Ang Simula

30 3 1
                                    

"Senyorita tinatawag po kayo ng abuelo niyo po." tinanggal niya ang paningin sa binabasa at napatingin sa kasambahay. Tumango siya at ngumiti rito.

"Susunod ako." umalis kaagad ito at sinarado ang librong binabasa. Inayos niya ang nagusot na damit at bumaba sa sala.

Nakita niya ang dalawang lalaki na hindi nalalayo sa kan'yang edad at may dalawang may-edad na kasing-edad ng kanyang magulang na naabutan niya sa sala kausap ng kanyang magulang at ng abuelo niya. Nagtataka siya kung bakit pa siya pinatawag ng abuelo, hindi naman niya kilala ang estrangherong bisita.

Kahit nagtataka ay lumapit siya sa mga ito at tumikhim. Napatingin ang lahat sa kanya. Bigla naman siya nahiya, nasa kanya ang atensyon ng lahat. Sana hindi na lang niya ginawa.

"Abuelo." saka siya nagmano at humalik sa pisngi nito. Lumapit siya sa mga magulang at hinalikan nito sa pisngi. "Ano po pala kailangan niyo? Sabi po kasi ni manang ay pinapatawag niyo raw ako." nakangiting sabi niya.

"Hija, you know I love you." pasimula ng abuelo niya. "You're my favorite apo, and I want the best for you." seryosong salita nito na nakapagpakaba sa kanya pero kahit ganun ay may ngiti pa rin sa kanyang labi. "Napagkasunduan namin na ipagkasundo ka kay Eros Demitri. He's a gentleman, hija. Iingatan ka niya at ibibigay sa'yo ang lahat lahat, katulad ng pagbibigay namin sayo, my apo." Gulat siyang napatingin sa abuelo niya.

"Ano?" Gulat niyang tanong at napatingin siya sa mga bisita. Hindi niya alam kung sino sa dalawang binata ang ipapakasal sa kanya pero hindi niya makakapayag na magpakasal sa taong hindi niya mahal. "Abuelo mahal kita, pero hindi ko kayang magpakasal sa lalaking hindi ko mahal. Sinunod ko lahat ng utos niyo pero ngayon lang ako hindi susunod sa inyo. I'm sorry abuelo, pero ayo'ko."

Napatayo ang abuelo niya sa sinabi niya. Hawak hawak nito ang tungkod nito. "At sumuway ka na sa akin Evangeline! At bakit ayaw mong magpakasal kay Eros Demitri, dahil ba sa lalaking pobreng Javier na iyon?!" Nanlaki ang mga mata ni Evangeline na natuklasan nito ang lihim niyang pag-ibig.

Matagal na sila magkarelasyon ni Javier. Hindi man ito kayaman katulad niya ay minahal niya ito, tinuring niyang kapantay ito. Hindi iiwanan ito, gagawin niya ang lahat para tanggapin si Javier ng kan'yang pamilya. Kahit ano gagawin niya matanggap lang ang relasyon nila, ngunit itong pagpapakasal sa iba? Na hindi niya naman mahal? Sobra na ito. Hindi niya masusunod ito.

"Abuelo ngayon lang ako humingi ng ganito kalaki, nakikiusap ako, huwag ito. Ayo'ko nito. Hindi ko kayang magpakasal. Please abuelo! Give me this one! Kahit ito lang." sabay luhod niya rito. Narinig niya ang singhap ng kanyang ina at kita niya ang panlalaki ng mga mata ng kanyang abuelo.

"At talaga magpapakababa ka sa lalaking 'yun?! Evangeline, sinasayang mo ang hinigay namin na maginhawang buhay para lang sa lalaking iyon?! Nahihibang ka na!" Sabay hampas nito ng tungkod sa kanyang balikat. Nagulat siya sa ginawa nito. This is the first time that her abuelo hit her! Ngayon lang dahil sa pagsuway niya na pakasalan ang lalaking gusto nitong pakasalan niya. "Alam mo ang magagawa ko kapag sinuway mo ako Evangeline lahat ng mga binigay ko sa'yo ay maglalaho ng parang bula kapag pinili mo ang lalaki 'yun!"

"Wala akong pake sa mga materyal na bagay abuelo. Kahit tanggalan mo ako ng mana, wala na akong pake, si Javier lang ang mahal ko! Siya lang ang pakakasalan ko!"

Hahampasin sana ulit siya nito ng kinuha siya ng estranghero. Napatingin siya rito. Hindi niya maipaliwanag ang kagwapuhan nito, napakagwapo niyo. Mapanga, matangos ang ilong, manipis ang mapulang labi nito, napatingin siya sa mga mata nito na malalim kung tumingin, ang kulay lupa nitong mga mata ay nakakalunod, mga kilay na sing kapal.

Napangisi ito ng mapansin ang kanyang pagtitig dito. Tumingin ito sa abuelo niya. "Don't worry Don Alvaro, ako na pong bahala sa aking magiging asawa. Ako na po ang kakausap sa kanya." Sabi nito sa abuelo niyo. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya na ito pala ang Eros Demitri na ipapakasal sa kanya.

"Sige at ikaw na ang kumausap sa apo ko." Napatingin siya sa abuelo niya. Tinutukan siya nito ng tungkod nito. "Evangeline sinasabi ko sa'yo. Kapag sinuway mo ako, hindi mo magugustuhan ang magagawa ko sa pobreng 'yon." Sabay hila sa kanya ni Eros Demitri papalayo sa mga pamilya nila.

Dinala siya sa hardin nila. Binawi niya ang kanyang braso sa hawak nito. Napatigil ito sa paglalakad at tumingin sa kan'ya.

"Hindi ako magpapakasal sa'yo!"

Ngumisi ito sa sinabi niya. "Kung ayaw mo akong pakasalan okay lang, bahala na si Don Alvaro na sirain kayo ng iyong kasintahan. Wala ka rin magagawa, kahit anong gawin mo, pakakasalan mo pa rin ako." Sabay naghalukipkip ito. Tinitigan siya nito sa mga mata. "Sa akin pa rin ang bagsak mo, Mary Evangeline."

"Hindi naman natin mahal ang isa't isa. Hindi naman natin kilala ang isa't isa, pwede ka rin makipag-aklas sa pagpapakasal na ito, Eros Demitri. Dahil oras na maikasal tayo, makukulong na tayo sa kasal na ito. Hindi na tayo magiging malaya. Kaya pakiusap, tulungan mo ako na hindi sang-ayunan ang pagpapakasal na ito." Lapit ni Evangeline at hawak nito sa braso nito.

Napatingin naman si Eros Demitri sa paghawak niya rito. Napabitaw bigla siya rito. Ngunit hinapit siya pabalik ni Eros Demitri. "Wala kang magagawa Mary Evangeline. Kung hindi pakasalan ako. Matutunan mo rin akong mahalin. Mamahalin kita na higit sa binibigay ng iyong nobyo, pahintulutan mo lang ako."

Haciendero 1: Eros Demitri MavrosWhere stories live. Discover now