•Chapter 13: Sick•

ابدأ من البداية
                                    

"Miss Klea, tara na" i said at inalalayan siyang tumayo. Dahan dahan lang ginagawa naming paglakad dahil ayo'kong mapano siya.

Pagkalabas namin ng elevator ay dumiretso na kami sa parking lot. Buti na lang nasa klase lahat ng students kaya wala akong nakakasalubong sa school grounds. I opened the passenger seat at dahan dahang inupo si Ma'am doon. Pumasok na ako sa driver seat at nagmaneho na paalis ng school.

Dumaan muna ako sa bilihan ng gamot. Knowing this woman, hindi ito mags'stock ng gamot sa bahay niya. She doesn't like medicine dahil parang nandidiri siya rito.

After a few miles of driving, nandito kami ngayon sa condo niya. Pinark ko ang kotse niya at dali daling lumabas ng kotse. I opened the passenger seat and i tried to wake her up.

"Miss Klea, nandito na tayo" gising ko sa kaniya. She opened her eyes at dahan dahan nang tumayo. Inalalayan ko siyang lumabas ng kotse. Pumunta na kami sa elevator and i pressed the floor kung nasaan ang room niya. She's sleepy at nasa akin lahat ng bigat niya pero kaya ko naman.

Nandito na kami ngayon sa tapat ng pinto niya. Pumasok na kami and I carried her in a bridal style at pinasok ko siya sa kwarto niya. After ko siyang maiayos sa higaan at lumabas ako para kumuha ng tubig and kuhanin 'yung gamot na binili ko. Bumalik ako sa loob at umupo sa tabi niya.

"Miss, drink some medicine" i said. Kaya napamulat ito.

"You're making me drink that as if you don't know me" inis na sabi niya at pumikit ulit.

"I know you being so makulit at ayaw sa gamot. But you have to" i said to her. Pero hindi niya ako pinansin.

"Klea Luna." I said in cold tone kaya napamulat ito. Inirapan ako nito at dahan dahang umupo. Kinuha niya sa akin ang gamot at ininom kasabay ang tubig. She's having a hard time to swallow the medicine pero nalunok niya rin naman ito after having multiple tries.

"Happy now?" She said at inirapan ulit ako. Humiga na ito at nagkumot na.

"I'll be downstairs if you need me. Pahinga kana muna" akmang tatayo na ako nang pigilan ako nito.

"Stay here, please. Hanggang sa makatulog lang ako" she said. I smiled na parang tangang kinikilig.

"Stop smiling, you look stupid" she said kaya nawala ang ngiti ko. May mata ba 'to sa likod? Wala namang cctv.

Inilapag ko na ang baso sa side table at humiga na sa tabi niya. After a few minutes, humarap ito sa akin at niyakap ako. I place my arms sa ilalim ng ulo niya at niyakap ko ito. I smiled again. We stayed like this for a few moments at nakaramdam na rin ako ng antok.

I'm home

--

Nagising ako ng sunset na.

Dahan dahan ako tumayo at lumabas ng kwarto niya. I need to cook something for dinner. I'm sure hindi pa 'yun kumakain ng lunch, and it's almost dinner time.

I looked at her fridge, puro pang fried ang nandito. Tamad talaga ang babaeng 'to, oo. Kinuha ko ang wallet ko at susi niya. Nagdrive ako papuntang supermarket to buy some ingredients para sa soup na lulutuin ko. I was roaming around when my phone rang.

Z's calling..

Sinagot ko ito.

"Hello, Z?" Tanong ko.

"Sky, How's Miss Klea?" she asked.

"How did y-.. Magkakasama na naman kayo, 'no?" I asked them kaya tumawa na lang sila.

Us, This Timeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن