CHAPTER 2- HIS TITANOBOA

217 18 2
                                    

Nakahiga lang ako sa mahabang couch sa sala habang nanunuod ng isang dating show para sa mga babae at lalaking artista na single. Dalawa sa kanila ay nakatrabaho ko na.

Bahagyang nakabaluktot ang dalawa kong paa dahil nasa paanan ko rin nakaupo si Agent Hash na nakatutok lang sa kaniyang laptop habang mabilis ang pagtitipa ng mga daliri sa keyboard nito.

Para siyang istriktong professor dahil sa kaniyang suot na eyeglasses. Ngayon na busy siya sa kung anuman ang kaniyang ginagawa ay nagkaroon ako ng pagkakataon na mas matitigan pa ang kaniyang guwapong mukha.

Gaano kaya siya kagaling na secret agent? May girlfriend kaya siya? Kung oo, pinayagan kaya siyang makipagtrabaho sa isang magandang babae na nagngangalang Leaffe?

Wew! Nagbubuhat ka na naman ng sarili mong upuan, Leaffe.

Sinadya ko siyang sipain pero hindi man lang nagpatinag. Ibinalik ko na ang aking tingin sa TV. Napatitig ako sa lalaking biglang nag-appear.

"Oh?!" usal ko pa sabay bangon.

Saglit lang naman akong tinapunan ng tingin ni Agent Hash. Wala naman talaga itong pakialam sa akin kahit na magkasama kami buong maghapon.

Ewan ko kung ano ba talaga ang purpose ng pananatili niya rito. Isang linggo na rin siguro siyang nakabantay sa akin. Mabuti na lang at dalawa ang kuwarto sa unit kong ito.

"Bakit?" tanong niya pa na ni sulyap sa TV ay hindi ginawa.

"Wala," sagot ko na lang at humiga na ulit.

Bakit parang familiar sa akin ang isa sa hosts? Ang guwapo-guwapo niya pa. Iyon nga lang ay hindi gano'n kahaba ang screentime niya dahil nakapokus sa contestants ang show.

Single kaya siya? Mabuti na lang at hindi siya sumali bilang contestant. Paniguradong mabebenta kaagad siya.

Muli akong napasulyap kay Agent Hash. Sa kinatagalan kong katititig sa kaniyang kalmadong mukha ay nagiging kamukha niya na ang guwapong host na crush ko.

Bigla siyang tumingin sa akin. Napalunok pa ako nang mahuli niya akong nakatitig sa kaniya.

"Bakit? You need anything else from me?" usisa niya pa.

"Kailan mo ba balak lumayas sa pamamahay ko? Feeling ko ay excuse mo lang talaga na mission mo ako, eh. Iyong totoo? Wala ka bang sariling bahay na matitirahan kaya ka nakikitira rito sa akin? Wala akong trabaho kaya..."

"Exactly."

"Exactly? As in wala kang bahay?!"

"As in kailangan mong maghanap ng trabaho kaysa sa ang magmasid sa akin buong maghapon at tumunganga sa TV."

"Screw you, Agent Ass!" asik ko.

"Ass?"

"Asshole," tuwid kong sabi.

"Huwag mong iniiba ang pangalan ko, Miss Dahon."

Inirapan ko nga ito at naupo nang maayos. Sa inis ko ay kinagat ko ang kaniyang braso dahilan para mapahiyaw siya bago ako pumulos papasok sa aking kuwarto.

Leaffe And Her Guns Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin