NEON

8 0 0
                                    

Nasa Quadrangle kami ngayon upang mag-ensayo para sa gaganaping graduation ceremony.

Sa daming nangyari hindi ko na namalayan na tumatakbo pa pala ang oras at ngayon magtatapos na kami.

Sa susunod na pahina ng libro ay may panibago na namang kuwento.Panibagong tauhan, karanasan, at suliranin gayunpaman ang tangi pa ring hiling ay may maganda itong katapusan.

Maghihiwa-hiwalay na rin kami ng aking mga kaibigan.Ang iba ay sa iba na mag-aaral, ang iba naman ay hihinto na muna, at ang iba naman ay magtratrabaho na.

Nakakalungkot lang isipin na minsan sa buhay natin ay may mga tao talaga tayong makakasalamuha para patawanin, pasayahin tayo at gumawa ng maraming alaala pero ayun lang ang gampanin nila at sa huli ay lilisan rin.

May iba naman na mananatili pa rin para gumawa ulit ng panibagong alaala kaya naman sa bawat kaibigan na mayroon ako, hinihiling ko na sana'y manatili pa sila ng mas matagal at gumawa pa ng maraming alaala kasama ako.

Si Shyna, Mish, James, Nathan at Marcus... sana kahit magkakaiba na kami nang tatahakin sa buhay makita ko pa rin sila sa lugar na aking daraanan.At kung hindi man iyon mangyari masaya pa rin ako na nakilala ko sila pati na rin ang aking mga kaklase.

Masaya ako na maraming alaala ang nagawa namin simula ng nag-umpisa ang pasukan. Lahat ng mga alaala na iyon ay dadalhin ko sa magiging bago ko pang journey at mga magiging pagbabago sa buhay ko.

Mutual FeelingsWhere stories live. Discover now