Chapter 10

14 20 11
                                    

A E L I  A

"AELIA?"

My heart skipped a beat after hearing his voice, my father's voice.

Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya rito?

"Dad," I answered with a hint of being nervous and confused. Yumuko naman sila Gael bilang tanda ng pagrespeto. Lalo akong kinabahan the moment dad squinted his eyes.

"Why are you here?" He asked.

Ako nga dapat nagtatanong sa kaniya niyan, it's kinda odd seeing my father here in Jollibee knowing that most of his business meetings happen in five-star restaurants.

"Are you with these boys? Boyfriend mo ba ang isa sa kanila?" Dugtong niya muli sa tanong niya kanina. Huminga muna ako nang malalim bago harapin si dad, kailangan kong kontrolin ang sarili ko't baka hindi na ako makapagtimping hindi uminit ang ulo.

Napapahiya na rin ako kila Gael, nakakainis!

"Yes, I'm with them and no, dad. They're just my schoolmates," I calmly answered. Napatango naman siya rito. Napansin kong nagkatinginan sina Gael at Kenzo, ano kaya ang nasa isip nila?

"What are you discussing? Puwede ko bang malaman?"

Thud.

Para akong naubusan ng dugo matapos marinig ang tanong niya. Pakiramdam ko, namutla ako. Sa oras na malaman ni dad ang tungkol sa offer, sigurado ako kung ano ang magiging reaksyon niya rito— at ayoko iyon.

Walang ni-isa sa amin nina Kenzo at Gael ang nagtangkang sumagot sa tatay ko. Napansin din siguro ng dalawa ang mabigat na atmosphere kaya sa halip na sumabat sa amin ay nanahimik din sila. Naramdaman kong hinawakan pa ni Kenzo ang kamay ko pero agad kong binawi iyon, baka makita ni dad.

"Aelia? Why aren't you answering me?" He asked again. I composed myself before plastering a smile at him.

"Can we talk about it, dad at home? Please?" I almost pleaded. I bit my lip after he raised his eyebrow at me, looking suspicious with my actions.

"May tinatago ka ba sa akin, Aelia?"

Hindi ba marunong makiramdam tatay ko? I'm feeling uncomfortable na kaya sa presence niya.

Sabagay, kailan ba iyan siya natutong makiramdam?

"Wala po, pero kasi dad, I'm in a middle of a conversation here with my friends. I'll tell you, together with mom, later pagkauwi ko po," I said, hoping na hindi niya mamasamain iyon.

"Okay," he answered at umalis na.

I glanced at Kenzo at Gael na mukhang nakahinga sa kinauupuan nila— pero ako, lalo akong kinabahan sa naging tugon ni dad.

His 'okay' means something. I can sense it.

Hinanap ko kung saan na napunta si dad, pero para siyang bulang naglaho na lang bigla. Ano kaya ang sadya niya rito ngayon sa Jollibee?

"Nakakatakot naman papa mo."

My thoughts got disrupted when Gael suddenly broke the silence. Mahina namang natawa si Kenzo't sinang-ayunan si Gael.

"Anong ginagawa niya rito, Aelia?" Kenzo asked, I just shrugged my shoulders as a response.

Ang kaba ko na naramdaman kanina, nandito pa rin. Parang bumalik ang lahat ng nangyari noong Senior High School pa lang ako; ang pangyayaring ayaw ko nang balikan at alalahanin pa.

"Aelia, hey? Are you okay?"

Huminga ako nang malalim matapos marinig si Kenzo na magsalita. Napatingin ako sa kamay kong bahagyang nanginginig kaya agad kong itinago iyon sa kanila. I don't want them to see me like this.

I don't want them to see my weakness.

"Gael, about your offer, hindi ko talaga kayang tanggapin. I'm sorry," I said without thinking about it thoroughly.

Bahala na, kung ganito lang din naman ang magiging epekto nito sa akin, siguro mas mabuting huwag na lang.

Kaso... Paano kung mapunta itong opportunity na ito kay Charlotte? Naguguluhan na ako!

Ang hirap namang magdesisyon, pero nasabi ko na. Babawiin ko pa ba?

Agad akong tumayo't nagpaalam na sa kanila bago pa ako mabalikan ni dad doon sa puwesto namin. Kung sasabihin ko man sa mga magulang ko ang tungkol dito, gusto ko, kami-kami lang ang magkakaharap. Ayokong may ibang makakakita ng daloy ng pag-uusap namin.

Especially, when my father is involved.

~*~

NANDITO ako ngayon sa kuwarto ko, nagkukulong. Kararating ko pa lang galing sa Jollibee at mukhang wala rito sa bahay ang mga magulang ko.

Probably, dad is still at that fast-food chain, while mom... I don't know, and I'm not interested to know. Palagi naman din silang wala sa bahay, bakit pa ako mag-aabalang hanapin sila?

Nang makapagpahinga ay napagdesisyunan kong magbihis na't mag-aral para sa subjects namin bukas. Baka magkaroon ng surprise test, ayokong bumagsak at magkaroon ng singko na grado. Mahilig pa naman mga professors namin sa surprise quizzes, kahit hindi pa naaaral. Parang nasa High School pa rin ako dahil sa mga ganiyan.

Bubuksan ko pa lang sana laptop ko para mag-review nang biglang may kumatok sa pinto ko.

It was one of our maids.

"Miss, tawag ka po ni sir sa office niya. A.S.A.P. daw po," she said making me heave a sigh before deciding to go downstairs.

Sana pala ni-lock ko ang kuwarto para isipin nilang tulog na ako. Ano ba naman iyan.

I'm constantly shaking my hands to ease the nervousness while walking towards his office. Sigurado akong tungkol ito sa nakita niya kanina.

I knocked three times nang makarating ako sa harap ng opisina niya. Kumatok ako muli nang hindi pa siya sumagot.

Close ako sa tatay ko pero magmula nang mangyari ang araw na iyon, nagkaroon na ng lamat sa relasyon namin, kaya ganito na lang din ang reaksyon ko sa kaniya sa mga bagay-bagay.

Am I overreacting ba?

Minutes passed and dad is still not answering. Baka umalis siya bago ako makababa papunta sa kaniya. Balik na lang kaya ako sa kuwarto ko?

"Dad?" I asked as I knocked one more time, and still, no one answered. Baka wala siya rito't lumabas. Mabuti naman kung ganoon.

Sana nga umalis na lang muna siya para mapakalma ko muna ang sarili ko. Ayoko pang ipaalam sa kaniya ang tungkol kina Gael, baka rin nakausap na niya sina Gael kanina nang hindi ko alam, kapag magsinungaling ako, mahuhuli pa rin ako kapag nagkataon. Hindi pa ako handang magkwento, natatakot pa ako. Huwag muna ngayon.

I was about to go back to my room when suddenly, the door swung open. My eyes widened as the swift wind from the door's impact brushed my skin.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ang dating kaba ay napalitan ng hindi ko maunawaang pakiramdam.

Of all people, bakit siya nandito?

"Oh! Hi, Aelia!"


***
:)

Quill (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon