CHAPTER 1- MEMORY LAPSE

281 21 10
                                    


Perfect. That's how I remember my life before someone almost took my life away. I thought I would die on the spot, but... I didn't.

Maybe I was lucky, but perhaps... I lived just to suffer more.

Sabi nila kapag daw naranasan mong makasalubong si Kamatayan at nakaligtas ka pa ay magiging malinaw na ang lahat sa 'yo. Alam mo na ang tama sa mali. Ang mga bagay na dapat mong gawin sa hindi. Mawawala rin daw ang takot mo sa mga bagay-bagay.

Life after dancing with death is refreshing. It makes you bold and confident in life. Yet, I don't think so because when I woke up from the brink of death, the opposite happened. I was lost and confused. I still feel scared and weak until now.

Kung noon ay wala akong kinatatakutan, ngayon ay takot ako sa lahat ng bagay o tao. Kung noon ay sanay na sanay ako sa mata ng publiko, ngayon ay nagtatago ako sa lugar kung saan ang tanging pamilya at manager ko lang ang nakakaalam.

And oh... this handsome yet cold man right in front of me now. Who is he, and why is he here?

"Uhm... excuse me?" untag ko rito.

He's handsome and decent, but my trust issues won't just accept his appearance and vibes because he's a stranger sitting comfortably in my living area.

Mula sa pagkakaupo ay kaagad naman itong tumayo. Napaatras ako habang mahigpit ang hawak ko sa suot kong night robe.

"This is my house, so you better not do anything to me and leave quietly," I added.

Mataman lang naman itong nakatitig sa akin na para bang pinag-aaralan ang bawat anggulo ng aking mukha. Napalunok ulit ako habang nararamdaman ko na naman ang mabilis at malakas na tibok ng aking puso.

After the incident, I experienced panic attacks. But it's not just panic attacks; it's also the misfortunes in my life. Sometimes, it feels like I'm becoming bipolar. I hate my f*cking life right now. It feels like I'm literally living in hell.

"Calm down, Miss. Hindi kita sasaktan," mahinahon nitong sabi.

Ikinalma ko naman ang aking sarili. Dali-dali akong pumunta ng kusina at napatili pa ako dahil sa biglaang pagharap ng babaeng naka-dress na puti. Pumailanlang ang tunog ng nahulog na food tray. Nabasag pati ang nakalagay na mga tasa at plato doon.

"Aww!" malakas na hiyaw ni Carlyn.

Wait... Carlyn?! Anong ginagawa ng isang ito rito?

"Anong nangyayari?"

"Ay, palaka!" hiyaw ko na naman dahil sa boses na iyon na nagsalita mula sa aking likuran. "Ate Chae! Saan ka ba nanggaling?Bakit ngayon ka lang? Iniwan mo bang nakabukas ang pinto?! Nagising akong may guwapong... may stranger sa sala at may aso ritong nagnanakaw ng pagkain ko!" sermon ko sa aking manager.

"Aso?! Excuse me?! Pinsan mo ako, Leaffe Cavello! Kung hayop ako ay hayop ka rin. Magkamag-anak tayo, 'no?" asik naman ng isa na ngayon ay nililinis ang kaniyang sariling kalat. "Wala kang respeto sa galang!" dagdag pa nito at padabog na itinapon sa basurahan ang basag-basag na gamit.

Walang respito sa galang? Anong pauso na naman ba ito?

"Pay me one thousand and five hundred pesos for the item you broke and the coffee and bread you spilled. I don't have a job right now, so I'm trying to save," I declared, facing Ate Chae with folded arms.

"Ha! May pera ako! Babayaran kita!" sagot pa ng isa.

Nagtama ang paningin namin ng lalaki. Nandito na rin pala ito para makiusyoso sa ganap at ingay namin dito.

"Seriously, Ate Chae. Bakit may mga stranger sa pamamahay ko? Hindi sila welcome rito. Sino ba ang lalaking ito? Boyfriend mo?"

Natawa naman ito sa naging tanong ko. "Hindi."

Leaffe And Her Guns Where stories live. Discover now