Chapter 1

0 0 0
                                    

Lisse, Netherlands.

“Whoa grabeng tulips to, pwede ko kayang dalhin pabalik sa Pilipinas?” Bulalas ni Kelly Jannis habang napapalibutan ng paborito niyang tulips. It was her ulterior motive to fly to Netherlands, tagging along her best friend who fortunately landed a job in a hospital. She did have been accepted for a job in a publishing company based in Netherlands but no feedback yet on her start of duty as she landed, though she was told that she will start within the month. But in everything, she actually came to move on, this time, for a very big break, probably for good.

“Kelly Jannis, subukan mo lang, ipapatapon talaga nila agad tayo pabalik sa Pilipinas.” Tila inis na saway ng best friend niyang si Lia na til inarkila niyang photographer dahil pagdating na pagdating pa lang nila sa Keukenhof, sa sobrang pagkamangha niya ay sa bawat anggulo ng naturang lugar siya nagpa-picture. The place is also known as the “Garden of Europe”, the largest public garden in the world, with more than 700 varieties of tulips, usually in bloom during the summer. Fortunately, they came just in time to witness such spectacle.

She chuckled, “Akalain mo yun Lia, isang heartbreak lang pala ang katumbas ng ganito kagandang panoorin.” Aniya habang mangha pa ding inililibot ang tingin sa paligid. She’s too awed to the sight to even notice a man on his phone on a call, hanggang nabunggo na siya rito.

“Wel verdomme.” Damn it. Tila galit na asik nito sa kanya. Imbes na mainis din dito ay tila siya binuhusan ng malamig ng tubig. The man sure look like her favorite actor in the Game of Thrones, Michiel Huisman, who also happen to be Dutch. Siniko siya ni Lia at doon lang siya natauhan.

“I’m sorry, I really am.” Dali dali siyang humingi ng paumanhin dito. Kahit alam niyang baka hindi din siya maintindihan nito. To aid her, she turned on her smart watch’s translate mode and spoke again “I’m sorry” and it instantly translated to Dutch. Nginitian din niya ito. It was as if everything around her paled in comparison to the man who resembles like her greatest celebrity crush. The major difference between her celebrity crush is that he looked astonishing in person.

Iwinasiwas lang nito ang kamay, dismissing her. Akmang magsasalita pa siya ng hinila na siya ni Lia palayo dito. “Umayos ka Kels. Busy masyado ang mga kagaya no’n.” Ani Lia.

Tinawanan lang niya ito. “Wow bes. At 6am on a Monday? Hindi naman siguro. Maliban na lang kung business magnate iyon. Tsaka hindi normal na gumala ng ganito kaaga ang totoong busy na tao.” Pero natigil sila sa paglalakad ng sa di kalayuan ay may namataan siyang batang babae na naka wheelchair at tila inaabot ang tulips sa di kalayuan nito, pero halatang nahihirapan ito dahil nga naka wheelchair ito.

Siya na ang umabot nito nuon para dito. Nakangiting binalingan niya ang bata at binigay ang tatlong tangkay ng tulips na inaabot nito kanina. Sinuklian siya nito ng matamis na ngiti. “Thank you.” The little girl has striking blue eyes, contrast to her brown hair. Wala yatang pangit dito. Sa loob loob niya. Napangiti na din siya dito at napuna na mag isa lang ito. “Are you alone here?” Tila pang opening conversation niya rito. She was worried how a disabled little girl could be alone at a very public place so early in the morning.

Nilingon niya sa Lia. “Bes, baka mawala siya dito. Kawawa naman. Baka may tumangay sa kanya dito.”

Tinampal nito ang noo niya. “Ano ka ba, eh baka tayo pa mapagkamalan na pedophile dito, naku ka talaga Kels.” Anito’t hinihila na naman siya palayo sa bata. Pero baka pa siya makalayo dito, ang gwapong mama kanina ang lumapit sa bata na noon ay umiiyak na. Dahilan para balikan niya ang batang babae. Baka mali ang hinala niya na dahil gwapo ito ay hindi na ito masamang tao.

Candid LoveWhere stories live. Discover now