Kabanata 1

213 11 5
                                    


•••

Zoe's POV

"Ayieee!!!"

Uwaaaaaaah! Sobrang kinikilig ako! Bakit ganun? Ang galing talaga ng favorite author ko sa wattpad! Si ate superJOem! (A/N: i-plug daw ba yung sarili?)

Ay! Nakalimutan kong mapakilala. Ako nga pala si Zoe. Pronouce as: Zoey. 18 years old intelectually, 7 years old mentally, 12 years old physically, and 15 years old by heart.

Haha! Joke lang lahat yun. 14 years old ako. Yan, hindi na joke yan. 3rd year high school sa isang Academy na pinapasukan ko dito sa Makati.

Oo, aaminin ko. Isa nga akong hopeless romantic. Don't get me wrong. Hindi pa ako nagkaka-boyfriend or what so ever. Wala pa ako nung sinasabi nilang first's.

Wala ako nung first kiss, first holding hands, WALA! Wala lahat! Aresso?

Hindi ko pa nakikita ang true love ko. Ay mali, hindi pa ako nakikita ng true love ko.

Hay. Kailan niya kaya ako mapapansin?

"Ano, tapos ka nang mag-daydream?"

Kinilabutan ako. Napatingin agad ako sa pusa na nasa lap ko. "Uwaaaah!! Kitty!! NAGSASALITA KA?! OMG!!!" Namamanghang sabi ko habang nakatingin kay Kitty.

"Ay. Tanga. Ako ito. Bakit naman magsasalita yang pusang mabalahibo na yan?"

"Uwaaaah! Nagsasalita ka nga Kitty!" Niyakap ko si Kitty. I'm so happy na nagsasalita ang pet---

"Hoy Zoe! Ang tanga neto! Nandito ako sa likod mo!"

Huh? Pano naman mapupunta si Kitty sa likod ko e nandito siya sa lap ko? "Ikaw talaga Kitty niloloko mo ako. Nandito ka sa lap ko tapos sasabihin mo nasa likod kita? Ikaw tala---Aray!"

Bigla nalang may bumatok sa'kin. Ang sakit nun a!

"Kahit kelan talaga ang tanga mo, Zoe! Haist!" Bigla namang sumulpot si Insan Kriella sa harap ko at nakapamewang pa. "Ako yung nagsasalita kanina d'yan sa likod mo! Bakit naman magsasalita yang mabalahibong 'yan? Common sense naman Zoe! Hays..." Sabi pa niya habang napapa-face palm nalang.

Si Insan pala yung nagsasalita dun sa likod ko kanina pa. Bakit ko naman kasi naisip na si Kitty yung nagsalita e. Tsk. Medyo natanga ako dun ah. Di bale, sabi ni mommy matalino daw ako. Hehehe.

"Ayan ka na naman dyan. Lumilipad na naman yang utak mo. Tss. Btw, may gusto lang akong sabihin tungkol kay Levi. May nililigawan na siya."

Destined To Love (Short Story)Where stories live. Discover now