CHAPTER 3- HAZY FLASHBACK

208 16 0
                                    

⚠️ Content warning: SPG scene ahead, including vulgar language not suitable for readers under 18. Read at your own risk.⚠️

................

"What do you think?" tanong ko kay Agent Hash. Nasa sala lang kami ngayon dahil kakatapos lang namin magtanghalian.

"Anong 'what do you think?'? Hindi kita gets," nalilito niya namang sabi. "Linawin mo naman ang tanong mo," dagdag asik niya pa.

"Kailangan ko na ba talagang bumalik sa trabaho ko?"

"Kung kailangan mo ng pera ay oo, kung hindi naman ay huwag na," sarkastikong sabi niya naman. "Wala ka bang boyfriend na artista o kahit non-showbiz?"

"Bakit? Kapag wala ba ay liligawan mo ako?" pabiro ko namang tanong para ilihis ang usapan namin dahil sa totoo lang ay hindi ko alam.

Hindi ako sigurado kung single ba ako o hindi. Minsan ay sigurado akong oo pero minsan naman ay para bang may kulang akong nararamdaman. Para bang may hinahanap akong tao o bagay.

Ewan ko ba kung ano ang nangyayari sa akin. Ang hirap palang magkaroon ng trauma at ng memory lapse. Kung dati ay gusto ko pang magkaroon na lang ng amnesia para makalimutan ko ang lahat ng aking problema, ngayon ay hindi na ako natutuwa pa. Partida pa nga at kaunting parte lang ng buhay ko ang aking nakalimutan.

"Tsk! Ganiyan mo ba ako kagusto?" balik pang-aasar niya naman sa akin. "Parang noong nakaraang linggo lang ay gusto mo akong hampasin ng baseball bat, ha?" paalala niya pa sa akin.

Natawa naman ako. "Kasalanan ko ba? Pabigla-bigla ang desisyon ng manager ko at sinabayan pa ng pinsan kong kalahi ng mga kugtong."

"Ibig sabihin ay kugtong ka rin dahil magkalahi kayo."

"Whatever. Ano na ba ang balita sa misyon mo? Nahanap mo na ba ang gustong pumatay sa akin?"

"Hindi pa pero ang totoo ay maraming nakaabang sa pagbabalik mo sa film industry at may namamataan din kaming nagmamasid sa labas ng LC Condo Units Building."

"Oh my god. Stalkers ko, gano'n?"

"Obsessed fans? May nahuli kami noong nakaraang araw pero isa lang siya sa fan mo na nag-aalala sa kalagayan mo. Sa dami nilang pasilip-silip dito sa lugar mo ay hindi pa namin natutukoy kung sino ba sa kanila ang may masamang balak sa 'yo. Kailangan pa rin nating mag-ingat. Hindi rin nila puwedeng malaman na agent ako."

Natahimik naman ako. Kung gano'n ay kailangan ko na talagang bumalik sa trabaho. Mas ma-e-expose ako sa killer at kapahamakan pero pakiramdam ko ay mas madali naming matukoy kung sino ba talaga ang bumaril sa akin kapag magkaroon ako ng public interaction sa kanila. Malalaman namin kung sino ang totoo at hindi sa kanila.

Napailing na lang ako at nagpatuloy sa panunuod ng movie ko. Nagbabakasakaling mas maging bukal sa aking kalooban ang magbalik-loob sa industriyang kinabibilangan ko.

"Hindi ka ba nagsasawa sa mukha mo?" rinig kong usisa niya pero hindi ko lang pinagtuonan ng pansin. "Mukha mo o baka mukha ng mga lead mo ang pinagpapantasyahan mo?"

Napataas-kilay naman ako at nai-pause ang aking pinapanuod. "Mukha ba akong manyak?"

Well, slight lang naman. Mga 99.9%, duh?

And this is how I am when stressed. I love men. I admit it. Is there anything wrong with that? At least I'm not tearing down reputations or dragging others down whenever I have nothing to do in life, right? That's worse.

"May naging boyfriend ka ba sa mga 'yan?"

Nakagat ko pa ang aking labi dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. Napansin ko ring dumapo ang kaniyang paningin sa aking labi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Leaffe And Her Guns Where stories live. Discover now