Chapter 40: The Last Goodbye

Magsimula sa umpisa
                                    

Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ng binata. Awang-awa siya sa sinapit ni Sisa lalo na nang maalala ang naging reaksyon nito nang makuryente ni Jojo.

"K-kaya ba biglang nagbago ang ugali niya at nawala ang alaala niya?" Nauutal na sambit ni Ponzi.

"Isa sa mga side effect ang short term memory loss. Oo nga't medyo malalang version ng electroconvulsive theraphy ang isinagawa sa kanya pero hindi naman sapat yon para makalimutan niya ang lahat ng alaala niya mula sa pinakaumpisa at biglang magbago na para bang isang computer na nireformat. Mas maniniwala pa ako kung wala siyang maalala hanggang sa puntong ni magsalita hindi na niya maalala paano gawin." Paliawang ng doktor dahilan para lalong maguluhan si Ponzi.

"Anong ibig mong sabihin?" Kunot-noong sambit ni Ponzi, "N-nagsisinungaling si Serenity?"

"Hindi ako ang dapat mong tanungin sa bagay na 'yan." Giit ng doktor kaya sa sobrang pagkalito ay muling nasapo ni Ponzi ng marahas ang ulo saka napabuntong-hininga na lamang.

"Ang mga mata niya... Bakit tiningnan mo ang mata niya noong wala siyang malay? Doc ano pa ang natuklasan mo?" Tanong na lamang ni Ponzi nang maalala ang naging kakaibang reaksyon ng doktor noong tinitingnan nito si Serenity.

"Walang senyales ng lobotomy ang mga mata niya. Hindi siya gaya ng iba..." Sabi pa ng doktor kaya lalo lamang naguluhan si Ponzi.

"Gaya ng iba?" Tanong ni Ponzi.

Tumango-tango ang doktor, "Ako lang ang nag-iisang Neurosurgeon dito sa Crimson Lake kaya nagulat ako nang magkaroon ako ng mga pasyenteng nasa-bingit na ng kamatayan dahil sa lobotomy. May mga nakaligtas at nabuhay... May mga bangkay ding natagpuan at isa sa mga nakita kong dahilan ng pagkamatay nila ay ang lobotomy. Nabahala ako sa dami ng mga natatanggap kong pasyente na sumailalim sa lobotomy kaya nagsumbong ako sa mga pulis pero bigla akong nakatanggap ng banta kaya wala akong magawa kundi magbulagbulagan nalang... Si Serenity lang ang nakitaan ko ng senyales ng electroconvulsion theraphy na hindi dumaan sa lobotomy, maswerte parin siya. Hijo kung ako sayo, wala kang ibang pagsasabihan ng nalalaman mo kasi hindi natin alam kung sino ang gumagawa nito." Paliwanag pa ng doktor gamit ang mahinang boses na animo'y natatakot na may ibang makarinig sa kanila.

Nagulat si Ponzi sa narinig, hindi nito inaasahan ang katotohang ibinahagi ng doktor, "May listahan ka ba ng mga pasyente mong sumailalim sa lobotomy? Iisang tao lang ba ang nag-opera sa kanila?"

"Hijo sinabi ko ang lahat ng 'yon sayo bilang babala. Kung tutuusin maswerte pa si Serenity kasi ganun lang ang dinanas niya at hindi siya gaya ng iba na namatay o nasiraan ng bait. Ilayo mo nalang si Serenity mula dito." Giit pa ng doktor.

"Kailangan ko ng mga pangalan!" Giit ni Ponzi kaya napabuntong-hininga na lamang ang doktor at kinuha ang isang envelope na nasa pinakailalim na bahagi ng kanyang cabinet.

"Listahan to ng mga naging pasyente kong nakitaan ko ng senyales ng lobotomy sa dalawang taon kong pagtatrabaho dito. Sila ang mga nabuhay. Ang mga pangalan sana nila ang ibibigay ko sa mga pulis kasi may kakayahan silang masabi kung sino ang gumawa nito sa kanila pero hindi ko na nagawa dahil sa natanggap kong mga banta." Paliwanag ng doktor saka inabot ito kay Ponzi.

Dali-daling tiningnan ni Ponzi ang listahan ng mga pangalan at laking gulat niya nang makita niya ang isang pamilyar na pangalan—Rodney.

Sa isang iglap ay dali-daling nagtungo si Ponzi sa opisina ni Chief Hidalgo upang maghanap ng impormasyon tungkol kay Rodney.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon