Chapter Three:: Section Five

17 1 1
                                    

Chapter 3

^^VIENNA RAINE^^

"What do you mean you're from section five?! That's impossible!" gulat na sabi ni Jac

"Iyon ang nakasulat sa papel e.." kinuha ko ang papel galing sa maleta ko at ibinigay kay Jac.

Tinanggap niya naman iyon at binasa. Nanlaki ang mga mata sabay turo sa papel. May binubulong siya pero hindi ko iyon narinig sa hina ng boses niya

"Bakit? Ano bang meron sa section five?" naguguluhang tanong ko

"That section is..." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Tell me Vienna, what did you do in your previous school kaya ka napunta sa section na iyan?! May nagawa ka bang hindi maganda?"

"Well...."

~~FLASHBACK~~

"HiiiiYA!!" Itinaas ko ang aking kanang paa at sinipa si Sir Manyak sa mukha niyang pangit

Napasigaw siya sa sakit at napaatras ng kaunti

"You b*tc--" bago pa niya matapos ang kanyang mura ay sinipa ko siya ulit sa kabilang pisngi niya

Nawalan siya ng balanse at nauntog ang ulo niya sa pader kaya nawalan siya ng malay

~~END OF FLASHBACK ~~

"Hindi naman ganoon kasama ang ginawa ko." sabi ko kay Jac

Natataranta pa rin si Jac. Naglakad-lakad siya ng pabalik. Nahihilo na nga ako dito e!

"Jac, kumalma ka nga! Hindi ka ba nahihilo sa ginagawa mo?" sinapak ko siya sa ulo

"Aray! Ikaw, Vienna ha. Bago pa lang kita tinanggap bilang kaibigan ko, nananapak ka na"

"Ano ba talaga ang problema mo sa section na iyon?"

"Trouble. That section is trouble. Lalong-lalo na sa mga babae!"

"Huh? Hindi kita maiintindihan e. Paki-explain nga"

"Mas mabuti kung ikaw mismo ang makakita sa section na iyon. Ang hirap i-explain e. Ang sakit sa ulo at naiinis ako tuwing maaalala ko na may demonyo sa section na yun" sabi niya

Ibinalik ko na ulit ang papel sa maleta.

"Mas mabuti nga. Lets go na. Excited na ako sa new classroom ko"

"Heh. Kakainin mo iyang sinabi mo. Oras na makita mo ang tunay na kalooban sa section na yun" dinig kong bulong niya

Tatanungin ko sana siya kung bakit pero umurong ang dila ko. Wag na nga lang. Makikita ko rin naman yun mamaya e

***

Huminto kaming dalawa ni Jac sa isang room na may nakasulat na 9-Five. Kumatok si Jac sa pinto kaya tumahimik ang mga tao sa loob. May konting ingay kasi bago kumatok si jac.

Biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang magandang babae na nasa 20's or 30's? Ewan. Baby face e

"Yes, Jacqueline? And who is she?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at napatango-tango "She's pretty. Is she your friend?"

Tumango si Jac "Siya po si Vienna Raine Santillan. Bagong student sa Nightingale. Bagong member sa section mo"

Nanlaki ang mata ng teacher sabay napatitig sa akin. Halatang nagulat siya sa narinig niya

"A-ako po si Vienna Santillan. Sorry kung nahuli ako sa klase" nauutal na sabi ko

Napalipat-lipat ito ng tingin namin ni Jac. At huminto naman sa akin

"Hindi ka nagback out? O nagpalipat ng section?" tanong ng teacher

Kahit naguguluhan pa rin ako, umiling na lang ako bilang sagot

"Oh my..."

"Nagulat rin ako noong una, ate rei. Pero mukhang walang alam itong si Vienna tungkol sa klase mo"

"Hindi niya kilala ang section five? Well, that's new..."

"Right. Mamaya na ang kwentuhan ate rei. Mukhang interesadong malaman ng mga unggoy kung sino ang kausap mo"
Napatingin ako sa lalaking sumilip sa may likuran ni Teacher Maganda. Nagkatinginan kami saglit bago ito umalis. Bumalik na siguro sa upuan niya. Tiningnan din ni Teacher Maganda ang mga tao sa loob ng classroom

"MANAHIMIK KAYO! AT KAYONG MGA CHISMOSO, BUMALIK NGA KAYO SA MGA UPUAN NINYO!"

Napahawak ako ng aking dibdib. Nagulat ako sa lakas ng boses ni Teacher Maganda.

"Hayaan mo na. Ganyan talaga iyang si ate rei" bulong ni jac

"Kapatid mo?"

"Nope. Dorm Mother natin iyang si ate rei. Her real name is Carrie Wilson. Siya din ang adviser ng section five" paliwanag niya

"Sorry for that. Ms. Santillan, sana matitiis mo sila. Alam kong wala silang mga kwenta sa sama ng mga ugali nila pero may good side naman sila e. Wag kang umalis ng school ha? Nandito naman kami ni jac para sa iyo. Let's get in and introduce you to your classmates" sabi niya.

Binalingan ko ng tingin si Jac. Nagthumbs-up siya sa akin at tumango. Hinila na ako ni Teacher Carrie sa loob ng classroom

Naglakad kami at huminto sa harap ng klase. Nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko ngayon. Iyon din ang ginawa ng mga kaklase ko.

"Class, this is your new classmate. Please be good to her or I'll kill you." nakangiting sabi ni teacher carrie "Go on. Introduce yourself, Ms. Santillan"

Napalunok ako. Tumalikod muna ako at nagsign of cross bago humarap sa klase.

Sa mga kaklase kong mga lalaki. Walang kahit isang babae sa harap ko ngayon

"Ako nga pala si Vienna Raine Santillan. Sana magkasundo tayong lahat." pakilala ko

"What? What did she say on her second sentence?" dinig kong bulong ng isang lalaki sa gilid

"I hope we get along, she said" sagot ng katabi niya

Hindi ba sila makaintindi ng tagalog?! Nasa Pilipinas kami a! Grabe lang...

"Umupo ka na doon sa bakanteng upuan, Vienna. Kung inaaway ka, sabihin mo sa akin dahil ako ang gaganti para sa iyo" bulong ni teacher carrie

"Salamat, teacher carr--"

"Call me ate rei. Go, umupo ka na. Hoy, Theroux. Magpakabait ka sa bagong seatmate mo ha? Kung ayaw mong bugbugin kita!" banta ni teacher--mam rei sa lalaking nakapoker face habang nakatingin sa amin

"Yeah, right. Sisiguraduhin mo lang na hindi ako mapipikon sa babaeng iyan. Dahil sa oras na maiinis ako sa kanya, wala na siyang pagtataguan pa. At sisiguraduhin kong mapapaalis ko iyan sa academy na ito"

HUH?!

Hindi ko namalayan na bumuka pala ang bibig ko. Nahagip ko tuloy ang atensyon ng mga lalaki/ kaklase ko

"Subukan mo lang. Hindi ako aalis dito sa ayaw at sa gusto mo!!"

+++++++

Section Five's PrincessWhere stories live. Discover now