BERYLLIUM

15 0 0
                                    


"Bilisan niyo naman magsilakad, pag kayo nasunog diyan, makakasama niyo na talaga si satanas." Babala ni Ma'am matapos makita kung gaano kabagal magsilakad ang lahat.

"Fire drill toh! Tila kayo naglalakad sa buwan eh noh." Sigaw niyang muli.

Nang makababa kami sa school ground ay agad kaming naupo ng pabilog. Nasa loob ng bilog ang mga babae samantalang nasa labas naman ang mga lalaki.

Nilabas ko ang aking pamaypay at maya-maya ay narinig ko na ang mga atungal nila sabay agaw sa dala kong pamaypay.

"Sun bathing, low budget." Ani ng isa kong kaklase habang nagpapaypay gamit ang pamaypay ko.Paano ba naman kasi ay tirik na tirik ang araw ng mapagplanuhan nilang magsagawa kami ng ganito.

Agad na hinanap ng paningin ko si Marcus upang malaman kung nasaan siya.Luminga-linga pa ako sa paligid upang makita siya ngunit sa pagkadismaya ay hindi ko siya makita kaya naupo akong muli.

Sa pangalawang pagkakataon ay muli kong inangat ang aking ulo kahit nakatutok sa akin ang sikat ng araw, bahagya pa akong napapikit dahil sa pagkasilaw. Nang dahan-dahan kong ibuka ang aking mga mata ay tumambad sa akin ang nakatitig na si Marcus.

Nagulat ako kaya't nanlaki ang mga mata ko saka ako umiwas ng tingin. "Hala. Nakita niya kaya na hinahanap ko siya?" Tanong ko sa aking sarili.

Nang muli kong lingunin kung saan siya nakapuwesto ay muli na naman kaming nagkatinginan ngunit ang pinagkaiba, ngayon ay nakangiti siya habang nakatingin sa'kin.Agad na nag-init ang aking pisngi. Marahil sa init ng araw o sa init ng kanyang mga titig?

Mutual FeelingsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora