OXYGEN

8 0 0
                                    

"Ano yang sinusulat mo beh?" Tanong ni Mish.

Inangat ko ang tingin sa kanya at sinamaan siya ng tingin. "Nagdradrawing ako." Pagtatama ko sa kanya.

Tumawa siya. "Ay, drawing pala yan kala ko nagsusulat ka ng cursive eh." Pang-aasar niya.Hahampasin ko na sana siya ng hawak kong notebook nang biglang humangin at nalaglag ang mga colored pencil ko.

Habang pinupulot ko ang mga iyon ay may biglang gumulong na bola papunta sa harapan ko.Pinagmasdan ko iyon hanggang sa iyon ay huminto sa harap ko. Nang iangat ko ang aking paningin ay nakita ko ang tumatakbong si Marcus.

Papunta siya sa direksyon ko, kitang kita ko ang magulo niyang buhok na nakikisayaw sa ritmo ng hangin habang siya'y tumatakbo pati ang pawis niya ay kumikintab dahil sa sikat ng araw. Nang huminto siya sa aking harapan ay nanigas ako. Hindi ko akalain na may ganito palang klase ng tao na kayang payanigin  ng gan'to kalakas ang mundo ko.Pakiramdam ko may isang malaking bulalakaw ang bumulusok sa buong pagkatao ko.

"Natamaan ka ba ng bola? Saan ang masakit? Ayos ka lang ba?Tatawag na ba ko ng Doctor?" Sunod-sunod niyang tanong. Doon lang ako natauhan nang magtanong siya na para bang nasagasaan ako ng 6 wheeler na truck.

Dahan-dahan akong tumayo para magpantay ang aming paningin. Ang assumera ko sa part na matatapatan ko iyon eh kasing liit ko lamang ang mga grade 7 rito sa school namin.

"Ah gumulong lang 'yung bola." Sabi ko. Para tumigil na siya. Masiyado niya na kasi akong pinapaasa.Concern ba siya?

"Sigurado ka?" Tanong niya sabay tingin sa mga ka-team niya."Oo, sandali!" Sigaw niya pa rito.

Lumingon siya pabalik sa'kin. Kinikilatis akong mabuti kaya naman ay tumango ako para siguraduhing ayos lang ako. Nang makumpirma niya iyon ay bumalik na siya sa kanyang mga kasama at naglaro.

"Pogi ni Marcus noh." Sabi ni Mish sabay siko sa akin. Tumango ako at ngumiti.

"Mas pogi ako." Sagot ni Nathan.

Inirapan siya ni Mish. "Ang dumi nga ng converse mo eh tas 'di ka pa nagsusuklay."

"Atleast pogi." At nagsimula na silang magbardagulan.

Pinagmasdan ko si Marcus habang naglalaro, nakangiti siya habang kasama niya ang mga kalaro niya.Napaisip tuloy ako, Kailan kaya magiging ako ang dahilan ng mga ngiti niyang iyon?

Kailan niya kaya mararamdaman ang mga nararamdaman ko, kailan niya kaya ako titignan na para isa ko sa mga taong kailangan niya, kailan niya kaya makikita na ako ang para sa kanya, at kailan niya kaya ako titignan gaya ng pagtingin ko sa kanya?

Mutual FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon