CHAPTER 2

157 14 5
                                    

Dedicated to: WeirdOhthor

“Colton!” Dinig kong sigaw ni Mom pagpasok ko ng bahay.

“What?” Sagot ko sa kanya.

“Ano na naman itong narinig ko ha, until when are you planning to involve yourself sa baliw na Demitria’ng ‘yun?” I knew it, nakarating na naman sa kanya ang ginawa ng girlfriend ko.

Wala talagang sikretong hindi nalalaman si Mom, for sure piniga niya na naman ang mga tauhan ni Dad.

“As long as she needs me Mom.” Sagot ko at pumunta sa kusina but sinundan niya pa rin ako.

“Are you insane? Colton hindi sa lahat ng oras ay kaya niyong pagtakpan ang kabaliwan ng babaeng ‘yan! That girl is fvcking crazy! That girl is a killer! That girl is–”

“Shut up!” Sigaw ko na nagpatigil sa pagsasalita ng Mommy ko. “Ilang beses ko ba dapat ulit-ulitin sa inyo! Don’t you ever say that fvcking words against my girlfriend, hindi niyo alam ang pinagdadaanan niya. Yes you are a good educator, but you can‘t educate yourself.” Sagot ko sa kanya at lumabas na ng kusina.

Kakain pa sana ako kaso nawalan na ako ng gana.

“I heard your argument with your Mom,” rinig kong sambit ni Dad na nasa sofa pala.

“As always.” Sagot ko at umupo sa tabi niya.

“Just understand your Mom, Son. She just wants to protect you,” saad ni Dad.

“I know how to protect myself Dad,” sagot ko.

“Even against Demitria?” Sa sinabing iyon ni Dad ay sandali akong natigilan.

“Y-Yes Dad, even against her.” Sagot ko at nag iwas ng tingin.

“I hope so, Son. Dahil hindi kakayanin ng Mom mo kapag may nangyaring masama sa unico hijo niya.” Ani Dad at tinapik ang balikat ko bago ako iwan sa sala.

Kaya ko nga bang protektahan ang sarili ko against Demi? Or kaya ba akong saktan ng babaeng mahal ko?

Iwinaksi ko sa aking isip ang mga tanong na ‘yun because I know my girl won't hurt me.

Pumasok na lang ako ng kwarto ko at tinawagan si Demi.

“How are you langga?” Agad na tanong ko pagka sagot niya.

[“Bored,”] tanging sagot nito.

Natawa naman ako. I know what to do when she says this word.

“Pupunta ako diyan, let’s make nachos.”

[“Really?”] base sa narinig kong tili niya ay alam kong nabuhayan na naman siya.

“Yes, so if I were you mag aayos na ako. Susunduin kita and mamimili tayo ng ingredients.” Saad ko narinig ko naman ang pagsigaw niya kay Deather.

[“Kuya! Colton will fetch me, bibili daw kami ng gagawing nachos!”]

“I’ll hang up na langga ha, wait for me there na lang.” Saad ko, I heard her say yes and I love you. Siya na rin mismo ang pumatay ng tawag.

After fixing myself ay lumabas na ako ng kwarto ko.

“Where are you going na naman Colton?” Salubong na tanong sa akin ni Mom.

“Just somewhere basta malayo diyan sa maingay mong bunganga Mom.” Humalik ako sa pisngi niya. “I love you, Mom!” Sigaw ko at tumawa ng mahina.

“Colton Alovero!” Sigaw ni Mom pero nag flying kiss lang ako.

MY GIRL IS A PSYCHO [COMPLETED]Where stories live. Discover now