chapter 28

86 3 0
                                    

A/N: Mga beh, mukhang magkakaroon ng season 2 ang story, charot I'm not sure yet if magkakaroon ba talaga ng season 2. Enjoy reading!

Josephine's POV

Pauwi na kaming apat, hindi ko alam ang trip ng tatlo ngayon. Nag-aya pa silang mag-street food kaya pumayag na lang din ako. Sino ba kase ang tatanggi sa libre 'di ba?

"Ano ang una nating kakainin?" Tanong ni Levie.

"Ewan.." sagot ko.

"Kung ano ang una nating makitang pagkain yun ang kakainin natin." Sabi naman ni Anne.

"Ayun! May food stall!" Turo ni Vanessa sa food stall.

Agad naming pinuntahan ang food stall, si Anne ay tuwang-tuwa dahil libre daw nina Levie at Vanessa, kaya eat all we can daw.

"Apat na kwek-kwek po, palagyan na din po ng pipino." Sabi ni Levie. Tumango naman ang tindero at isa-isang binigyan kami ng tig-iisang bowl na May kwek-kwek at pipino.

"60 pesos lahat, ija." Sabi ng tindero. Inabutan naman agad siya ng pera ni Vanessa.

"Keep the change,po." Sabi niya.

"Grabe manong, ang sarap ng kwek-kwek niyo. " Papuri ko.

"Naku, ija. Salamat." Sabi ng tindero.

"Manong, hindi po ba ikaw yung lagi kong pinagbilhan ng kwek-kwek doon sa kanto ng village namin?" Tanong ko ulit, sinubo ang ng pipino. Mas inuuna ko kase ang pipino kaysa sa kwek-kwek.Nakikinig lang sina Vanessa, Levie at Anne sa usapan namin ni manong tindero.

"Naalala mo pa pala ako, Ija?" Tanong ni manong tindero at tumango ako. " Manong, ang tagal na po nating magkakilala pero hindi ko pa din alam ang pangalan mo."

"Alam ko ang pangalan mo pero hindi mo alam ang pangalan ko" natatawang sabi ni manong tindero.

*Pout.

"Kaya nga po, manong eh."

"O siya, ako si Danilo."

"Pabili po ng lemon juice, kuya Danilo." Sabi ni Anne.

"Apat pong lemon juice, ako po ang magbabayad." Sabi ni Levie.

"Sige." Sagot ni manong Danilo. Habang hinihintay ang juice namin ay bigla namang may humintong van sa likuran namin at bumukas ang pinto't iniluwal nito ang apat na lalaking naka itim. Nilapitan nila kami at tinakpan ang bibig namin ng isang panyo na may kakaibang amoy.

"Tulong!" Sigaw naming apat.

"Hoy! Bitawan niyo sila!" Sigaw ni manong Danilo at akmang susugurin ang mga lalake pero tinutukan nila ito ng baril. Nakita ko ang mga kaibigan kong wala ng malay dahil sa panyo, sinubukan kong hindi huminga para hindi ko malanghap ang amoy pero nabigo ako.
Nandilim ang paningin ko at tuluyang nawalan ng malay.

Nagising ako dahil sa sigaw ng mga kaibigan kong si Anne at Vanessa. Medyo malabo pa ang mata ko pero naging malinaw din naman agad, nilibot ko ang paningin ko at nakita kong magkakatabi sina Vanessa, Levie at Anne. Inilayo nila ako sa kanila.

"KINGINA NIYO! KUNG SINO MAN ANG NAG-UTOS NA IPAKIDNAP KAMI SISIGURADUHIN KONG MAMAMATAY KA NG MAAGA!" sigaw ni Vanessa.

"Please... Wag niyo kaming saktan.. nakikiusap ako." Umiiyak na sabi ni Anne, si Levie naman ay humihikbi at nakatungo lang.

Gago May trauma yan sa baril mga hayop!

"Pag sinaktan niyo sila, papatayin ko kayong lahat." Pagbabanta ko na ikinatawa ng mga gagong kidnapper.

"Nakakatakot ka naman." Sarkastikong sabi ni Kidnapper 1.

"Aba! Dapat ka lang matakot dahil hindi niyo kilala ang kaibigan namin!" Sigaw ni Levie.

The Billionaire's ObsessionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora