ikalabindalawa

153 5 4
                                    

Sumilong kami ni Cyd sa ilalim ng isang kubo na malapit sa venue. Iilan lang ang pumarito, dahil karamihan ay piniling dumiretso sa restaurant.

Kuyom ang kamao akong umiwas ng tingin, saka pasimpleng pinunasan ang mga mata ko.

"Nakita ko," sabi niya. "Narinig ko rin."

Bumuntong-hininga ako at binalik ang paningin sa kaniya, hindi na tinapos tuyuin ang mga luha.

"Pero sabi mo kanina, 'di ba, may mga couples na mahilig mangarap, pero ang mga may effort lang na manatili sa isa't isa ang nakatutupad n'on."

Hindi ako nagsalita at hinayaan siya.

Tiningnan niya ako. "Ang ex mo, kasama sa mga hindi nanatili, kaya hindi na worthy isipin ang pangarap o pangako niya noon. Kasi, sinabi lang out of happiness, walang mean na tuparin."

"A-anong point mo?" tanong ko.

Lumunok siya, narinig yata ang talas ng pagsabi ko. "Huwag mo nang i-keep o asahan ang mga sinabi niya. Huwag mo nang ipagmaktol. Alam kong may injustice, pero hindi talaga worth it, Kuting, e."

Nagbaba ako nang paningin.

"Kaiisip mo sa mga iniwan niyang pangako at salita, baka maloko ka na naman kung sakaling bumalik siya. Imbis na sagutin mo 'kong depende, na oo rin ang ibig-sabihin, sagutin mong hindi. Ulit-ulitin mo sa sarili mo, 'wag kang magpa-betray sa puso mo. 'Yon ang i-keep mo, hindi ang mga bagay na lumipas na."

"Nami-miss ko siya."

Tumahimik sa banda niya dahil sa biglaan kong sinabi.

Samantalang, nangibabaw ang paglakas ng ulan at umampiyas na iyon sa banda namin.

Nilayo niya ako mula roon at mas siniksik sa loob, kung saan nakasandal na kami sa upuang gawa sa kawayan.

"Sabi ng puso mo?" tanong niya.

Ngumuso ako at tumango.

"Normal, kaya hahayaan kita. Pero, ang tanga rin at the same time pakinggan, 'di ba?"

"Comfort ko siya."

"Alam ko."

"Kaya miss ko siya."

Muli niya akong tiningnan. "Mabigat ang loob mo, kaya mo siya hinahanap? Gano'n ba?"

Tumango ako.

"Pero, siya ang dahilan niyan, ah? Sabagay, kung sinong nagkasala sa 'tin, sila pang mas hinahanapan natin ng comfort at encouraging words. Bakit?"

"Kasi sila ang mas nakaiintindi at gusto natin ng sorry," sagot ko.

Tumango siya nang tumama ako. "So, tama ang hula ko? Hindi nga siya nag-sorry sa 'yo?"

"Wala naman siyang dapat ihingi ng sorry."

"Ang gulo mo, 'no?" Bumakas ang inis sa boses niya.

Pero ang cute sa pandinig ko, dahil tuminis iyon.

"Pero alam mo, para sa 'kin, may isa pang dahilan kung bakit nami-miss natin ang mga taong once nating minahal."

TakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon