CHAPTER 36

1.5K 36 0
                                    

Delaney

Thank God it's FriYAY! Dalawa lang ang klase namin ngayon. 10 AM mamaya at 2 PM mamayang hapon. Then tomorrow, magda-dagat kami dahil birthday na ni Miss Ven. She owns that resort kaya maso-solo namin iyon tomorrow. Nae-excite ako, matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakakapag-dagat. Matamis na ba ang lasa ng tubig? Choss.

Pero maaga pa rin ang dating ko ngayon kasi nga may 8 AM class pa si Tine at 7 AM kami dumating dito. Dito na muna ako tumambay sa library para walang epal. Matutulog na lang ako dito. Maaga pa naman.

Kaya bago ko ipinikit ang mata ko, isinuot ko muna ang earpods ko and played a music. At kung sakaling hindi ako magising ay nag-alarm na ako. Sakto, naka-earpods naman ako kaya ako lang makakarinig nun.

"Mahal na mahal kita, ingatan mo ang sarili mo 'pag wala na ako sa tabi mo ha?" Someone said and kissed my forehead. I can't see her clearly. Her face is a bit blurry.

"What are you saying?" I asked while creasing my forehead.

"I love you." She said while smiling and kissed me on my forehead again. That was the last words she said before she disappear.

"Zielle..." Rinig kong tawag sa akin ng kung sino. "Zielle." Pag-uulit nito. Lumingalinga ako pero wala namang tao. "Zielle!" Pagtawag ulit nito at ngayo'y naramdaman ko na ang pagtapik niya sa braso ko.

"Sh*t!" I cussed after realizing it was just a dream.

"Gosh, Zielle. What happened? Kanina ka pa namin ginigising." Alalang tanong ni Reiz.

"W-wala. Napasarap lang ang tulog ko, ano ka ba." I faked a laugh.

"Are you sure? You look pale." Cash asked worriedly. They all look worried. Kumpleto na naman pala sila.

I smiled to assure them. They smiled back.

"Tara sa cafeteria!" Yaya ko sa kanila at agad naman naming tinahak ang cafeteria at umorder na ng pagkain. Nakapag-breakfast naman ako kanina, pero bigla atang natunaw matapos nung panaginip na yun, gosh.

Habang kumakain kami ay agad kong naalala ang panyo ni Miss Natalia. Nuh, ibabalik ko na lang sa kaniya mamaya.

"Zielle, are you sure that you're really okay?" Nag-aalanganing tanong ni Reiz.

"Yeah." Maikling tugon ko.

"Gosh, you're creeping us out, dude. Kani-kanina namumutla ka, ngayon nama'y ngiting-ngiti ka at umaabot pa sa mga mata mo." Ngiwing sambit ni Cash.

Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya naging seryoso bigla ang mukha ko. Gagi, 'di ko alam na nakangiti na pala ako. Traydor na labi!

Parang hindi sarili ah?

"Hehe, naalala ko lang si Tine." Palusot ko. Speaking of my girl, I miss her agad.

"Ay sus, patay na patay e no?" Singit ni Pat.

"Aba'y nahiya naman ako sa 'yo e 'no?" Natatawang tugon ko na ikinatawa naming lima.

Magkakaibigan nga talaga kami, tirador ng professors e. Ewan ko na lang talaga 'pag sumunod rin sa yapak namin sina Reiz at Hailee. Lol.

Nataranta kaming lima ng tumunog ang bell. Agad na kaming nagpaalam sa isa't-isa at tinahak na ang kanya-kanyang building.

Patakbo na kaming pumasok sa loob ng elevator at buti na lang kami lang at hindi na namin kailangan makipagsiksikan.

Nang nakapasok na kami sa loob ay napahinga kami ng maluwag dahil hindi pa dumadating ang prof namin that is Miss Natalia. Usually kasi, hindi pa nagbe-bell nandidito na iyon.

Until I heard the most creepiest sound I've ever heard, takong ng mga propesora that creeps us all out. Gosh!

Speaking of!

"Good morning, class..." Walang ganang bati niya sa amin. Agad rin naman namin siyang binati pabalik.

Nag-discuss lang siya then nagbigay ng long quiz na nasagutan ko naman ng maayos dahil nakapag-advance study ako at nakinig ako ng maayos sa discussion niya kanina.

Naghihintay na lang ako sa signal niya upang ipasa na ang mga test papers namin dahil nga tapos ko na. Lumingalinga naman ako sa mga kaibigan ko---si Cash ay mukhang nahihirapan. While Hailee---maybe chini-check niya na lang ang answers niya. Hanggang sa nadapo ang paningin ko sa harapan ng hindi ko sinasadya. And there, I saw her staring at me. Mga titig na parang nalulungkot at pananabik. May problema ba siya?

Nakita ko naman ang pag-iwas niya ng mapagtantong nakatingin rin ako sa kanya. Galit ba siya sa akin? Hindi naman ata? O baka may problema lang talaga siya.

Ewan pero parang nakaramdam din ako ng lungkot dahil sa mga titig na iyon mula sa kanya.

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now