Sa Panaginip

23 10 0
                                    

"Unrequited love does not die; it's only beaten down to a secret place where it hides, curled and wounded. For some unfortunates, it turns bitter and mean, and those who come after pay the price for the hurt done by the one who came before.” - Anonymous



Padabog na isinara ni Ken ang pintuan ng apartment nila. Nag-karoon na naman sila ng pagtatalo ng naka-tatandang kapatid.
Ang aga-aga eh sinumlan na naman siya nitong bunga-ngaan.
Nang dahil lang sa naka-lumutan niyang inumin ang kaniyang maintenance na gamot.
Dahil sa inis ay napag-initan niya ang trash can na nasa tabi hallway.
" Bwisit! " Inis na pinag-sisipa niya ang pobreng trash can.
" Hoy! Tarandong bata to aba! "
Sigaw ng gwardya na nag-babantay sa apartment building ng makita ang ginawa niya.
Itinaas niya ng gitang daliri sabay mabilis na tumakbo pa punta sa fire exit.
Pagkatapos ay hinarangan niya ng malaking bakal ang pintuan para hindi siya maabutan nito.
Rinig na rinig pa niya ang malutong nitong mura.
Ngumisi siya at kaswal na nag-lakad na parang walang  nangyari ng makababa sa kalsada.
Wala siyang pakealam kung baka bukas ay mapa-talsik na sila ng ate niya sa apartment na iyun.
" Bala kang umaayos ng gulo ko. "
Hindi siya pwedeng makulong dahil 17 years old lang siya.
Sambit niya ng biglang may bumangga sa likod niya muntikan na siyang matumba sa sobrang lakas.
" P*ta! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaan mo! "
Malakas niyang sigaw na halos napa-tingin na sa kaniya ang mga dumadaang tao
" Sorry, nag-mamadali na kasi ako. "
Naipit sa dila niya ang dapat sasabihin, mabilis na sinundan ng kaniyang tingin ang babaeng naka-suot ng gray na dress at may kahabaang itim na buhok at sa likod nito ay nakasabit ang violin case. Hindi niya nakita ang mukha nito dahil mabilis kaagad itong nakalayo at nawala na kaniya paningin.
Biglang sumikdo ang kaniyang puso, kasabay ng pag-bilis ng tibok nito.
Napahawak siya sa dibdib ng biglang mag-sikip iyon.
Napaluhod siya sa kalsada, kinakapos na siya ng hininga taas baba ang kaniyang dibdib nanlalabo na din kaniya paningin.
" Tang'ina.... T-tu-long...." Mahinang sambit niya pagkatapos ay bumulagta sa kalsada.
Kasabay ng pag-kakagulo ng mga tao sa gawi niya ay ganoon din sa kabilang bahagi ng kalsada....

Masakit ang mata na idinilat ni Ken ang mga mata, iniharang niya ang kaniyang kanang kamay upang ipang-salag sa matinding sikat ng araw.
Kumurap-kurap siya at nag-tatakang bumangon,
" Paanong?.." bigkas niya ng mapagtantong nakahiga siya sa isang bench ng kanilang unibersidad habang tanaw ang malawak na football field.
" Sobrang init dika naiinitan ? "
Napalingon sa kaniya likod si Ken at napatingin sa babaeng naka-upo sa lilim ng mga puno.
" Ano? " Tanong niya
" Ang sabi ko di kaba naiinitan? Dyan mo pa talaga naisipang matulog sa initan."
Tinapik nito ang sanga ng kahoy na inuupuan nito.
" You can sit here, kung tapos ka ng mag-sun bathing."
Iritableng umalis siya sa bench at dumabi sa babaeng kanina pa mukhang amuse na amuse sa kaniya.
Pinusan niya ang pawis na tumulo sa pisngi.
" Ito oh, " Inabot nito sa kaniya ang panyo nito na kulay pink. Tinaasan niya ito ng kilay bago kinuha ang panyo at ipinahid sa noo at leeg.
Nag-dalawang isip siya kung ibabalik pa ang panyo.
Kadiri ka boy puro pawis mo na Yan.
Bulong niya sa isip. Tumikhim siya at dahan-dahang nilingon ang generous na babae.
Busy ito sa pag-susulat sa notebook nito. Palihim niyang pinag-masdang ang babaeng katabi. Nakasuot ito ng uniporme na kaparehas niya, parehas din ang lace ng id nito, ibig-sabihin kaparehas niya itong freshman. Nakalugay ang hangang balikat na buhok nito at may bangs din ito na bumagay sa maliit nitong mukha.
Mabilis niyang inalis ang tingin dito ng bumaling ito sa kaniya.
" Anong pangalan mo? " Tanong nito.
Lumunok siya dahil parang nabibilaukan siya ng sariling laway.
" K-Ken...ikaw? " Balik tanong niya dito.
Inilapag nito ang hawak na notebook at inilahad ang kamay.
" Ken Ikaw nice to meet you, I'm Elisa."
Ngiting sagot nito, napakamot siya ng ulo.
" Hindi ikaw ang apelyedo ko Valdez, at tinatanong ko kung anong pangalan mo. "
Inis na sagot niya. Tumawa ito ng malakas.
" Sarcastic kasi yung sagot ko, sineryoso mo naman. "
" Ang lakas din naman tama mo, "
Nilingon niya ang babaeng nag-ngangalang Elisa dahil tawa pa din ito ng tawa.
" Lalaban ko nalang tong Panyo mo. "
" Kahit hindi niya sayo nalang yan. "
Sagot nito tsaka biglang tumayo.
" See you next time. " Pagkatapos ay umalis na ito.
Sinundan lang niya Ito ng tingin.

Hazelle-San24 Short Story Compilation Where stories live. Discover now