𝚂𝚙𝚎𝚌𝚒𝚊𝚕 𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝙸

1.8K 22 14
                                    

Delaney

I woke up excited and jumped off my bed and go straight to the bathroom. After bathing, I prepared my clothes. Halata bang super excited ako ngayon? Hindi naman ata ʼno?

Today is the day. Itʼs her birthday and I had so much plans that I wish would be successful. The whole SSC are invited and since I am her favourite student, syempre invited rin ako.

Syempre pare, ako na ʼto e.

I asked for help from my broʼs and sisʼ sa SSC na super mapagkakatiwalaan ko talaga since day 1. Muntikan na nga lang malagot nung isang araw, mga bunganga kasi e. Buti na lang magaling ang Kuya koʼt naisulot, dahil kung hindi ay magtatampo talaga ako ng isang taon.

Isinuot ko na ang helmet ko tsaka pinaharurot ang big bike ko. My mom and dad bought this when I turned eighteen. I'm already twenty-one now, and itʼs almost three years na sa akin itong big bike ko.

Kuya Zander texted me na dumiretso na kaagad sa SSC Office dahil in a minute, the University will surprise the Professor and will throw a party for her.

Agad akong isinalubong ni Ate Shai na kabang-kaba ang itsura. Alam mo ito, napaka-nerbyosang babae talaga. Kaka-kape niya iyan e, jusko!

"I already prepared everything, Zielle. The cake is already in her table, the letter, the flowers, and the teddy bears. Kumpleto na dun." Halata talaga sa boses niya na kinakabahan siya. Lugi ah, mas kinakabahan pa siya kesa sa akin.

"Thank you so much, Ate Shai. Andami ko na talagang utang sa iyo. Bawi ako next time kapag sinagot na ko ng babaeng pinakamamahal ko."

"Yuck, inlove era mo ang baduy!" And acted na parang nasusuka siya.

"Psh, iyan ba epekto ʼpag hindi ka crush ng crush mo? Nagiging bitter?" Natatawang saad ko that made her role her eyes.

"E sa manhid ang nagustuhan ko." Supladang sambit nito na nakapagpahagalpak ng tawa sa akin.

"Alam mo Ate Shai, hindi naman manhid iyang si Kuya Zander e. Talagang nakababatang kapatid lang talaga ang turing niya sa iyo." Atsaka humagalpak na naman ako ng tawa.

"Aba, bastos kang bata ka ah!" Saad nito sabay hampas sa magkabilang braso ko.

"Maka-bata ka ah, e isang taon lang naman ang agwat natin dzuh. Huwag mo naman kasing sabihin indirectly na tandang sora ka na talaga." Pagkasabi ko nun ay agad akong lumayo sa kanya kasi sure akong tatamaan talaga ako. Sadista masyado yun e!

"Paalam aking irog-" Dadagdag pa sana ako ng kalokohan para pikunin si Ate Shai ngunit akoʼy agad ring napatigil ng may nagsalita sa aking likuran.

"Irog who?" Walang kabuhay-buhay na tanong nito. Nakaramdam naman ako ng kaba dahil sa walang buhay ring mga mata nitong tutok na tutok sa akin at naghihintay ng sagot.

"A-ah u-uhm, hehe... S-si ano p-po..." Potangina mo, Zielle. Umayos ka! Umayos ka, hayop ka! Baʼt nga ba kasi ako kinakabahan. Kalma, Zielle. Kalma!

"Uhm I was just t-teasing Ate Shai, Miss Medina."

"Oh, I see." Sagot nito na parang balewala lang ang nalaman. Akmang tatalikod na sana ito ng harapin niya akong muli. "Please follow me to my office."

Para naman akong asong agad na bumuntot sa kanya.

Nang sumakay kami ng elevator ay biglang naging awkward ang paligid. Wala ni isang nagtangkang magsalita sa amin.

Bumukas na ang pintuan ng elevator at lalabas na sana niya ng pigilan ko ito sa braso.

Agad naman akong napabitaw at tila nahiya sa ginawa.

"What is it, Miss Bautista?"

"Happy Birthday, Miss!" Nahihiyang sambit ko.

"Thank you." Walang lasang tugon nito.

"Iʼm sorry I havenʼt bought you anythi-"

"Oh, cʼmon, Delaney. We both know that all of the stuff in my desk is from you. Am I right?"

Agad naman akong yumuko dahil sa hiya and I felt my cheeks getting hotter at the same time.

Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam ang isasagot. Wala ni isang salita ang lumabas sa aking bibig. Kinakabahan ako sa buhay ko jusko, po!

"Come." Kinaladkad na ako nito palabas ng elevator at agad na dumiretso sa office niya.

Nang makapasok kami sa loob ng office niya ay agad akong napapikit at nilasap ang bango nito. Kung gaano siya ka bango ay ganoon rin kabango ang opisina niya.

Manang-mana sa may-ari.

"Sit down, Delaney." Umupo naman agad ako sa couch. "Help me eat this." Tukoy niya sa chocolate cake na binigay ko. Itʼs an expensive cake from an expensive café.

Itʼs her favorite.

Tumabi ito sa akin sabay abot ng platito sa akin.

"Don't wait for me to feed you, Miss Bautista." And there, I started eating my cake.

"Itʼs yum-yum, right?" Natutuwang tanong nito sa akin while wiggling her head kapag sumusubo. Of course, I know itʼs her favourite.

"It is." Nakangiting sagot ko dahil natutuwa akong makita siyang ganito kasaya habang kumakain ng cake. Sheʼs so cute. I wanna pinch her nose and cheeks, argh!

"Here. Eat more. Itʼs so yum-yum-or do you want me to feed you?" She said teasingly that made me blush kaya kumuha na agad ako ng isang slice ng cake. "You look like a tomato!" She said and laugh her ass out.

Namumula na din siya kakatawa sa mukha ko. Ito talaga, kung hindi ko lang ito Professor, iisipin ko talagang isip-bata ito e.

"No, I am not." Tawa ko dahil nakakatawa na din ang kamatis niyang mukha sa sobrang tawa.

"Yes, you are!"

"I am not."

"Yes!"

"No!"

Atsaka niya ako pinahiran ng icing sa mukha. Umalis ito sa pwesto niya at natatawang lumayo sa akin.

"You-come here!" Tumakbo ito habang hawak pa din ang platito niyang may lamang cake. Hinabol ko ito at bilang naramdaman na lang ang pagbagsak namin sa kung saan ng akmang huhulihin ko na sana siya.

Napapikit ako at ready ng masaktan pero agad ding napamulat ng maramdaman kong may nadaganan akong isang malambot na bagay.

Nakapikit din ito at sandaling napahanga ako sa gandang taglay niya. Maihahalintulad sa isang anghel sa langit ang kaniyang kagandahan. Napakaaliwalas ng mukha niya. Kay sarap titigan magdamag-

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Naputol ang aking iniisip ng pahiran ako nito ng icing sa mukha, ulit.

"How dare you, Birthday Girl!" Natatawang saad ko at pinahiran rin ang magkabilang cheeks niya.

Agad naman akong napatigil sa aking ginagawa ng maramdaman ko ang malalambot nitong titig at ang pahugis bilog na direksyon ng kanyang hintuturo sa aking mukha.

The feeling is so soft and gentle. It felt so so so good. I feel safe and secure in her embrace.

We were looking at each otherʼs eyes, nagpapakiramdaman. Her eyes are as beautiful as the night sky. But deep down, I know there's something in it.

"You are so beautiful..." She closed her eyes.

I was about to kiss the tip of her nose when someone knocked. Agad kaming napabalikwas sa aming pwesto at siya ding pagdaga ng aking dibdib dahil sa kahihiyan.

Potangina...

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now