"Fine, gutom naman na din kasi ako"

Yes finally nasa labas na kami ng resto, bababa na sana ako ng bigla akong sabuyan ni Tita ng isang hoodie jacket at cap. Para san 'to? manly disguise ang peg ko ngayon? nice but hindi ko susuutin yan!

"AYOKONG.SUOTIN.YAN" -pagmamatigas kong tugon kay Tita. Ayokong magtago sa likod ng hoodie at ng cap na 'yan, sayang ang ganda ko kung di ko ibabalandra sa kanilang lahat!

hinampas niya ako sa braso "Para ano? pagkaguluhan ka? pag-usapan ka? Issue na naman yan."

kinamot ko ang batok ko "Issue? again? eh sa kakain lang naman, Issues agad? Ah basta, ayokong suotin yan Titaaaaa!"

"Kung ayaw mong suotin yan edi uuwi nalang tayo. Goodbye Spridex Resto, Goodbye Lasagna,Goodbye Strawberry Juice!" -homaygawd, di ko keri yung buhbye-buhbye ee!

I took a deep deep breathe, sobrang lalim pa sa mariana's trench yung hininga ko na yun. Then "FINE! FINE! I'LL WEAR THIS STUDIP HOODIE & CAP!"

sinuot ko na yun at lumabas na ng Van. Ang mga kasama ko ngayon si Rhea ang make-up artist ko, Dina my hairstylist, Tita Beauty my pretty tita & my manager. Beki silang tatlo, atsaka friends din ni Tita si Rhea & Dina ee. Ang sagwa nga nung real name ng dalawang yan
Rhedardo Lupit Jr. then Dinoracio Caraig Jr. Like what the hell? JR. silang dalawa tapos bakla ang gending nila? jusko paanooo?!

Pumasok na kami sa entrance ng bigla kaming sinalubong ng waiter.

"Table for 4 Mam?" -tanong ng waiter. Obviously right?! San nagpunta utak neto? naglakad ata mag-isa iniwan ang bungo niya!

ngumiti naman kaming tatlo kay Tita, kasi Highblood na siya ee "Bakit? ilan ba kami ang nakikita mo? may nakikita ka ba na di namin nakikita?"

umiling ang waiter "Wala naman po mam, tapos apat lang po kayo"

tumawa ulit kami, Ay tangang tunay!

"Obviously! Edi table for 4, alangang gawin mong labing apat na alam mo naman na apat lang kami!" -pamimilosopo ni Tita, kami naman ay tawa ng tawa lang.

napakamot naman ng batok si manong waiter "This way Sir"

napahinto naman sa paglalakad si Tita nun "ANO?! SA PUTOK KONG BLUSH-ON, EYE-LINER, FALSE EYE LASHES, MASSCARA, EYE SHADOW & LIPSTICK KO SIR PA DIN TAWAG MO SA AKIN?! WALANGYANG KUPAL NA 'TO AH?!"

lumapit ako kay Tita "Tita putok na naman ang botse mo eh, let's eat I'm hungry!"

tinignan ko naman ang waiter "Kuya, where's our table?"

"This way mam" -tapos tinuro na saamin ang table namin, hinigit ko naman si Tita papunta dun.

pagka-upo ko, nagsalita na agad ako ng order ko "Lasagna XL then Large strawberry juice"

"Sa aming tatlo, Carbonara Special then regular Ice tea. Hmmmp!" -tugon ni Tita sa waiter.

Pagkaalis ng waiter agad kong itinuon kay Tita ang pansin ko.

"What was that? trying to make a scene inside the Resto?! Tita naman!" -suway ko sakanya.

Paano nalang kong may nakakilala sakanya? syempre sakin epekto nun. Kasi kung maari kailangan kong umiwas sa pwedeng ma-issue sakin dahil sobrang sikat na ako, ayokong ma dumihan pa pangalan ko. Pinaghirapan ko ng sobra 'to tapos masisira lang? di pwede yun!

"Sorry na baby, kasi naman eh! Bwiset ako dun sa hinayupak na waiter na 'yun eh! Gawin ba naman akong SIR?!" -Ayan na naman siya, nagiging tigre kasi siya pag Sir tawag sakanya. Eh sa babae daw siya!

napakamot nalang ako sa ulo ko, ito namang dalawa tawa lang ng tawa.

I stood up "Hay naku Tita ah, calm down lang. Excuse me muna, Cr lang ako"

bago ako makalayo nagsalita muna si Tita "Pssst, don't you dare to remove your disguise."

I nodded at dumiretso na sa C.R.
Ng nakapasok na ako tinanggal ko ang hood ng hoodie ko, eh sa sobrang init eh. Tumingin lang ako sa salamin ng biglang may pumasok na mga teenager, lumaki ang mga mata nila atsaka nagsisisigaw.

"OHMYGOSH! IS IT REAL?!"

"XHIAAAAA!"

"FAN MO KO XHIA!"

"PAPICTURE!"

"I LOVE YOU XHIAAAA!"

MYGOD! WHAT TO DO?! WHAT TO DO?! Tumakbo ako papasok ng 3rd cubicle at nagkulong, mygod blank space utak ko ngayon! Di ko alam gagawin ko ngayon ee, gosh!

Aha! Maghahanap ako ng malalabasan ko dito, at ayon sa itaas! Bintana, HAHAHAHAHA Ang talino ko lang talaga eh!

-------------------------∞
How's my first chapter? kamusta 'tong update ko na 'to? Lame ba? 20 reads to make me update the 2nd chapter.

NOTE: Di naman po ako demanding, gusto ko lang po kasing makita na may gustong magbasa ng story ko na 'to. Tulad sa Buhay Fangirl (KathNiel) ko na story, nagaganahan po kasi akong mag-update pag nanakita ko na 20 reads na ang nagbabasa. Ewan ko ba, feeling ko kasi ang dami dami na pag 20 ang nagbabasa ee! HAHA. pWede ba 'yun? sige thank you!

SUPERSTAR★ (MAJOR REVISION)Where stories live. Discover now