chapter 36

94 4 0
                                    

Author's note: Kingina niyo ah! Porque may SPG scene bibigyan ko kayo ng happy ending?! HAHAHA of course may happy ending talaga. Joke lang.

SPG LENGWAHE

Josephine's POV

Kinabukasan...

Kasalukuyan akong nasa classroom, wala pa si Anne, at hindi ko alam kung papasok ba siya o hindi. Nandito din sina Vanessa at Levie, nakatambay lang dito sa classroom namin. Wala raw silang klase kaya gusto nilang makisit-in sa klase namin. Nagpa-alam naman daw agad sila sa adviser namin, kaya pumayag na rin ako.

"Kingina ni Anne! Ang tagal niya! Anong oras oh! Sabi ni mama 7 am is already considered as tanghali! Tanghali na pero wala pa siya!" Reklamo ni Vanessa.

"Baka late lang." Sagot ni Levie.

*TING!

Tunog ng notification chats ko, tiningnan ko ang  Messenger ko at nakita ko ang gc namin at May chat si Anne doon.

𝐴𝑙𝑎𝑠 𝑄𝑢𝑎𝑡𝑟𝑜

Anne daming hinanakit sa math: she can't attend her class today, she needs to rest.
-Lucas.

Vanessa the matakaw: Ay bakit? Mesakit ba ang wifey mo, Sir?

Levie the Kuripot: may sakit ba siya? Any way, sige we'll excuse her na lang, Professor.

Anne daming hinanakit sa math: Thanks.

Me: anything for our friend, Sir.

I turned off my phone and picked up my book.
"Anyare sa Ermats?" Tanong ni Levie.

"Mesakit daw ata, anteh." Sagot ni Vanessa.

"wala akong matandaan na mag sakit siya kahapon." Singit ko naman habang nagbabasa ng librong Wattpad, he-he-he.

"Bahala na nga." Sabay na sabi ni Vanessa at Levie.

Nang matapos ang morning class hours ay break na. Ngayon ay nasa cafeteria kaming tatlo, susunod daw mamaya yung mga pinsan ko at yung mga shota este asawa nitong mga kasama ko.

"Malapit na ang summer, tara beach tayo." Sabi ni Vanessa.

"Sige, saan ba?" Tanong ko.

"Boracay tayo, may hotel and resort ang parents ko doon." Sagot naman ni Levie.

"Tayo lang ba apat o isasama pa natin sila?" Tanong ko ulit.

Ibinaba ni Vanessa ang hawak niyang Chuckie.
"Kahit naman hindi natin sila isama nagpupumilit naman silang sumama satin." Sagot niya.

"Napaka possessive nila." Sabi ni Levie.

"Oo, pero ang shota nitong isang to." Tinuro ako ni Vanessa. "Hindi lang possessive, obsessed din. Kaya malamang hindi talaga yun papayag kahit pa na sabihin nating May mga bodyguards tayo."

Oo, possessive nga si Zander. Pero, ang obsessed sa'kin? Hindi naman ata.

Kinuha ko ang Strawberry juice ko at uminom,
"Alam mo bff, natatakot ako para sayo. Alam mo kung bakit?" Umiling-iling ako. "Kase hindi ko alam kung ano ang kayang gawin ni Kuya Zander kapag nadadala siya selos na mararamdaman niya. Ang mga kamag-anak namin ay natatakot sa kanya kase kahit may mabait siyang ugali ay Psychopath daw siya, isang kinatatakutang Psychopath Mafia boss." Pagkuwento ni Vanessa.

Gago... Nagbibiro lang siya self.

"Wag ka ngang magbiro, Takahashi." I laughed awkwardly.

"Hindi ako nagbibiro, naalala mo nung sinabi ko dati na 'grabe. Akala ko sa Wattpad lang nangyayari to.' ang totoo nyan ay matagal ko nang alam na ikaw yung babaeng kinahuhumalingan ni kuya Zander at kung bakit obsessed siya sa girl na laging kinukwento ng secretary niya. Nakita ko kase ang mga pictures mo sa isang tagong kwarto ni kuya, mga stolen pictures mo yun. At may mga parang cctv footage pa siya sa kwarto mo na nasa laptop niya. Alam ko rin na may pinapadala siyang mga tauhan niya para bantayan ang bawat kilos mo mula sa malayo. Kaya mag-ingat ka bff." Bakas sa boses niya ang takot at pag-aalala, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ayokong manghusga dahil gusto ko ako mismo ang makaalam ng ugali ng tao.

