Prologue

2 0 0
                                    


Bagsak ang balikat ni Nyah habang naglalakad pauwi sa boarding house na tinutulutan niya. Hanggang ngayon di pa din sya nakakakita ng trabaho. Isa siya sa mga na layoff sa dati niyang kompanya dahil sa pagkalugi nito at ngayon ay inabsorb ng isang kompanya pero pinaalis ang mga trabahador dito kasama siya at tanging board na lang ang naiwan at ilang matataas na pwesto. Isa lang naman siya assistant sa Finance officer kaya di siya malaking kawalan. Nang binalita sa kanila iyon ay di na siya nagsayang ng oras na gumawa ng resume para makapag apply sa ibang company pero hanggang ngayon ay wala pa din siyang napapasukan. Mag-iisang linggo na at paubos na ang ipon niya.

"Ang malas ko naman! Bakit ba kailangan magsabay lahat?!" Giit niya sa sarili. Matapos kasi na mawalan siya ng trabaho ay naospital pa ang tatay niya kaya lahat ng ipon niya naipadala na niya sa probinsya.

"Okay! Calm down, Nyah... Tiwala lang at bulas may trabaho ka na ulit." Sabi niya sa sarili.

Pero kahit sinabi niya yun sa sarili niya, di pa rin maiiwasan ang kaba niya. Tatlong companya na ang inapplyan niya pero wala pa siyang balita.

Naglalakad lang siya habang nagiisip sa kawalan. Hindi pa sya successful sa buhay niya at hindi siya pwedeng umuwi sa probinsya!

"Please naman Lord! Wag naman umabot sa punto na maghahanap na lang ako ng AFAM na mabilis matsugi!!" Reklamo niya sa sarili.

Bigla siyang napatigil sa harap ng isang malaking poster.

"SR Builder's Corp.
In need of the following:
Engineers
Architects
Finance Analyst/Staff
Personal Assistants

Napakapit siya sa tarpauline at tinignan ang oras. Magsasara na ang office hours!! 4:45 na at kailangan na niyang magmadali. Napatakbo siya sa entrance ng kompanya. Maputi at sa harap mismo ng kompanya ang nakita niyang poster.

Before siyng pumasok tinignan niya muna ang sarili sa glass wall. Inayos niya ang magulong gintong buhok niya at damit na medyo nayukot kakatakbo.

"Sana pwede pa umabot." Sabi naman ulit sa sarili. Pumasok na siya sa loob at agad sinalubong ng gwardya.

"Maam saan po punta niyo?" Tanong nito sa kanya.

"Ay sir, magaapply sana po." Sagot niya na akala ay papasukin siya.

"Maam kelangan niyo po ng appointment kung applicant kayo. Ano hong pangalan niyo para ma search ko dito sa applicant list" nagpipindot sa isang screen ang guard para buksan ang listahan na sinasabi niya. Agad namang nagulat si Nyah.

Grabe namang kompanya ito. Hitech nga strict din! Sabi nito sa isipan. Wala na siuang ibang choice kundi ang magmakaawa!

"Sir please sir! Pinaalis po ako sa trabaho at wala na po akong pera!! Need ko po talaga ngayon ng trabaho sir!! Kahit exemption lang sir sakin. Maawa na po kayo!!" Napakapit pa siya sa braso ng guard saka inugog-uyog yun.

"Maam!! Tumigil ka po maam! Bawal pumasok sa loob basta walang appointment. Dapat nagsesend ka ng email!! Isa maam." Saway nung guard sa kanya pero di siya nagpatinag. Tumigil siya sa ginagawa niya sa gwardiya. Nang akala neto na ayos na ang lahat agad na tumakbo si Nyah sa loob.

Sumunod naman yung guard na nagradyo pa ng mga kasama para ipaalam ang sitwasyon.

"Ano ba yan! Mag aapply lang naman ako sana eh!" Sabi niya at agad nakita ang pabukas na elevator. Papalabas na sana ang tao na nasa loob pero dali-dali niya itong hinatak ulit sa loob at sinara ang elevator. Muntik pa sana makahabol yung gwardya.

"Haaaay! Napagod ako dun! Gosh! Naku kuya sorry if nahatak kita pabalik." Sabi niya lang habang inaayos ang sarili niya.

"I hope you know the consequences of your actions." A baritone voice told her. Agad siyang napalingon sa lalaki at nagulat siya sa nakita. Isang anghel! Isa siyang anghel!!

Maputi ang lalaki at halata na may lahi ito. Matangkad at malapad ang katawan. Bigla niyang napagtanto kung sino ang sa harap niya. Isang mukhang palagi niyang nakikita sa tv at sa magazine. A business tycoon!!

"S-sir.. I am very sorry." Mahina niyang sabi habang nakayuko. Nanliit siya bigla at nahiya sa nangyari. Hinatak niya ang may-ari ng kompanya!!! Hindi pa nga siya naka apply sa trabaho mukhang bagsak na siya.

"What do you think you are doing? Tresspassing at my company grounds?" The guy looked at her as if she is being sentenced.

Halos mapaiyak na si Nyah sa nangyayari. Bakit nga ba ang malas ng buhay niya?

Ding!!

Biglang bumukas ang elevator sa floor ng office ng lalaki. Isang buong floor ang sakop ng opisina neto. Agad na sumalubong sa kanya ang secretary nitong isang lalaki din. Nagulat din sa bumungad sa kanya.

"Sir! Napabalik ka sir?" Agad na tayo at tingin nito sa bumukas na elevator.

"Follow me." Bulong ng lalaki kay Nyah.

"Sir. Sino po kasama niyo?" Tanong ng secretary neto pero wala lang siyang imik. Yuko naman na sumunod si Nyah sa lalaki.

Pumasok sila sa main office.

Nicolas Wyatt Scott Ramirez - President/CEO

Ang pangalan na nakalagay sa mesa neto. Naintimidate sya sa lalaki na napaupo lang sa swivel chair neto.

Nakatalikod ito sa kanya. At sya naman nakatayo na naghihintay sa sasabihin nito.

"Well, you know madami akong pwedeng ikaso sa iyo. But let me hear what you have to say." Sabi lang nito habang nakatalikod sa kanya.

"Nandito lang po ako para maghanap ng trabaho! I was desperate! Kailangan ko nang maghanap ngayong araw kundi mapapalatas ako sa tinutulutan ko. Yung tatay ko inatake pa sa puso sa probinsya. Nung nagclose ang kompanya namin isa ako sa hindi naabsorb sa bagong management." She said habang napaluha. Desperation is evident in her voice.

A silence occured in the room. After a short while, hinarap ni Wyatt ang babae.

"You need a job right now? But I am sorry wala na kaming bakante." The man said.

That broke her heart. Babalik na lang sya sa probinsya at dun na lang maghahanap muna kahit maliit ang sahod.

Ang inaalala niya ay yung gastos sa tatay niyang nagkasakit. Malaki din babayaran niya sa hospital at dahil wala na siyang trabaho ay di na rin covered yung insurance niya.

Nang halos ay mawalan na siya ng buhay at pag-asa nagsalita ang lalaki sa harap niya.

"But... What are your thoughts on being my wife?" Seryoso ang tono ni Wyatt habang napatanong.

Agad naman tumingin si Nyah sa lalaki na gulat na gulat. Hindi ata makapaniwala sa narinig. Wife? Wife ba yun?

"S-sir.?! Anong sabi niyo?"

"Tsk. I really do not want to repeat myself."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

We Married for Convenience (Nicolas Wyatt Scott Ramirez)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon