Fantasy #7: Destiny

Depuis le début
                                    

     "Maganda ka hija, pero ibang usapan na 'to..." Natawa pa 'yung lalaki pagkasabi no'n. Agad namang hinarang ni Mang Isko 'yung kamay niya at umalalay para mapunta ulit sa likod niya si Dolores, sa tabi ni Tacio.

     "Buo na ang desisyon ko hija. Kapag hindi sila pumayag, edi wala na silang trabaho. Gano'n lang naman 'yon. At paplanuhin ko pa rin ang itatayo kong bahay rito. Unti-unti, alam kong isusuko niyo rin 'to."

     Nakakalungkot na may mga taong ayaw intindihin 'yung paghihirap ng iba dahil hindi nila nararanasan ang sitwasyon, dahil may kapangyarihan at may kakayahan silang manghamak ng iba. Pero kahit hindi man nila nauunawaan, sana kahit 'wag na lang silang maging instrumento para makapanakit. Nakakalungkot.

     Dahan-dahan akong naglakad ulit. Sa ganoong sandali ko nakita 'yung nakakuyom na kamao ni Tacio. Seryoso 'yung mga mata niyang nakatingin sa nasa harap ni Mang Isko habang inaalalayan din si Dolores na pumunta sa likod. Hinawakan niya 'yung balikat ni Mang Isko na tila may pinapahiwatig. Walang bakas ng matinding galit sa mukha niya, pero alam ko... Alam kong galit siya sa loob niya.

     Huminga ako nang malalim. Sa buhay ko, ang dalas kong pigilang gawin 'yung mga bagay na gusto ko para lang siguraduhin na ligtas ako, 'yung kalusugan ko. Playing safe kumbaga. Pero siguro sa ilang punto sa buhay, kailangan talagang umalis sa comfort zone. Hindi mo malalaman kung ano pang kaya mong gawin kung hindi mo susubukan. Baka sakaling makapagligtas ka naman ng iba.

     "Minamaliit niyo ho ba kami?" tanong ko nang makalapit na nang tuluyan. Huminto ako sa mismong tapat niya.

     Naramdaman ko agad na may tumabi sa 'kin. "Lei..." Napalingon ako kay Tacio na hinawakan ako sa braso para pigilan sa gagawin ko. Tinitigan ko rin siya nang seryoso, may ipinapahiwatig na sana maunawaan niya.

     "Sino naman ang magandang dilag na ito? Ngayon lang kita nakita sa lugar na 'to..."

     Dahil hindi naman talaga para sa panahong 'to ang edad ko ngayon. Sagot ko sa isip ko.

     "Hasmin," sabi ko sabay lahad ng kamay ko.

     Hindi niya 'yon agad binitawan nang inabot niya. Sa gilid ko, tinignan ko si Tacio na bakas na 'yung galit sa titig sa lalaki. Pinilit ko nang kumalas sa hawak no'n at saka ko lang nakitang huminga nang malalim sa Tacio, tila nagpipigil at kinokontrol 'yung sarili.

     Tinitigan ko rin ang nasa harap ko hanggang sa ma-realize na tama 'yung naiisip ko kanina. Kilala ko siya...

     "Gusto niyo po ba ng isang napakagandang hula?" tanong ko.

     "Hindi ko kailangan niyan hija. Lupa ang sadya ko rito."

     "Mukha nga pong kayo 'yung tipo na hindi naniniwala sa gano'n. Pero malaki ho ang mapapala niyo sa hula ko," sabi ko.

     "At ano naman 'yon? Itong lupain ba? Mapapasaakin din 'di ba?"

     Hindi ko naiwasang mapangisi sa confidence na mayro'n siya. "Pero bago ho 'yon, may deal na kailangan niyo namang pagbigyan 'yung magiging pabor ko," sabi ko.

     Siya naman ang napangisi.

     "Hindi kita maunawaan sa totoo lang pero nae-entertain ako sa ginagawa mo. Makikita natin hija, kung pagbibigyan kita," sagot naman niya.

     "Mag-usap po tayo ro'n," sabi ko sabay turo malapit sa may duyan.

     "Lei... Hindi mo kailangang gawin 'to. Ayokong problemahin mo 'to," sabi ni Tacio na hinawakan ako ulit sa braso. Mahigpit pero hindi naman sobra.

     "Tacio, pumasok na kayo ni Lei at Dolores sa loob ng bahay," seryosong utos ni Mang Isko.

     Nauna nang maglakad 'yung nasa harap namin papunta sa may duyan, tila naaaliw lalo sa mga nasasaksihan.

Time Escape (Currently Editing)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant