Kabanata 2

4 2 0
                                    

"Hindi mo kailangan magpakalayo, Evangeline. Dahil ako lang ang lalayo, hindi ikaw."

"A-ano?" Hindi makapaniwalang tanong niya kay Javier. "Tinakot ka ba ni abuelo, Javier? Kaya ka ba nagkakaganito? Ano ito? Tinalikuran ko ang kasal para sa'yo pero bakit? Bakit ganito?"

Lumapit ito sa kan'ya at hinawakan ang kamay niya. "Hindi ako tinakot ni Don Alvaro. Aalis ako ng matiwasay. Alam kong hindi ako karapat-dapat sa'yo. Pero hindi ko maiwasan na magulig sa'yo. Mababang uri lang ako, hindi ko maibibigay ang lahat sa'yo. Hindi ako kasing-yaman niyo. Kailangan kong magpakakuba sa pagtatrabaho para may makain ang pamilya ko, kaya hindi ko kayang ibigay ang lahat sa'yo."

Umiling si Evangeline at niyakap ito. "Kaya kong talikuran ang lahat para sa'yo, Javier. Kaya kong magpakatiis sa hirap para sa'yo. Kung kailangan kong magtrabaho para lang matulungan ka, gagawin ko. Iiwan ko ang buhay na kinalakihan ko para sa'yo. Para sa atin."

Marahan siyang tinulak nito at hinawakan ang mga pisngi niya. "Hindi karapat-dapat sa isang señorita na madumihan ang mga kamay na iyan. Karapat-dapat sa isang katulad mong señorita ang paglingkuran, humiga sa malambot na kutson hindi sa isang banig at matigas na sahig, kaya bumalik ka na. Hindi ito ang mundo mo. Ang mundo mo ay pakasalan ang lalaking karapat-dapat sa'yo."

Napaluha siya sa sinabi nito at umiling-iling, disang-ayon sa mga sinasabi nito. "Tayong dalawa ang nasa relasyon na ito pero bakit ikaw lang ang nagdedesisyon. Paano naman ako? Hayaan mo akong magdesisyon sa atin."

"Mary Evangeline!"

Napalingon silang dalawa kung saan nagmula ang sigaw. Nanlamig si Evangeline ng makita si Eros Demitri at ang kan'yang abuelo, maraming bodyguard ito. Pinalibutan silang dalawa ni Javier. Nilayo siya ng dalawang bodyguard kay Javier. Nagpupumiglas siya sa mga ito pero mas lalo siyang hinahawakan ng mahigpit ng mga ito.

"Huwag niyong sasaktan si Mary Evangeline, Don Alvaro. Sasama ho siya ng matiwasay. Nakipaghiwalay na po ako. Aalis na po ako ng tahimik, nakikiusap ako na huwag na huwag niyong sasaktan si Mary Evangeline."

Ngunit parang walang narinig ang kan'yang abuelo. "Turuan niyo ng leksyon ang lalaking yan!"

"No abuelo!"

Ngunit hindi ito nakinig sa kan'yang pakiusap at sinuntok ng bodyguard si Javier sa may tiyan kaya napaluhod ito. Napatili siya sa ginawa ng mga ito.

"Kung kinakailangan na patayin ka para hindi na bumalik sa'yo ang apo ko ay gagawin ko! Hindi karapat-dapat ang isang tulad mong mahirap para sa apo ko. Ano ang mapapakain mo sa apo ko? Mga damo? Asin? Mga kamote na pagmamay-ari ng aming planta? Nakikihingi lang kayo ng mumunti rito sa amin pero nag-asam ka pa talaga na maging kasintahan ang apo ko! Ibigay niyo ang nararapat diyan sa lalaking 'yan! Kung kinakailangan na gulpihin 'yan para magtanda gawin niyo!"

"Abuelo please tantanan niyo na si Javier! Ako ang may kasalanan, wala siyang ginawa! Ako ang pumunta rito, hiniwalayan niya na ako kaya please tama na! Tigilan niyo na siya!" Pakiusap niya sa abuelo.

Humarap ang abuelo niya sa kan'ya na nanlilinsik ang mga mata. Nanlaki ang mga mata niya ng malakas siyang sinampal nito sa pisngi. Napalapit sa kan'ya si Eros Demitri at inalo.