O-obssessed si Zander sa'kin....

I gulped, nabalutan ng katahimikan ang table namin, si Vanessa ay kalmadong kumakain gayundin si Levie pero halata na may iniisip siya.

"A-ang sabi mo may pinapadala siyang mga tauhan para bantayan ang bawat kilos ni Phine? I-ibig sabihin yung mga napapansin kong van at mga lalaking nakasunod satin kapag kasama natin si Phine, ay tauhan yun ng pinsan mo?" Tumango si Vanessa bilang sagot sa tanong ni Levie.

Kinginang yan.

"Kailan pa?" Seryosong tanong ko. Napalingon silang dalawa sakin. "Kailan pa siya naging obsessed sa'kin?" Tanong ko ulit.

"Sa pagkakaalam ko... Ang sabi sa'kin ng kanang kamay ni kuya Zander na si Joaquin ay matagal na daw, mga..... Tatlo o apat na taon." Sagot niya.

Ano?!

"May chika pala ako. Ang kwento sakin ni Joaquin ay may 7 years old na batang babae daw na nakilala si Kuya Zander, tapos si Kuya naman ay nasa 14 or 15? Lagi daw silang magkasama before hanggang sa nangako daw si kuya na papakasalan niya yung girl. And may gusto din ata si kuya doon sa batang babae. Nung bumalik si kuya sa London ay May inutusan daw siyang tauhan niya na magbantay ng palihim doon sa batang babae." Kwento niya ulit.

Teka.... Familiar ah... Aish! Kumusta na kaya si Zanzan. Miss ko na ang hari na yun.

"Tapos? Alam mo ba kung anong pangalan nung girl?" Tanong ni Levie.

"Ang sabi lang ni Joaquin sakin nung tinanong ko kung sino ay 'Kaibigan mo siya, at lagi mong nakakasama.' naguguluhan ako. Tapos,yung araw na makidnap tayo ay karamihan sa mga tauhan ni Xavier ay loyal na tauhan ni Kuya Zander na nag-iispiya sa kanya kaya alam niya kaagad ang pinaplano ni Xavier kay Phine. Nalaman ko din kay Joaquin na pinatay ni kuya ang mga kaibigan at girlfriend ni Xavier." Pabulong niyang sabi.

What?! K-kaya ba ako ang sinisisi nung gagong Xavier na yun?!

"T-tapos... Y-yung b-bangkay nila..." halos pabulong na aniya samin. Yumuko si Vanessa at bumuntong hininga. "S-sinunog niya t-tapos yung mga natirang tauhan n-ni Xavier a-ay n-nilibing ng buhay." Nauutal niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata namin ni Levie. Nakita ko kung paano napalunok sa sariling laway si Levie. Habang ako ay hindi makapaniwala sa isinawalat ng kaibigan.

"Nung nalaman ni kuya na pinapadalhan ni Xavier ng death threats ang pinsan mong si Angela at binalak ka niyang galawin ay hindi siya nakuntento doon sa ginawa niya kay Xavier. Pinahirapan niya si Xavier at hanggang sa sumuko siya ay saka siya s-sinunog ng buhay." Aniya samin.

Tama ba ang desisyon ko sa buhay? Lord naman! Gusto ko pang makasama ulit si Zanzan eh!

"Hey. Sorry natagalan kami. Are you all okay? Y'all look pale." Nag-aalalang tanong ni Travis.

Ngumiti lang kami sa kaniya at nagpanggap na parang walang pinagusapan. "Huh? Oo, ayos lang kami. Nagchichismisan lang kami." Sabay naming sabi. Tumango naman sila at umupo sa tabi naming tatlo.

"Gusto niyo pa bang kumain ulit? Ibibili namin kayo." Tanong ni Hades.

"Ah... Kahit ano na lang." Sagot naming tatlo. "Sige. Hintayin niyo kami dito." Sabi naman ni Shawn. Umalis na sila sa table namin at pumila. Natahimik kaming tatlo dahil sa nalaman namin.

Pipilitin kong hindi ka husgahan, Zander. Dahil alam kong kahit ganyan ang personalidad ni ay alam kong mabait ka. Sana nga ay hindi mo ako magawang saktan, Pisikal man o hindi. Dahil unti-unti na kitang nagugustuhan.

🥀

Enjoy reading, my star/s :>

The Billionaire's ObsessionNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