Umalis na si mama, inakbayan ako ni Yvo at nilakad papunta sa railing ng mall kung saan tanaw namin ang ibaba.


"Musta, butterfly? Happy New Year nga pala!" Tawa nya. "Musta Christmas?"


Tumawa lang ako kay Yvo at hindi sya pinansin.


Napatingin ako kay Clinton. "Uy, belated nga pala." Sabi ko nang maalala na birthday nya kahapon.


Tumango si Clinton. "Thanks,"


Tinanggal ko ang pagkaka-akbay saakin ni Yvo at tumingin sa kanya. "Ahh.. aalis na ako bukas eh."


"Oh?" Ani Yvo.


Tumango ako. "Pupunta akong Canada."


"Oh?" Ani Yvo ulit.


Sinapak ko sya ng malakas. Seryoso naman kasi ako.


"Aray naman!" Sigaw nya at hinimas ang balikat.


"Seryoso naman kasi, Yvo. Aalis ako bukas.. for family. Basta." Umirap ako sa kanya.


Ngumiwi sya. "Ouch, kawawa naman si baby Pierce.." Sabi nya at mukhang hindi pa rin sineseryoso ang sinasabi kong pag-alis.


Nagbuntong hininga ako. "Pag-umalis ako, sana palagi nyong lalapitan si Pierce. Galit sya saakin eh. Ang.. ang gusto nya kasi ay sumunod saakin."


"Pfft—" Pinigilan ni Yvo ang tawa nya. "Tang ina yon, lakas ng trip."


Nainis ako sa kanya. Sinabi nyang malakas ang trip ni Pierce, eh para saakin, bata lang mag-isip si Pierce at hindi trip yon. Seryoso sya, mali nga lang.


"Sira! Palibhasa kasi hindi ka naman in love eh." Natawa ako.


Ngumisi sya saakin at umirap. Huh.


"Pero seryoso? Sinabi nyang gusto nyang sumama? Sayo, sa Canada?" Para bang hindi naniniwala ang boses ni Yvo. "Asa namang payagan ni tita Steph yon."


"Para namang hindi mo kilala si Pierce pagdating kay Princess," Ani Clinton na nasa gilid ni Yvo.


"Woah, alam kong baliw sya sa'yo, pero hindi ko alam na sukdulan na ang pagka-baliw nya." Umiling-iling si Yvo. "Tang inang Jimenez yon, sobra-sobra kung magmahal.."


Napangiti ako sa sinabi nya. Ang sarap at ang sakit sa pandinig. Pakiramdam ko naman pareho kami ng nararamdaman ni Pierce, oh siguro nga mas nanghihinayang ako. Paano na lang kung ma-fall out of love si Pierce saakin, hindi ko yata kayang magmahal ng iba. Hindi ko yata kayang malaman na may iba syang mamahaling babae.


"Pero, seryoso, Yvo. Sana hwag mong asar-asarin si Pierce pag umalis na ako. Kaibigan lang ang kailangan nun.." Bulong ko. "Kailangan nya ng gabay.."

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon