•Chapter 9: Confession and Pictures•

Start from the beginning
                                    

"Oh sorry. Yes" sambit ko na lang na kunwari ay ngayon ko lang sila narinig. Napairap na lang ako at tumayo na.

Naka tshirt ako ngayon, and since I have a sando naman sa loob, tinanggal ko na ang tshirt ko. I saw Miss Klea looking at me kaya naisipan kong pagtripan siya. Pagkatanggal ko ng tshirt ko ay pinanasan ko ang leeg ko. I hold my hair in my left hand at tumingala. I intentionally look at her habang pinupunasan ang pawis ko. After that, pinasok ko sa loob ng sando ko ang tshirt para punasan ang katawan ko. I was about to pull my sando up nang magsalita siya.

"W-what are you doing?" takang sabi ni Ma'am at umiwas ng tingin. I bite my lip to supress my smile.

"Nagpupunas ng pawis, Miss." Sabi ko.

"Almost pulling up your sando, nagpupunas?" She asked at itinaas ang kilay nito. Lumingon si Jess at tumingin sa akin.

"She's always like that, Love. Be used to it" Jess said at umupo na.

"Tara na, kain" sabi niya.

"Whatever" inis na sabi ni Miss at inirapan ako.

We were peacefully eating. I'm avoiding Miss Klea's gaze.

"Love, oh. Try this" Jess said at itinapat ang spoon kay Miss. Sinubo naman nito ang spoon na nasa harap niya.

"It's good" she said. Something left on her upper lip. Napansin iyon ni Jess kaya pinunasan niya ito at sinubo niya ang daliri niya.

Feeling ko mas mainit ang ulo ko kaysa sa araw.

"Jessica. Not in front of my food. Kadiri" inis na sabi ko na ikinatawa niya.

Miss Klea looked at me. Hindi nakawala sa tingin ko ang maliit na pagsmirked niya. Gumaganti ba 'to?

"Sorry, cous. I forgot na ayaw mo pala sa ganito" she said at natawa na lang.

My cousin knows me. Alam niyang ayaw ko ng mag-jowang naglalandian sa harap ko. Ang kaibahan lang dati ay mas naiinis ako ngayon.

"Love, kailan pala ang pageant na 'yan?" tanong ni Jess kay Miss Klea.

"3 days from now" she said at kumain na.

"Ahh okay" sabi ni Jess.

"Ah, Sky. After you eat, start packing na pala. Sabi ni Klea, uuwi na tayo mamaya" sabi ni Jess tumango na lang ako.

Tahimik ko lang silang pinapakinggan. They still being sweet na lalong ikinaiinis ko.

"I'm done. Maliligo na ako" sabi ko at umalis na.

"Sky must be on her period. Moody na naman" i heard Jessica's words pero hindi ko na ito pinansin pa.

Moody mo mukha mo.

---

It's 3pm nang makarating kami sa manila. Jessica headed to her condo. Si Miss Klea at ako naman ay naiwan sa loob ng kotse.

I admit the fact na nagseselos ako sa kanila. Kaya tahimik ako buong byahe. Kinakausap ako ni Jess, puro tango at iling lang ang nagagawa ko.

"Why are you so quiet?" tanong ni Miss Klea.

"Wala naman po akong sasabihin" sabi ko nang hindi lumilingon sa kaniya.

"You're distant" she said kaya napalingon ako.

"No, I'm not" sabi ko.

"Yes, you are" pagsagot nito.

"I respect couples" sabi ko.

Us, This TimeWhere stories live. Discover now