Chapter 24

92 3 0
                                    

Josephine's POV.

Kasalukuyan akong nasa school ngayon, at dahil exam na next week! Edi malamang yung mga classmates ko panay review sa lessons namin at ako? Eto naka-upo lang at nanonood ng Kdrama na The Uncanny Encounter.

"Phine." Tawag sa'kin ni Hades kaya nilingon ko siya.

"Ano?!" Inis na sabi ko.

"Bakit hindi ka nagrereview?" Tanong niya sakin.

Bakit nga ba hindi ako nagrereview kagaya nila?

"Ewan. Mas trip kong manood ng Kdrama eh." Sagot ko.

"Baka i-phase out ako sa honor student's list." Malungkot na sabi ni Anne.

Paano pa kaya ako?

"May chismis ako, guys!" Natatawang sabi ni Lia.

Napatigil naman sa pagre-review ang mga kaklase namin at tinignan siya.

"Anong chismis naman yan, Aling Lia Marites?" Sarkastikong tanong ni Iza.

Ngumisi si Lia at nagcross arm." Narinig ko lang naman na pinagchichismisan ng ibang Humss section si Ms. President Delos Reyes."

Kumunot ang noo ni Anne, "ano namang pinagsasabi ng mga hayup na yun?!"

"Pinagpupustahan nila kung malalamangan ka ng vice president nila sa average, tapos nalaman ko rin na may nagkagusto sayo na taga-roon." Aniya.

"May ebidensya ka ba?" Tanong ni Stefany.

"Duh! Of course! Future lawyer ata tong kausap niyo." Inilabas niya ang cellphone niya at pinagpipindot iyon.

"Future lawyer daw tapos mahilig sa chismis, wow." Sarkastikong bulong ni Anne.

"Hoy! Narinig kita, Anne!" Sigaw ni Lia.

May pinakita siyang video at pinlay iyon.
Nang matapos ang video ay sari-saring reaksyon ang umani.

"Ang yayabang naman!" Sabi ni Laurie.

"Akala mo naman may ibubuga, eh sipsip sa professors naman si gaga." Sabi naman ni Maria.

"Ay, sabi mo pa. Walang wala siya kay president." Tugon naman ni Norie.

"Mali yan, wag nga kayong ganyan. Wag niyong husgahan ang tao lalo na kapag hindi niyo naman alam ang nararamdaman niya." Singit ko naman.

"Bakit ang bait mo, Pres? Binully na nga niya before ang pinsan mo tapos mabait ka pa rin sa kanya." Sabi ni Kurt.

"Hayaan niyo na."

Lunchbreak..

Dahil wala akong magawa sa life, char. Dahil bored ako nagfacebook ako. Bumungad sa'kin ang news article about sa concert ng Treasure!

Shet! Next week na din pala yun!

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sumabay pa talaga sa schedule ng exam ko ang concert ng Treasure.

A/N: Ang Treasure ay isang Korean boy group na dati ay May 12 members at ngayon ay 10 members na lang.

"Oh anyare, Ermats?" Tanong ni Vanessa.

Tinignan ko siya ng masama, "tantanan mo ko sa kaka-ermats mo."

"Anong nagyari d'yan? Oh eto na ang pagkain mo, gutom lang yan." Sabi ni Anne.

"Yung concert kase ng Treasure... Next week na yun gaganapin." Nakangusong sabi ko.

"Ha?!" Gulat na sabi ni Vanessa. Chineck niya ang notification ng cellphone niya at tinakpan ang bibig niya dahil sa gulat. "Holy Sh- Bakit sumabay pa sa schedule ng exam natin?!"

The Billionaire's ObsessionWhere stories live. Discover now