Chapter Four

1 0 0
                                    

Chapter 004: Hatred


Dahil unang game sina Kean, nang matapos sila ay agad din na may sumunod na maglalaro rito.


Ang pawisang si Kean na may towel na nakasabit sa leeg ay tumakbo papalapit sa 'kin pagkatapos ng game. Ngunit, ang mga mata ko ay parang may hinahanap na iba.


"Oh, bakit naman ang lungkot mo?" magkasalubong na kilay na tanong sa 'kin ni Kean nang makalapit siya.


Nabaling ang paningin ko sakaniya, basang basa sa pawis, his hair is also damping wet.


Napapunas siya ng towel sa buhok niya at umupo sa tabi ko sabay inom ng tubig sa hydro-flask niya.


"Pagod ka na siguro, ang tagal din natapos nung laro eh. Gusto mo na ba umuwi?" he asked me.


"Bakit uuwi ka na ba?" I asked.


Nag-kibit balikat siya, "Of course? Kung gusto mo na umuwi edi ihahatid kita, alangan namang hayaan kita umuwi mag-isa?" sarkatisko niyang sabi.


Natawa ako bigla sa sinabi niya, "Wow! Ang caring mo naman, Kean!" mapang-asar ko sabi.


Napatayo siya bigla, "Ang gawin mo ay mag-ayos ka na lang diyan dahil pagkabihis ko aalis na tayo. Ayoko lang mapagalitan ako ni Mom, okay?" sabi niya bago ako masungit na nilayasan.


Sinimangutan ko siya sabay irap. Kukunin ko na sana ang bag ko ngunit naagaw ng tingin ko ang itim na hydro flask.


Nilingon ko uli ang pinanggalingan ni Kean kung nasaan sila ng kaniyang mga ka-teammate. At doon ko natagpuan si Zade na tahimik na naglalakad dala ang kaniyang varsity bag palabas ng Arena.


Shit! Paano ko 'to ibabalik sakaniya!


Nawala ba sa isip niya na nasaakin pa din ang tubigan niya? Paano kung hanapin niya 'to? Mauhaw siya? Uminom na ba siya ng tubig?


"Daisy tara na, aalis ka na din ba?" lumapit sa 'kin bigla sina Nica.


Wala sa sarili akong tumango at sumama sakanila. Sana na lang ay matagpuan ko siya.


Hinintay ko si Kean sa bleachers sa Quadrangle, mag-isa lang ako doon dahil sinabi ko kina Nica na umuna na sila dahil hihintayin ko na lang si Kean dito.


Maya maya ay lumabas na si Kean galing sa CR ng boys kasama ang kaniyang mga ka-teammates, madami sila ngunit hindi natagpuan ng mga mata ko ang hinahanap ko.


Kean is wearing a khaki sweatshirt and brown shorts. He looks fresh, panigurado ay nag-shower saglit sa CR.


"N-nasaan si Zade?" wala sa sarili kong tanong.


The evil smirk on his lips immediately faded at napalitan ito ng simangot. Agad nag-seryoso ang kaniyang ekspresyon nang tignan niya ako.


"Si Zade? Why the fuck are you looking for him?" pinag-taasan niya ako ng kilay.


My eyes widened when I realized what I just said, umiling iling ako at tumawa, "Ay wala 'yon! Parang nakita ko kasi na hindi niyo siya kasama ngayon..."


Gosh! Anong klaseng palusot 'yan, Daisy! Malalagot ka talaga diyan sa dragon na 'yan!


Tumagilid ang kaniyang ulo, "Oh really? When did you have that kind of interest in him? Ni hindi mo nga siya kilala?"


The Balloon That Held My HeartМесто, где живут истории. Откройте их для себя