw niya um-oo sa tanong ng pari kung tanggap niya bang maging asawa si Eros Demitri ay wala siyang magagawa kung hindi um-oo dahil ayaw niya na mangyari noong isang buwan kung saan sinaktan silang magkasintahan ng kan'yang abuelo dahil lang sa ginawa niyang pagtakas sa kasal nila ni Eros Demitri.

At lalo na binalaan siya ng kan'yang abuelo...

"Mary Evangeline, mag-usap tayo."

Napalingon siya sa pumasok sa kan'yang silid. Sa sobrang pagkalunod sa pag-iisip ay hindi niya namalayan na pumasok na ang kan'yang abuelo. Bigla nanlaki ang kan'yang mga mata at biglang kumabog na mabilis ang kan'yang puso sa takot dito.

Hindi niya pa rin makakalimutan ang ginawa nitong kademonyohan at pagkalupit nito sa kan'ya at kay Javier. Hindi niya aakalain na ang abuelong kan'yang kinamanghaan ay siyang gagawang saktan siya. Na iisa lang ang demonyong matanda na ito sa abuelong nakilala niya.

"A-ano ang ginagawa niyo rito?" Nanginginig niyang tanong rito. Paika-ikang lumapit ito sa kanya. Mas lalong kumakabog ang puso niya sa bawat pagtunog ng tungkod nito bawat lapit nito sa kan'ya.

"Pagsasabihan lang kita mahal kong apo." Nandito ang pagka-strikto sa boses nito. "Huwag na huwag mong balakin na takasan at pahiyain ang pamilya natin sa pamilya ni Eros Demitri dahil sinasabi ko, oras na may gawin kang hindi maganda, kahit saang lupalop pa nagtatago ang dagang Javier na 'yun ay magagawa ko siyang lapastanganin. Tandaan mo 'yan. Kaya huwag kang umisip ng mga katarantaduhan at maging matino dahil alam mo ang mga kaya kong gawin. Hindi pa iyon ang malala, apo. May kaya pa akong gawin."

Nagbigay kilabot ito sa kan'ya. Kahit umalis na ito sa silid niya ay hindi pa rin nawala ang lakas ng tibok ng kan'yang dibdib at ang pagnginig niya sa mga binitawang salita nito.

"Mabuti naman at natuloy na rin ang inyong kasal na dalawa. Akala ko ay muli mong bibigyang kahihiyan ang aking panganay na anak dahil sa pusok mong damdamin." Sarkastikong sabi ng ina ni Eros Demitri.

Imbes na sagutin ito ay napayuko ito. Napapiksi siya ng kinawit ni Eros Demitri ang braso nito sa kan'yang bewang. "Ma, please tigilan mo na kung ano ang nais mong gawin at sabihin sa aking asawa, galangin niyo si Mary Evangeline, asawa ko na siya, kahit na disgusto kayo sa pagpapakasal ko sa kan'ya ay wala na kayong magagawa." Nararamdaman niya ang bigat na bitawan ng mga salita ng mag-ina.

"Ngunit hijo, alam naman natin ang lahat na pagpapanggap lang ang lahat, kaya gusto kayo ipagkasundo ni Don Alvaro dahil nagkakaroon na ng problema sa hacienda nito. Ginamit lang ng matanda ang pangakong binitawan nito sa iyong abuelo na pagpapakasal sa inyong dalawa ngunit ang punto nito ay ang kanilang pabagsak na negosyo." Mahina nitong sabi ngunit nandito ang diin sa bawat katagang binibitawan.

"Alam mo ma kung bakit ako pumayag sa alok nito. Alam mo ang rason, ma. Kaya nakikiusap ako huwag niyo sirain ang araw namin mag-asawa. Respetuhin niyo ang araw namin." Sabay alis nito kasama niya.

Hindi niya maiwasan isipin ang pagtatalo nito sa kan'yang ina. Ang mga sinabi ni Doña Dulce sa kanilang hacienda.

Kung problema lang sa planta maaari naman gawan ng lutas ng kanyang kapatid na si Santi at ang mga lalaking pinsan. Kahit maloloko ang mga ito ay kaya nitong gawing ang tungkulin ng mga ito ng maayos. Hindi na kailangan ng pagkasundo sa kanilang pamilya. Kaya ano pa ang silbi sa pagpapakasal niya kay Eros Demitri?

"Bagalan mo ang paglalakad Eros! Natatapilok na ako!" Napatigil ito sa reklamo niya. Napatingin ito sa kan'yang paa. Nagulat na lang siya at bigla ito lumuhod. "A-anong ginagawa mo Eros? Tumayo ka nga diyan!" Sinunod naman siya nito pero mas nagulat siya sa ginawa nito.

Binuhat siya nito na parang bagong kasal!

Kung tutuusin bagong kasal nga sila ngunit hindi niya aakalain na gagawin nito iyon sa harap ng kanilang pamilya.

"Hijo hindi ka na ba magkaphintay na solohin ang aking apo? Magselebra muna tayo sa paglaki ng mga ating pamilya saka mo solohin ang aking apo pagkatapos nito."

"Pasensiya na abuelo ngunit hindi na po ako makapaghintay na kaming dalawa na ni Mary Evangeline kaya humihingi ako ng patawad kung maiiwan na namin kayo." Hindi na nito hinintay sumagot ang abuelo niya at lumisan na sila sa selebrasyon ng kanilang kasal.

Hindi na siya nagulat ng alam nito ang kan'yang silid. Binuksan nito gamit ang isang kamay nito ang pinto at marahan na tinulak ito. Pagkasara ng pinto ay dumiretso ito sa kan'yang kama at saka siya nilapag ito ng may halong pag-iingat.

Lumuhod ito at tinanggal ang kan'yang sandalyas. At buong ingat nitong minasahe ang kan'yang paa. Nararamdaman niya ang hindi maganda reaksyon ng kan'yang katawan sa bawat haplos nito sa kan'yang mga paa. Nagbibigay kilabot sa kan'ya habang minamasahe nito ang kan'yang paa.

"Kaya sumakit itong mga paa mo dahil sa matagal na pagkakatayo habang pinupuntahan natin ang ating mga kamag-anak para pasalamatan sa pagdalo sa ating kasal." Patuloy pa rin ito sa pagmasahe. "Patawad kung mabilis ang aking paglakad. Hindi ko lang nagustuhan ang mga sinasabi ni mama sa'yo. Gusto ko respetuhin ka niya at ang mga desisyon ko sa buhay."

"Naintindihan ko naman kung bakit gano'n ang asal sa akin ng iyong ina. Pinahiya kita sa maraming tao at sa pamilya natin, kaya gano'n na lang ang muhi nito sa akin dahil pinahiya ko ang kan'yang anak." Dispensa nito sa ina ni Eros Demitri.

Alam niyang may kasalanan ito pero parehas silang may sala sa isa't isa at alam niya ang kamalian niya.

"Patawad sa aking ginawa noong isang buwan. Ayo'ko lang pakasalan kita dahil may mahal na akong iba. Alam kong nadawit ka lang sa mga desisyon ng aking abuelo ngunit hindi ko alam kung bakit ka sumang-ayon na pakasalan ako kahit hindi pa natin kilala ang bawat isa."

Hindi ito sumagot sa saad niya. Alam naman niya na hindi tanong ang kan'yang sinambit ngunit gusto niya lang malaman kung bakit ito napapayag ng kan'yang abuelo na pakasalan siya. Dahil ba sa negosyo?

"Ipagpahinga mo muna ang iyong paa, para mawala ang pananakit. Sana ay mawala na ang pananakit sa aking hilot na ginawa."

Tumayo ito at nagtanggal na ng damit nito. Nanlaki ang kan'yang mga mata sa ginawa nito.

"H-huwag kang maghubad sa aking harapan!" Nauutal niyang sigaw rito.

Lumingon ito. Hubad baro na ito. Tanging sa pang-ibaba lang ang natitirang tela. Lumapit ito sa kan'ya. Nanlalaki ang mga niya at hindi maiwasan pamulahan sa kahihiyan na nangyari.

"Bakit bawal ako maghubad sa harap ng aking maybahay? Mag-asawa naman tayo." Sabay lapit ng mukha nito sa kanya.

Ang lakas lakas ng tibok ng kan'yang dibdib. Kinakabahan siya sa nangyari sa kan'ya. Tinulak niya ito pero parang nakuryente siya ng ilapit ng kan'yang palad ang hubad nitong dibdib.

"H-hindi porket na humingi ako ng tawad ay nangangahulugang magiging normal ang ating pagsasama. Tandaan mo na may iniibig akong iba. Kaya tigilan mo iyang pagiging pilyo mo! Hindi tayo normal na mag-asawa."

Pero hindi ito natinag sa kan'yang sinabi. Mas lalo nito nilapit ang mukha sa mukha niya, maling galaw lang ay pwede lumapat ang kanilang mga labi.

"Pagnatikman mo na kung paano magpaligaya ang iyong esposo ay makakalimutan mo na may iniibig kang iba. Ako lang ang maiisip mo, wala ng iba." Napatingin ito sa kan'yang labi. Naduduling na sinundan niya ang tingin nito. "Kay sarap matikman ang iyong labi mi esposa. Nang-aakit itong matikman ko."

"H-huwag mo akong halikan Eros Demitri! Kung ayaw mong may kalalagyan sa akin."

"To bad my wife. Ayo'kong sundin ang iyong inutos."

Para siyang natupok ng apoy ng lumapat ang labi nito sa sariling labi.

Haciendero 1: Eros Demitri MavrosWhere stories live. Discover now