"Don Alvaro, don't hurt Mary Evangeline for this. May nagawa siyang kasalanan ngunit mali na saktan niyo ang apo niyo dahil sa lalaking 'yan." Mahinahon na sabi nito.

Nanunuot ang sakit nito na nagbigay luha sa kan'yang mga mata. Tama nga ang tiya niya, kahit ikaw pa ang paborito nito kapag may hindi ka sinunod dito ay makakatikim ka ng leksyon dito.

"Tonta kang babae ka! Binigay sa'yo lahat! Tapos ito lang ang inaasam-asam mo? Hangal ka! Hindi ko alam kung anong meron sa utak mo at tinakbuhan mo si Eros Demitri sa inyong kasal para lang sa pesteng 'to! Napahiya ang pamilya nila Eros Demitri at ang pamilya natin dahil kagaguhang ginawa mo!"

Papaluin pa sana siya ng inawat siya ng inawat ni Eros Demitri ang kan'yang abuelo.

"Ako na ang kakausap sa kan'ya, Don Alvaro para malinawagan siya. Ako na ang bahala kay Mary Evangeline."

Tumango ito at umamo ang mukha sa inasal ni Eros Demitri. "Mabuti nga na ikaw kumausap sa mapapangasawa mong 'yan. Para mahismasmasan at mapagtanto na ikaw ang karapat-dapat na lalaking iibigin niya at hindi itong walang kwentang lalaking ito." Sabay tingin nito kay Javier na puro galos.

"Pakiusap Don Alvaro ibalik niyo na ang lalaking 'yan kung saan siya. Huwag niyo na dungisan ang mga kamay mo sa lalaking 'yan dahil nagsasayang lang kayo ng panahon sa walang kwentang lalaking 'yan." Sabi nito bago silang lumisan sa lugar na 'yun.

Sinamaan niya ng tingin ito sa sinabi kay Javier. Oo alam niya na hindi ito mayaman katulad nila ngunit walang karapatan ang mga ito para magsalita ng gan'on. Hindi sila diyos para ganunin ang mga nasa mababang lebel. Hindi porket maginhawa ang buhay nila ay may karapatan silang manapak ng pagkatao dahil mayaman lang sila.

"Bitawan mo ako!" Binitawan naman agad siya nito ng marahan. Mas lalo niyang sinamaan ng tingin ito. "Sobrang taas ng tingin mo, kayong dalawa ni abuelo sa inyong mga sarili! Porket may kapangyarihan at may pera kayo ay gan'yan na ang inaasal niyo."

"Bakit hindi? Dahil lang sa lalaking iyon ay nagawa mo akong pahiyain at ang ating pamilya. Ginawa mo kaming katatawanan sa harap ng maraming tao! Pinag-uusapan tayo sa bayang ito dahil sa ginawa mo."

"Huwag mo ako pagsalitaan ng gan'yan na parang kasalanan ko lang ang lahat! Dahil alam nating lahat na pare-parehas lang tayong may kamalian! Pinagpipilitan niyo ang gusto niyo at ako ang kasalanan ko ay ang gawing pag-usapan ang ating pamilya ngunit hindi ko magagawa 'yon kung hindi niyo ako hinayaan sa aking buhay! Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi ka pumayag sa kasunduan na ito."

Bawat pahayag ng mga salita ay may diin. Para bawat salita ay makapagbigay sakit at pait sa sarili nito. Para masiksik sa kukote nito na hindi lang siya ang may mali kundi silang lahat.

"Bakit hindi na lang na tigilan mo ang kahibangan mo sa lalaking iyun at pakasalan mo ako ng matiwasay? Magiging payapa ang iyung buhay kung titigilan mo na ibigin ang lalaking iyun at ako ang ibigin mo. Mababalik ang samahan niyo ng iyong abuelo kung susundin mo lang ang lahat at pakasalan ako."

Lumapit siya rito at napangisi. "Kahit pakasalan pa kita, mabalik man ang samahan namin ni abuelo, hindi pa rin magbabago ang lahat na kinasal lang tayo hindi dahil sa mahal natin ang isa't isa kundi dahil pinagkasundo lang tayo. Ikaw nga ang pakakasalan ko ngunit makapagbagabag sa iyong isipan na may mahal akong iba at hindi ikaw 'yun na aking pakakasalan."

Haciendero 1: Eros Demitri MavrosWhere stories live. Discover now