Sumakay na kami at umalis na..

SASAKYAN ( 30 minutes ago.. )

"Hm.. DJ, gubat?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Kaya nga walang makapunta na Fan Groups eh. Masyado kasing delikado." DJ.

Bigla namang pumasok sa isipan ko yung DJ Rocks. Kamusta na kaya sila Bes? Simula kasi nung pumunta ako sa Palawan, pinaubaya ko muna yun sa kanya. Ano na kayang nangyari? Babawi na lang ako sa kanila..

Maya-maya'y nakarating na rin kami sa taping place nila.. Agad naman akong pinakilala ni DJ sa direktor.

"Kath.. Si Direk Jojo." DJ.

"Hi po!" Sabi ko at nag shakehands kami. Tumango-tango naman ito.

"Ahmm DJ, sakto. Ikaw na ang isasalang. Iaccompany mo muna yung girlfriend mo tapos pumunta ka na sa amin.." Direk Jojo.

"Friends lang po kami.." Sabay pa naming sabi. Natawa lang si direk. Nakitawa na lang kami.

Umalis na si Direk Jojo at lumapit si DJ sa isang bakla.. Sumunod lang ako sa kanya..

"Ahm ate Darla, si Kath.." Pakilala sakin ni DJ.

"Hi ija. Ang ganda mo.." Pambungad niya sakin.

Loving You For The Second Time Around [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon